Chapter 23

1124 Words
CHAPTER 23 PAIGE'S POV   "Masarap ba?" tanong ni Aries   "Umm...ang sarap."   "Talaga?"   "Oo. Isa pa nga. Umm...sarap talaga eh."   "May lahi ba tayong baliw?" tanong ni Kuya Craige   "Wala yata. Mukhang kay Paige pa lang magsisimula." Sagot ni Kuya Marveige   "At saka Kuya, parang ang pangit pakinggan ng ginagawa nila. Parang...ang laswa." Sabi naman ni Kuya Andreige   "Oo nga eh. Alis na nga tayo dito." Sang-ayon naman ni Kuya Craige   Hindi ko na sila pinansin. Busy kami ni Aries sa pagsusubuan ng cake na ibinigay sa amin ni Yale kanina. Eh sa talaga namang masarap eh. Masyado lang kasing green minded ang mga kuya ko. Umupo sila sa di kalayuan sa amin.   "Gusto mo pa, baby?" tanong sa akin ni Aries   "Ayoko na. Ubusin mo na yan. Tataba ako eh."   "Not true. Ang sexy sexy mo pa rin para sa akin."   "Talaga?"   "Yup!"   Nakangiting pinanggigilan ko ang pisngi niya at pinisil. Hindi ko siya tinigilan hanggang hindi namumula ang pisngi niya na ang sarap pisilin.   "Aray naman baby! Parang galit ka pa yata sa akin eh."   "Hindi na kaya, love na love kita eh."   "................"   "I love you too, baby." Sabi sa akin ni Aries "I love you more."   "................"   "I love you most."   Nilingon ko na ang istorbo na hindi naman nagsasalita. Si Cloak of course. "Gusto mo ng cake?" tanong ko kay Cloak   ".............."   Tumingin lang siya kay Aries.Tapos sa akin, pagkatapos ay bahagyang ngumiti at tumalikod na siya at naglakad papunta sa mini bar dito sa loob ng "Craige".   "Hey, Cloak!” tawag ko sa kanya   ".............?"   "Thanks!"   Tumango lang siya at tumalikod na ulit.   Maybe, someday Cloak, mahahanap mo din ang para sayo. At ako ang isa sa magiging masaya para sayo. Hindi kasi ako yun eh. Konting hintay lang sa someone special mo. I'm sure natraffic lang yon. Dadating at dadating din yon.   "Problem, baby?" tanong ni Aries   "No. I'm just a little worried kay Cloak."   "Kasi?"   "H-ha?"   "Bakit ka worried?"   Tsk tsk. Mahirap mag-explain. Lalo na seloso ‘tong isang ‘to. "Paige?"   "Ano...worried ako kasi baka mapanis yung laway niya. Balak ko sanang bumili ng isang truck ng mentos para hindi mapanis at para walang dumagdag sa smell pollution."   Napatawa si Aries. Alanganin akong ngumiti. Smell pollution? Tongeks lang eh ‘no? Air pollution, dude! Nagpeace sign lang ako kay Cloak na mukhang narinig ang sinabi ko at kasalukuyan akong binigyan ng mabilis at nakakamatay na tingin. Napatingin ako kay Aries ng lumapit siya sa counter kung saan si Thea ang nandoon at nag-aamba ng suntok kay Kuya Craige.   Tumaas yung kilay ko ng may binigay na mic si Thea kay Aries na kinonek niya sa speaker. "Hello." bati ni Aries   "HI!" sagot ng mga tao   "Parang ayaw. Ayun! Hi!"   "Hello!" sagot ulit ng mga tao   Kids party lang? Ano na naman kaya ang trip ni Aries? Mukhang importanteng-importante ang sasabihin niya ah. Masyado kasi akong intoxicated sa kasweetan namin ni Aries kanina. Ano nga bang meron?   "Hello again! May sasabihin lang ako. I-aanounce pala. May gusto kaming iparating sa inyo ni Paige." pahayag ni Aries   Hmm...hala! Ikakasal na nga pala kami ‘no? "I'm happy to announce na...ikakasal na kami." Anunsyo ni Aries   Napatakip ako sa tenga ko ng mapuno ang restaurant ng mga sigawan. As in! Lalo na ang mga kuya ko maliban kay Kuya Craige na may kapita-pitagang image nga kasi. Pero halata naman na masaya siya para sa akin.   "Woo! Engage na ulit!" hiyaw ni Kuya Andreige   "Sana nga lang hindi atakihin si Paige ng kabaliwan!" hiyaw naman ni Kuya Marveige   Inirapan ko sila pag katapos ay lumapit ako kay Aries at hinila ko na siya pabalik sa upuan namin. "Wala bang blow out diyan?" tanong ni Hade   "Meron. Magpapahanda ako-" sagot ni Aries   "Si Yale magluluto." Dugtong ko sa sinasabi nya   Napatingin sa amin si Yale na inosenteng kalalabas lang ng kusina at may dala-dalang cake na mukhang may bago na naman siyang bibigyan. Magic cake yata yan eh. Para sa mga malulungkot at walang love life.   "Diba Yale?" tanong ko sa kanya   "Ha? Oo!"   "Talaga? Promise?" paniniguro kong tanong sa kanya.   "Yup." Sagot ni Yale     “Oh everyone! Si Yale daw magluluto ng blow out namin sa inyo. Ang bait talaga ni Yale! I heart you na Yale!" anunsyo ko sa lahat   Nanlaki ang mga mata ni Yale. Pagkatapos napasimangot. Kaso wala na siyang magagawa. "Wag ka ng magreklamo diyan, Yale susi."   Lahat kami napatunganga sa babaeng pumasok. Na walang pakialam sa mundo at umupo sa bakanteng upuan. Si Yale naman mukhang natuklaw ng ahas.   Meet Eika. Ang one and only truly really forever na niligawan ni Yale sa tanang buhay niya. Kaisa-isang babae na kumuha ng interest ni Yale maliban sa pagkain. At kaisa-isang babae na tumanggi sa charm ni Yale. Si Yale kasi iyong tipo na hindi na kailangang manligaw. Pero nang manligaw siya kay Eika, ayun...basted. Paano, nabuko si Yale na agent siya. Nang panahon pa naman na yon, hindi pa agent si Eika. And yes. She's an agent now.   "Ngayon lang ba kayo nakakita ng maganda?" tanong ni Eika   Wew! "Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig!" kanta ni Kuya Marveige   Napangiti ako ng biglang tumalikod si Yale at papasok na sana sa kusina. Ang kaso, sumakto siya sa wall kaya bumangga siya. Tsk tsk. Nagha-hyperventilate yan. Nginitian ko si Eika ng nakaalis na si Yale. "Welcome back! Saan ka nagsuot?"   "Galing ako sa 2 years mission. Tagal ‘no?"   Tumango ako. Kung titingnan mo parang wala lang sa kaniya. Pero I know deep inside, nasasaktan yan na nakita niya ulit si Yale. Since hindi din maganda ang bastedan episode nila noon.   "Baby?"   Nilingon ko si Aries. "Yep?"   "Lakad lakad tayo?"   "Sure."   Tumayo na kami at nagpaalam. Pagkatapos, lumabas kami at naglakad-lakad. "Ang saya pala dito ‘no?" tanong ni Aries   "Yup! One big happy family dito eh."   "I wonder...if someday, you'll accept me in your family."   Nabigla akong napatingin kay Aries. May iba siyang ibig sabihin. "An agent? Aries..."   "Wala namang masama diba? At least masasamahan kita. Hindi na rin ako mag-aalala."   "You're willing to do that for me?"   "Yes. Alam kong masasaktan ka kung patitigilin kita. If you cannot step on my world then I'll go to your world. That's how much I love you."   Napangiti ako. Kinikilig ako! "I love you too, Aries. And I'm so happy na finally, we're together again."   "Forever?"   "Forever."   Unti-unting bumaba ang mga labi niya papunta sa mga labi ko. Konti na lang. Konti na lang.....Konti na lang-   Istorbo. Nakasimangot na tinignan ko si Aries ng sinagot niya ang phone. Kaso, unti-unting nawala ang simangot ko ng makita ko ang reaction ni Aries hanggang sa ibaba niya ang phone.   "Aries?"   "We need to go back."   "What happened?"   "Harvey's dead.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD