CHAPTER 22
PAIGE'S POV
"Aray naman Aries! Mabato po ang dinadaanan natin at saka puro puno na dito. Halika na! Bumalik na tayo!"
Hindi sumasagot si Aries. Dire-diretso lang siya at patuloy ang paghila sa akin. Kanina pa kami lakad ng lakad kaya palayo narin kami ng palayo sa pinanggalingan namin. Aray! Muntik pa akong matalisod.
"Anak ng patis naman Aries! Bitawan mo ako o ibabalibag kita sa pinakamalapit na puno. Kung hindi lang kita- whatever!"
Kung hindi lang kita mahal malamang ginawa ko na nga. Napasubsob ako sa likod ni Aries ng bigla na lang siyang huminto. Napaatras pa ako dahil bigla siyang humarap sakin at tinitigan ako.
"Aray!" reklamo ko
Pinindot-pindot ko ang ilong ko. Kapag nasira talaga ang ilong ko, pagagastusin ko ng todo ‘tong si Aries sa pagpapagawa. "What?! Gusto mo suntukan na lang? Ang sakit ah!" sabi ko sa kanya. Pilit kong dinadaan sa pagtapang-tapangan ang kaba na nararamdaman ko.
Nakatingin lang siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Earth to Aries? Hello world? Are you there? Kung hindi kita kilala iisipin ko pa na may balak kang r**e-in ako. Pero since na r**e na kita at na r**e mo na ako before. So..."
"Ano..."
"What?"
"Nagmamadali ka?!"
"EH BAKIT KA SUMISIGAW?!"
"Hindi ako sumisigaw!"
"Ano yang ginagawa mo?!"
Hindi na umimik. Naiinis na tinalikuran ko siya at naglakad na ako paalis. Hindi naman siya sumunod kaya ayos lang. Tuloy-tuloy ako hanggang makabalik ako sa training area. Naabutan ko doon si Cloak na kasalukuyang umiinom, na hindi ko alam kung bakit since maaga pa. Tumingin siya sa akin at nagtatakang tiningnan ako.
"Nothing happen."
Tumango-tango siya at itinaas ang hawak na wine. Lumapit ako sa kaniya at nakiinom na rin ako.
Sorry na kung nagalit ka di naman sinasadya
Kung may nasabi man ako init lang ng ulo
Pipilitin kong magbago pangako sa iyo
Grrr! 'Sorry na' pa talaga ng parokya ni Edgar eh no? Fine. Ako na may kasalanan. Ako dapat magsorry.
Tama si Cloak. Hindi dapat ako nagdedecide for Aries. Sarili niyang buhay yon at dapat siya ang magdecide kung ite-take niya ang risk. A risk on being with me. Masyado lang akong natakot para sa kapakanan niya. At the same time natakot din ako kung hindi niya pipillin na makasama ako.
I'm only human. Marunong akong matakot.
"Sinong nagpapatugtog?!" tanong ko
"Ako. Bakit?"
Hindi na ako umimik. Si Kuya Craige pala. Whatever. Tinuloy ko na lang ang pakikipag-inuman ko kay Cloak na tahimik lang na nakatingin sa akin.
"Ano ba..." sabi ni Cloak
"Huh?"
Di buo yung sentence eh. Pero imbis na sagutin ako, tinaas niya lang ang kilay niya. "Ang labo mo talaga Cloak. Kailangan pahuhulaan pa sa akin eh no? Fine. Ano bang nangyari? Wala, okay? Wala. Tinitigan lang ako ng gwapong yon. At ikaw, bakit hindi ka na naman nagsasalita? Ang daldal mo kahapon ah. Saka kanina."
"Exactly."
Ano daw? "Psh! So ibig mong sabihin dahil na ubos mo na lahat ang energy mo sa pagsasalita, kaya ngayon nagtitipid ka?"
Tumango siya. "Ang tamad mo ‘no, alam mo yon?"
Tumango ulit siya. Hindi na ako umimik at nagpatuloy lang ako sa pagtungga ng iniinom ko. Ang kaso, si Cloak nakatitig pa rin sa akin. "Alam kong maganda ako kaya wag mo na akong tingnan."
"Exactly."
"Huh?"
"Maganda ka kaya kita tinitingnan."
Sorry na talaga kung ako’y medyo tanga
Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit
Sorry na talaga sa aking nagawa
Hindi ako sanay sa compliment. And I'm so not comfortable na alam ko na may...you know si Cloak sa akin. Pero dahil ayokong may magbago kaya hindi ko siya nilalayuan.
"Cloak..."
"Just a compliment."
"Anong trip mo?"
Nagkibit-balikat lang siya. "............"
Tinuro niya ang dinaanan ko kanina ng bumalik ako dito sa training area. At dahil hindi ko magets ang sinasabi niya kaya nagpabalik-balik ang tingin ko doon at kay Cloak.
"Anong meron?" tanong ko sa kanya
"Aries."
"And?"
"................"
Sorry na saan ka pupunta?
Please naman wag kang mawawala
Kapag ako ay iwan mo mamamatay ako
Pagkat hawak mo sa iyong kamay ang puso ko
Kakainis na kanta. Nadi-distract ako. Anyway, si Aries daw. Ano bang meron kay Aries? Tapos tinuturo niya yung dinaanan namin. Ano namang koneksyon non kay Aries? Bukod sa doon ako galing kanina-
Shit! Hindi pa bumabalik si Aries. Meaning...uh oh!
Napatayo ako at tumakbo papunta sa dinaanan namin kanina. Hindi ko pinansin si Kuya Craige na nagtatanong kung saan ako pupunta. Bumalik ako kung saan ko iniwan si Aries pero wala siya.
"Damn it!"
Nag-ikot-ikot pa ako. Ang tanga ko lang. Ako kabisado ko ‘tong lugar na’to. Syempre, si Aries hindi niya kabisado dahil ngayon lang naman nakapasok yun dito sa loob ng puro punong ‘to. Tsk tsk. Kasalanan ko ‘to eh. Dapat hindi ako basta basta umalis. Its just that hindi ako komportable na tinitingnan niya ako ng ganon. Para kasing tulala siya na ewan. Or maybe nag-iisip siya ng sasabihin.
"Ang tanga mo Paige. Behold everyone! The queen of the idiots has arrive!"
Takbo ako ng takbo. Tiningnan ko ang mga maliliit na bangin dahil baka doon siya napunta. Kung saan-saan na ako naghanap. Tatalunin ko pa ang kabayo sa bilis kong tumakbo at tatalunin ko pa ang aso sa sobrang paghahanap ko kay Aries.
Huminto ako at inuntog ang ulo ko sa pinakamalapit na puno ng paulit-ulit. "ARISS!" sigaw ko
"Hey!"
Bigla akong napalingon. Si Aries. "Anak ng patis saan ka galing? Kanina pa ako takbo ng takbo dito ah! Saan ka ba kasi nagsusuot? Kung nawala ka, dapat bumalik ka kung saan huli kitang iniwan. Syempre babalik ako-"
"I'm Aries. Ano...anong...nevermind." Bigla siyang tumalikod at naglakad paalis.
Anong nangyari doon? Pero, bakit parang familiar ‘to? Hindi kaya. Yung...yung...
"Pst!" tawag ko sa kanya
Lumingon siya. Pinigilan kong mapaiyak ng maalala ko kung bakit familiar tong nangyayari. "Ano?" tanong nya
"I-I'm Paige."
Lumapit siya sa akin ng unti-unti. Hanggang sa magkalapit na kami. "Paige, naniniwala ka ba sa destiny?"
"N-no. Pero ngayon, naniniwala na ako."
Napaiyak na ako. Hinapit niya ako at hinalikan. Nang maputol ang halik na iyon umiiyak na yumakap ako sa kaniya.
"I'm sorry Aries. I'm sorry. Natakot ako. Ayokong mawala ka ng dahil sa akin. Duwag kasi ako. I'm sorry-"
"Stop. Stop crying Paige. Oo, nagalit ako ng sobra. Kasi masakit paige. Mahal na mahal kasi kita. Ang sakit na isipin na lahat ng pinagdaanan natin. Lahat yon para sa mission mo lang."
"I'm sorry. Pero kung meron man akong sinabi na totoo, that's when I said 'I love you' Aries."
"I know. I'm sorry too. Sa mga masasakit na sinabi ko, sa lahat lahat. I'm sorry that I'm just a stupid asshole. I'm sorry. Naisip ko lang, bakit ko pa pahihirapan ang sarili natin? Mahal kita. Iyon lang ang mahalaga."
Tumingin ako sa kaniya. I love this man. Heaven knows how much I love this man."Would you still accept me? For who I am? Kung h-hindi mo kayang tanggapin kung ano ako. I'm willing to be anything you want to be. Even if that means giving up this work. Ayoko, oo. Pero susubukan ko."
"No. I love you. Walang limitation. Walang kahit ano. Kahit ano pa man ang trabaho mo, ang mahalaga mahal kita. Now, pwedeng ako naman ang magtanong?" sabi nya naman
"Yes."
"Would you still accept me? Even though I get jealous easily. Kahit na hindi ko mapipigilan hindi mag-alala sayo dahil sa trabaho mo. Even though I'm such a jerk. Would you? Would you still accept me?"
"Yes Aries. With all my heart."
"Can I ask another question? But I want you to be honest. I want you to tell me if its okay or not."
Tumango ako. Huminga siya ng malalim.
"Paige...will you marry me?" Nanlaki ang mga mata ko. Inilagay niya sa kamay ko ang isang kahita. And inside, my ring. The ring he gave me before. "Y-you...tinago mo pa ‘to?"
"It's yours. And it will only be yours. So, do you accept it? Will you marry me?"
Tumingin ako sa mga mata ni Aries. Tama si Kuya Craige. Hindi ibig sabihin na nangyari sa kaniya, ganon din ang mangyayari sa akin. Aries and I, we will create a different story. With a happy...with a happy never ending.
"Paige?"
Napangiti ako ng mukhang kinakabahan na siya. "Yes. I will marry you."
Napatili ako ng bigla niya akong niyakap at inikot-ikot. My own story. Our story.