CHAPTER 21
PAIGE'S POV
Tulala lang ako habang nagkakape ako. Kasalukuyan akong nasa 'Craige' at katatapos ko lang mag-almusal. At dahil wala pa naman akong gagawin nag-order muna ako ng kape. "Hoy!"
Nilingon ko ang umupo sa tabi ko. Yale. Ang hot na kusinero.
"What?" tanong ko sa kanya
"O, bagong recipe ko yan."
Binaba niya sa harapan ko yung maliliit na cake na kulay pink na may kung ano-anong makukulay na design. "Para namang pangbata yan."
Napa-pout sya. "Hindi ah! Pangpasaya yan. Kaya kainin mo na para ngumiti ka na rin."
Nagkibit-balikat ako at tinikman ko iyong cake. Masarap of course. Tiningnan ko si Yale na mukhang hinintay ang sagot ko. Nginitian ko na lang siya. Mukhang satisfied naman siya sa reaction ko.
"Yale..."
"O?"
"Ayusin mo nga yang damit mo. Mukha kang narape na gigolo."
"Mainit nga kasi."
Napapalatak ako habang tinitingnan ko ang ayos niya. As usual nakabukas na naman ang mga butones ng chef uniform niya at nakatali lang ang may kahabaan na niyang buhok. "Ewan ko sayo. Bumalik ka na nga sa kusina mo." Pagtataboy ko sa kanya
"Tsk tsk. Fine. Bye bye na baby doll." Naglakad na siya pabalik sa kusina.
Kasalukuyan kong kinakain ang cake na bigay ni Yale ng bigla na lang may umupo sa upuan sa tapat ko. Aries.
Hindi ako umimik at nag-iwas ako ng tingin. Mukhang gusto niyang pahirapan ako. I don’t really care. If that's what makes him happy. Hindi ako magre-reklamo. Sa lahat ng masasakit na salita na sinabi niya sa akin kagabi, naiintindihan ko yon. Dahil sa lahat ng sakit na ibinigay ko sa kaniya, sa kabila ng pagmamahal na ipinakita niya sa akin. Nakuha ko pa rin siyang saktan.
I'm such a horrible person.
Napatigil ako sa pag-inom ng kape na hawak ko ng may message na lumabas sa suot ko na contact lense. Napatingin din ako sa pinto ng kusina ng lumabas si Yale na nagrereklamo. "Anak ng tinapay! Bakit ako kasama?" reklamo ni Yale
"Malay ko." Sagot ko sa kanya
Napahinto ako ulit. May sumunod kasi na message.
"A-aries...sumama ka daw. O kaya sumunod ka na lang. Pierre..." tawag ko a co-agent ko.
Sumaludo si Pierre na sinasabing siya ng bahala. Si Aries naman, hindi tumitingin sa akin na tumango. Bumuntong-hininga ako. Naglakad na kami ni Yale palabas ng 'Craige' at dumiretso sa likod ng The Camp. Malayo-layo din ang nilakad namin hanggang makita namin ang malawak na gym. Dalawang palapag lang yon pero malawak talaga siya. Hindi pwedeng pumasok doon ang kahit na sino maliban sa agents ng The Camp.
Naabutan namin doon sila Kuya na kasalukuyang nagte-training. Kada umaga, most of the time ganito ang ginagawa nila. "Anong meron?" tanong ko sa kanila
"Magtraining kayo." Sagot ni Kuya Craige
"Bakit ako kasama? Magluluto pa ako!" sabi naman ni Yale
"Mamaya ka na magluto. May ibibigay na mission sayo mamaya."
Napailing na lang ako ng nakasimangot na hinubad ni Yale ang pang-itaas niya na damit at nagstart ng magwarm-up. Ako naman hindi na nagpalit ng damit. Nakaboots ako, long sleeve na blouse at denim shorts.
"Anong training ko?" tanong ko
"Race. Kayong dalawa ni Cloak." Sagot sa akin ni Kuya Craige
Inabot sa akin ni Kuya Craige ang susi. Nakasunod siya sa amin pati na si Kuya Andreige para bantayan kami sa race ni Cloak. Doon kami sa likod ng building kung saan may malaking field.
"Okay. Isa lang ang rule. Bawal magbanggaan, okay?" sabi ni Kuya Craige
Tumango kami ni Cloak. Sumakay na kami sa kaniya-kaniyang kotse. Nang sumenyas si Kuya Craige, pinatakbo na namin ni Cloak ang mga sasakyan namin. Tumakip sa amin ang mga puno sa trail na dinadaanan namin. Pero kita pa rin kami nila Kuya. May mga camera kasi sa mga puno. At pinapanood nila kami.
Pinindot ko ang kulay green na button ng magred yon. Tumatawag si Cloak. May connection kasi ang sasakyan na ginagamit namin.
"What?"
"Nothing. Are you okay?"
"Alam mo kung anong sagot. I'm not. I don’t think I'll be okay again."
Narinig ko na bumuntong-hininga siya. I think Aries and I. I think it's over. It's the right thing to do. "Wrong trail baby doll." Puna sa akin ni Kuya Andreige
Nagmamadaling binalik ko ang sasakyan dahilan para magsway yon paikot ng todo. Inapakan ko ang gas at hinabol ko si Cloak na nauuna na sa akin pabalik. In the end, talo ako.
Binuksan ko ang pinto at lumabas. "Better luck next time." Sabi ni Kuya Craige
Nakasimangot na pumasok ako sa loob. Kasunod ko si Cloak na kahit tahimik mukhang smug na smug. Natalo ko kasi siya dati. Kaya bumawi yan.
Saglit na napatigil ako sa pagpasok sa loob ng makita kong kausap ni Kuya Marveige si Aries. Hinila na ako ni Cloak papunta sa isang pwesto kung saan kasalukuyang nagpa-practice ng pagbaril si Yale. Nang makapait kami sa kaniya rinig na rinig namin ang mga sentimyento niya. "Dapat magluluto ako ngayon eh! Tsk tsk. May naisip pa naman ako na recipe. Istorbong Craige yan."
"Lagot ka kay Kuya kapag narinig ka niya."
Lumingon siya sa akin at nagpeace sign. "Joke lang."
Nagsimula na akong magpractice. Bullseye. Pero nagsisimula na akong maging uneasy ng maramdaman ko na may nakatingin sa akin. Alam ko naman kung sino yon. Feeling ko mag-aapoy na ako sa sobrang pagkakatingin nung nakatingin sa akin.
"Sparring. Cloak and Paige, hurry up." Sabi sa amin ni Kuya Craige
Pumunta kami sa gitna ng mat. Naiilang ako dahil nararamdaman ko pa rin na nakatingin sa akin si Aries.
"......."
Tinuro ni Cloak ang damit ko. Tinaggal ko sa pagkakabutones ang blouse ko at hinagis ko sa gilid ko. May black sando naman ako sa loob kaya okay lang.
"Bakit ba ikaw ang ka-partner ko? Tsk tsk. Hindi ka naman yata marunong masaktan." Sabi ko kay Cloak
"Ewan."
Nagulat ako ng biglang sumuntok si Cloak. Buti na lang nakailag ako kaagad. Game na ba? Di kasi ako nakikinig eh! "Ang boring magpatugtog nga kayo diyan!" sabi ni Yale
Nakita kong lumapit si Kuya Marveige sa laptop niya at kinabit sa speaker.
I hope someday you can
Find some way to understand
I'm only doing this for you
I don't really wanna go
But deep in my heart
I know this is the kindest thing to do
You'll need someone
Who'll be the one that I could never be
Naman eh! I love you good bye pa. Sa inis ko, sinipa ko at sinuntok ng magkakasunod si Cloak na iwas lang naman ng iwas. Nang mahawakan niya ang isang braso ko, sinipa ko yung paa niya at siniko siya.
Who'll give you something better
Than the love you'll find with me
Oh I could say that I'll be all you need
But that would be a crime
I know I'd only hurt you
I know I'd only make you cry
I'm not the one you're needing
I love you, goodbye
Parang hindi ako napapagod. Sunod-sunod ang pakawala ko sa mga suntok. Yung iba hindi na nasasalag ni Cloak. Sa tingin ko alam na niya na naapektuhan ako doon sa kanta. Pero hindi naman siya nagrereklamo.
Bumagsak siya sa sahig. Pero sinipa niya ako dahilan para bumagsak ako sa ibabaw niya. Mabilis na gumulong ako at tumayo at ganoon din ang ginawa niya. Then it start again. It's like a dance. Every move counts.
I love you, goodbye
Alam kong nangingilid na ang luha ko. Umikot ako at sinipa si Cloak. Then I gave him a final punch.
"Paige wins." Deklara ni Kuya Craige
I smiled a little. Pagkatapos ay tumakbo na ako palabas. "Paige."
"Leave me alone Cloak."
"No."
"Leave me alone!"
Bigla niya akong hinila at niyakap. "Gagawin ko lahat Paige. Just be happy again."
"There's nothing you can do. I don’t want to be happy. I deserve this. I don’t want to be happy!"
"You're lying."
Pumiksi ako at kumawala sa pagkakayakap niya. "Why do you even care?"
"You know why."
"Stop it Cloak. I don’t want to hurt anyone again. Ayoko na. Ang hirap naman palang magmahal eh. Ang hirap hirap. Bakit ganon? Ibibigay nga sa atin yung taong mamahalin natin. Pero babawiin din naman kaagad. Bakit ganon? Bakit hindi pwede?"
"Pwede pa Paige. But you refused to take the chance. You're to scared to take a risk again."
"Masama bang matakot? Tama ‘to eh. Tama ‘tong ginagawa ko. Pero bakit ang sakit?"
"Kasi hindi lahat ng tama yon ang magpapasaya sayo. Wala namang mali Paige pag nagmahal ka."
"No! I'm selfish. I should let him go. Kasi masasaktan siya kapag kasama niya ako. Dapat magalit na lang siya sa akin. Dapat ganito na lang. Dapat-"
"Don’t decide for him Paige. Hindi ikaw si Aries."
"No."
"Can you love someone else? Kaya mo ba? Kung kaya mo, why not try loving me?"
"I can’t. I can’t love anyone else."
"Yon naman pala eh. You love Aries. And besides him, hindi mo na kayang magmahal pa ng iba. So why are you letting him go? Paige, sometimes love won’t come in your way again. So don’t waste it. Don't waste this chance."
"Paige."
Napatingin kami doon sa nagsalita. Si Aries.Nakatingin siya sa kamay ko na hawak ni Cloak. Lumapit siya sa akin at hinila ako paalis. I look back at Cloak. And he's smiling.