Chapter 20

2183 Words
CHAPTER 20 PAIGE'S POV   Sinalubong kami ng mga agents ng The Camp ng makarating kami. Hindi naman mukhang nagtataka si Aries sa mga sumalubong sa amin dahil naka uniform pa sila. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit kami doon pumunta.   Dire-diretso ako habang hawak ang kamay ni Aries papunta sa VEIL. Baka eto na ang huling beses na mahahawakan ko ang kamay niya. At least, nakasama ko siya kahit saglit. Nakasalubong namin si Cloak na kasalukuyang may dala-dalang tasa ng kape at umiinom. Nang makita niya ako ay tumalikod siya at naglakad papunta sa VEIL. Which only means na kanina niya pa kami hinihintay.   "Bakit nandito ang-" takang tanong ni Aries   "You'll know later."   Tuloy-tuloy kami sa loob ng VEIL. Naabutan namin doon ang mga kapatid ko na busy na busy sa ginagawa sa mga computer nila. Naglipana din sa kung saan-saan ang mga nilukot na bond paper. At mga baril. Nilingon ko si Aries na nanlalaki ang mga mata ng makilala ang dalawa kong kuya.   Si Kuya Craige naman ay tumayo at sumalubong sa amin. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya akong niyakap.   Psh! Kailan pa naging cheesy to? "Get off my girlfriend!" sabi ni Aries   Hawak hawak niya sa kwelyo si Kuya Craige na walang emosyon na nakatingin lang kay Aries. Sa kabila non mukhang enjoy na enjoy siya na naasar niya si Aries. Hinawakan niya ang kamay ng binata at inalis niya sa pagkakakapit sa kaniya.   "Nice to meet you too, Aries Liam Wright. I'm-"   "Hindi kita gustong makilala." Putol ni Aries sa sinasabi ni Kuya Craige   "I'm Craige Lawrence."   Napaawang ang mga labi ni Aries. Pagkatapos ay natulala siya. "I'm sorry. Akala ko..." hinging- paumanhin ni Aries   Nagkibit-balikat si Kuya Craige at nakangiting umupo sa pwesto niya. Hinila ko ng bahagya si Aries hanggang makarating kami malapit sa kanila. Binati siya ni Kuya Andreige at Kuya Marveige.   "I really don’t understand. Bakit kami nandito? Saka bakit ang daming baril dito?" usisa ni Aries   Napalunok ako at tahimik na umupo ako sa isang upuan katabi ni Cloak. "Don’t mind the guns. Nag-e-experiment lang kami kanina. At kung naguguluhan ka, then I'll explain. Let's start from Harvey Mendoza." Panimula ni Kuya Craige   "Anong meron kay Harvey?" tanong ni Aries   "Siya ang kumuha sa serbisyo namin."   Kumunot lalo ang noo ni Aries. Mukhang mas lalo siyang naguluhan. "Kinuha ni Harvey Mendoza ang serbisyo ng The Camp para bantayan ka dahil may mga death threat ka na natatanggap." Paliwanag naman ni Kuya Andreige   "Anong kinalaman ng The Camp? I really don’t get it. Diba hotel, restaurant and kung ano pa man ‘tong The Camp?" tanong ulit ni Aries   "Nope. Front lang namin yon. Agency kami. Lahat ng mga empleyado dito, lahat kami agents. Secret Agents. I know it sounds weird, pero yon ang totoo." Sagot ni Kuya Craige sa tanong ni Aries   Tumingin sa akin si Aries. Pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin kay Kuya Craige. "Niyo? What do you mean by that?"   "Lawrence family owns The Camp, Aries."   Nag-iwas ako ng tingin ng lumingon ulit sa akin si Aries. "So, si Paige I guess hindi kasali sa inyo? Since itinakwil niyo siya-"   "That was a lie. Actually, si Paige ang agent na may hawak sa mission mo. Hindi naman alam ni Harvey kung sino ang mga agent dito. Pinadala namin si Paige. She's willing to hide and use her cover hanggang sa matapos to. Pero nagkagulo na. Mahihirapan kami kung patuloy kang walang alam so, I think tamang oras na rin to."   Sunod-sunod na umiling si Aries. Tahimik na nakaupo lang ako don at hinihintay ang reaksyon niya. Pero base sa pag kabog ng dibdib ko, mukhang... "Tamang oras? Dapat noong una pa lang, sinabi niyo na!" mariing sabi ni Aries   "Hindi namin pwedeng gawin yon agad agad. Besides, this is a secret organization. Hindi basta basta pinagkakalat iyon. Pero wala na kaming magagawa ngayon. All you need to do is cooperate. Make it easy for Paige." Sabi ni Kuya Craige   Napapitlag ako ng biglang sinipa ni Aries ang lamesa. "That's a total bullshit! Make it easy? Alam niyo ba ang mga sinasabi niyo ngayon? Lahat kayo sinasabi na ang ginawa ni Paige, lahat ng pinagdaanan namin, lahat yon para sa pesteng mission na ‘to?! For the sake of what?!"   "For your sake Aries." Sagot ko sa kanya   Tumingin siya sa akin. I tried not to cry as I look into his eyes that is full of pain and anger. I deserve it. I know I deserve this. Alam ko naman sa huli, iiwan ko din siya. Mas maaga na magkakahiwalay kami at malalaman niya ang dahilan, mas mabuti.   "For my sake?" tanong niya   "Oo. Para hindi ka masaktan-"   "Damn it Paige! Hindi masaktan? Bullshit! Do you know how much hurt I am right now? It's f*****g killing me! Lahat ng nangyari. Lahat ng pinagsamahan natin. From day one, it was all a lie. Kahit noon pa. Now tell me, why did you cancel the wedding before? Ano ba talaga ang totoo? For once Paige, tell me the truth!"   Tumulo na ang mga luha ko. Hindi na rin umiimik sila kuya. Si Cloak tahimik lang. "I don’t want to put you on a risk that my job will surely have. I don’t want you to have this life. Ayokong malaman mo kung ano ang totoo. Huli ko na nalaman iyon. Huli ko na narealize. So, sinabi ko sayo. Pina-cancel ko ang wedding."   "Why did you come back?" patuloy nyang tanong sa akin   "For the mission. To protect you-"   "That's the lamest reason I ever heard. For the mission! And then what? Iiwan mo ako ulit? What's the meaning of the kisses, all those making love, or maybe not...maybe it's just s*x for you isn't it? Tell me, ano ako noon para sayo? Practice-an? And after me, how many times in your other mission you f**k your clients-"   Malakas na tunog angnilikha ng palad ko ng dumapo iyon sa pisngi niya. That's really too much. Too much. "A-Aries, sinabi ko sayo ikaw lang..."   "Paano ako maniniwala? Lahat ng sinabi mo sa akin puro kasinungalingan. Ano pang paniniwalaan ko? Mahal kita eh. Mahal na mahal kita. All that I have, I'm willing to give it all to you. Kaya kong isakripisyo lahat para sayo. Pero sayo, mission lang ako. Wala akong halaga sayo. I don’t know what's the truth. Kasi yung Paige na kasama ko, she's just a cover. She never existed. And I don’t know you. Hindi ikaw ang babaeng minahal ko."   Hindi ko alam kung anong mas masakit. Noong iniwan ko siya. O ngayon na naririnig ko lahat ng ‘to sa kaniya. Hindi ko din alam kung anong mas masakit, kung sasabihin niya na hindi niya na ako mahal, o katulad ngayon na para sa kaniya hindi ako ang babaeng minahal niya.   Ang sakit. Ang sakit lang. Pero dapat lang sa akin ‘to. It was all my fault.   "Whatever it is Aries, you need to stay here. Kapag bumalik tayo sa office mo, you need to cooperate. Or maybe hindi na ako ang magha-handle ng mission mo. You decide. Hindi na si Harvey ang client namin ngayon kundi ikaw. Bahala ka na. But for your safety, please cooperate." Sabi ko sa kanya   Alam ko kung anong tunog ng boses ko. Cold. Like the old Paige. Yung babaeng hindi nakilala ni Aries. Dahil yung Paige na kilala niya, ibang Paige iyon. Nagbago ako noon ng makilala ko siya. Kasi siya yung buhay ko eh. Pero ngayon. I need to be like this. Para kahit man lang sa harapan niya, matago ko kung gaano ako nasasaktan. Ayokong maging buhay niya ang buhay ko. I deserve all the pain.   But him, he deserves to be happy.   "Right, mission. Right now. I don’t really care if I die. Pero since nasimulan mo na. Tapusin na natin. Bakit pa ako magpapalit ng agent? Tapusin mo kung anong na simulan mo, Paige."   "Awknowledge."   Mapait na ngumiti si Aries. Lumapit ako sa intercom. "Pierre, pakihatid si Aries sa gagamitin niyang lodge,."   Tumalikod ako at lumapit kay Cloak. Kinuha ko ang kape niya at dire-diretso na uminom. Hindi ko nilingon si Aries ng marinig kong pumasok si Pierre at sumarado ulit ang pinto. Nang alam ko na nakalabas na sila, nabitawan ko ang kape.   "Paige..." tawag sa akin ni Kuya Craige   Napaluhod na ako sa sahig at napaiyak. "Tama lang. I deserve this Kuya. Dapat lang sa akin to. Eto naman yung tama eh. Para hindi siya mapahamak. Dapat ganito na lang. Pero bakit masakit? Bakit ang sakit sakit? Kung tama ‘tong ginagawa ko? Bakit ang hirap?"   "Stop crying Paige." pagpapatahan sa akin ni Kuya Craige   "Ayokong mapahamak siya. Kasi mas masakit yon diba Kuya? Ayoko ng ganon. Hindi ko kaya."   "I said stop it!"   Lalo akong napaiyak. Naramdaman ko na yumakap sa akin si Kuya Craige. Pati na si Kuya Andreige at Kuya Marveige. "Hindi mo dapat tinutulad sayo ang nangyari sa akin. Magkaiba tayo Paige. Magkaiba ang buhay natin. Hindi ibig sabihin na nangyari sa akin, mangyayari rin sayo."   "Pero Kuya...alam mo naman ang trabaho natin, alam mong malaki ang possibility na madamay siya-"   "Do you want to give up this life? Just tell us, Paige. Hindi ka namin pipigilan. Kung mas magiging masaya ka na kasama siya, hindi kami magagalit kahit na iwan mo ang trabahong ‘to." Sumag-ayon din sina Kuya Andreige at Kuya Marveige.   "I-I don’t think he'll accept me again anyway. And Kuya, I want this life. I won’t give up this life. I just can’t leave."   "Nasasaktan ka na."   "That's something I deserve."   "No one deserve to be hurt."   Hindi na ako sumagot. Nagtuloy-tuloy lang ako hanggang makalabas ako. Dumiretso ako sa may malaking bonfire ng makita kong walang tao doon.   It's over isn’t it? Finally, it's over. I should be happy. Hindi ko na kailangan mag-isip ng paraan para makipaghiwalay sa kaniya kapag tapos na ang mission. Hindi ko na kailangan humanap pa ng ibang dahilan. Kasi alam na niya lahat.   "Paige..."   Napatingin ako ng may biglang umupo sa tabi ko. Cloak. "Yes?" tanong ko   "Don’t...don’t go back to that Paige."   "What do you mean?"   "Bakit hindi ka makipag-usap kay Aries. He'll understand-"   "Nag-usap na kami Cloak. Nandoon ka naman diba? He hates me. Dapat lang diba? Dapat magalit siya. Kasi ang sama-sama ko. Kasi ang selfish ko. Kasi hindi ako dapat mahalin. Kasi ang tanga tanga ko. Kasi-"   "I don’t really know what to say. Hindi ako love expert. I don’t want to talk. Tinatamad ako. But for your sake, Paige, I'm gonna talk. Please Paige, stop doing this to yourself. Wala kang kasalanan. We can choose what we want to be. But we can’t change destiny itself."   "I feel...I feel like I don’t want to live Cloak. Ang sakit. Parang gusto ko na lang alisin ‘tong puso ko. Para hindi na ako nasasaktan. Mas mabuti pang bumalik na lang ako sa dating Paige. Para hindi ko nararamdaman yung sakit."   "Believe me Paige. It doesn’t help at all. Hindi nakakakatulong kung ikukulong mo ang sarili mo. Dadating at dadating yung panahon na hindi ka na magiging masaya sa ganoon."   "What's the real meaning of happiness anyway Cloak? Ang hirap maging masaya. Kasi kapag masaya ka na, magugulat ka na lang isang araw, babawiin na iyon agad sayo. Magugulat ka na lang, mapapalitan na yung saya na iyon ng lungkot."   "At least, naging masaya ka."   "I want to be with Aries! I love him. I really love him Cloak. But do you know what hurts the most? It's loving that someone I know I shouldn’t love. Ang sakit na alam ko na kung mamahalin ko siya. Baka mawala siya sa akin dahil doon. I love him. But I shouldn’t."   Napahagulhol na ako. Naramdaman ko na yumakap sa akin si Cloak. "Paige...please try to be happy. Try to fight for Aries."   "Why?"   "Because your smile, it’s what makes me live, Paige."   Napatingin ako kay Cloak. "W-What?"   "I love you Paige. Matagal na."   "Cloak, no..."   "I really can’t help it. Alam kong hindi mo ako kayang mahalin. Pero for me, please be happy. Please smile. Please Paige. Be with Aries."   Lalo akong napaiyak. I'm hurting Aries. And unconsciously, sinasaktan ko din si Cloak. "I can’t, Cloak."   "Then, be happy in another way. As long as ngingiti ka. It would be enough for me. I'm not expecting anything else."   "That's really fast Paige. Nakahanap ka na agad ng ipapalit sa akin." Napalingon ako sa nagsalita. Aries.   "What do you need?" tanong ko sa kanya   "Pinapatawag tayo ng father mo."   Walang sali-salitang umalis na siya. Tumingin ako kay Cloak. "It's not that easy."   Ngumiti lang siya. Magkahawak-kamay na naglakad kami. Bumulong siya sa akin. "Walang dapat magbago. I just want to see you smile."   "Thanks Cloak. Maybe...someday."   Maybe. Just maybe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD