CHAPTER 19
PAIGE'S POV
Napapatingin ako kay Aries na katabi ko at busy na busy sa ginagawa niya sa laptop niya. Actually, may ginagawa din ako sa laptop ko kaso nadi-distract ako kapag napapatingin ako sa kaniya. Seryosong-seryoso kasi siya sa ginagawa niya. Kasalukuyan kaming magkatabi ngayon sa kama niya sa condo. Pareho kaming hindi makatulog dahil may mga gagawin pa kami.
"Yes, baby?" tanong nya sa akin
"Wala naman. Ang gwapo mo pala kahit nakaboxers ka lang."
Tumawa siya. "I think, I'm more handsome when I don’t have any clothes on." Namula ako. I agree.
Tinabi ko sa gilid ko ang laptop na hawak ko at sumiksik ako kay Aries. May pinindot siya don at nawala ang isang tab. But not fast enough para hindi ko makita. It's about Eighton.
I think ayaw nya ng makita ko yon para hindi na ako magworry sa kaniya na imposible dahil kahit anong gawin niya magwo-worry at magwo-worry ako sa kaniya. Naramdaman ko na yumakap sa akin ang isa niyang braso.
"Tulog na tayo?" tanong niya sa akin
"Ayoko. Pahiram ng phone mo."
Kinuha niya ang phone niya at inabot sakin. Iyon ang cellphone kung saan nagte-text si Janis. Pero dahil magaling sila Kuya Craige, nalaman nila na bago na pala ‘tong cellphone na’to. Iyong isaaung ginagamit niya dati. Iyong nakita ko sa office niya. At meron kaming hula ni Kuya na doon pumapasok ang mga threats sa kaniya through text messaging.
Binuksan ko ang phone at pumunta ako sa application. Naglaro ako ng temple run. Aries chuckled. Nakikinood siya sa akin habang naglalaro ako.
"I really don’t get that game. Lagi na lang nahuhulog."
"Madali lang naman ah." Enjoy na enjoy na ako sa paglalaro ko. Ang kaso, kinuha ni Aries ang cellphone. Then, he rolled on top of me.
"Aries!"
Tumawa sya. "Nabo-bored ka ba?"
"Yup. And I still don’t want to sleep!"
"May alam ako na makakatanggal ng pagkainip."
"What is it?-"
Nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan. Then in the next second, his hands roam around my body. Touching every part of it. I closed my eyes and moan when I felt him kissing my neck. Biting. Licking. Unti-unti niyang binuksan ang butones ng pajama ko.
Napadilat ako ng may marinig ako napagbalibag ng kung ano. Itinulak ko si Aries at takang tinignan niya naman ako. "Paige?"
"Get dressed. Hurry up."
Nagmamadaling kinuha ko lahat ng mga importante kong gamit at inilagay sa knapsack. Tiningnan ko si Aries na may dala-dala na rin at nagtatakang nakatingin sa akin.
Inayos ko ang pagkakabutones ng pajama ko at hinila ko na si Aries palabas ng kwarto. "Ano bang nangyayari Paige-"
"Shh!"
Tinulak ko siya sa isang parte ng pader at tumayo ako sa harapan niya. Narinig kong napasinghap si Aries ng may inilabas ako. A gun.
Nang mahawakan ko na iyon ay hinila ko si Aries gamit ang kaliwa kong kamay. Hinila ko siya hanggang makarating kami sa terrace ng condo niya. At syempre, mataas ang kinaroroonan namin. Pero hindi kami pwedeng dumaan sa main door, obviously. Katangahan ko kasi. Hindi ko nadala ang gadget ng The Camp para sa ganito.
"Paige?"
"We need to go to the next room. Kaya mo ba?"
"What?! Baka mahulog ka Paige!"
"Dalian mo Aries! Mauna ka, dali!"
"Paige, ano ba talagang nangyayari-"
"I'll explain later. Basta gawin mo muna ang pinapagawa ko."
Atubli man ay sinunod niya ako. Namumutla ako habang tinitingnan ko siya na lumipat sa kabilang unit. Kapag nahulog siya...no. Hindi siya mahuhulog. Nang makarating siya sa kabilang unit nagmamadaling sumunod ako. Nakita kong tutulungan pa sana ako ni Aries pero pinigilan ko siya. Madali lang naman akong nakatawid pero inalalayan pa rin ako ni Aries na mukhang hihimatayin sa ginagawa ko. Nang nakababa na ako ay binuksan ko ang sliding door ng unit na pinasok namin.
Walang tao. Good.
"Now Aries, kapag nakarating tayo sa labas, wag kang lilingon. Kahit mawala ako sa tabi mo wag kang babalik. Just keep on running hanggang makarating ka sa kotse mo. Wait for me there. Dadating ako.”
"No-"
"Maiintindihan mo ako mamaya. Basta gawin mo na muna ang sinasabi ko."
I mouthed a count from one to three. Binuksan ko ang pintuan at madaliang ni-lock yon. Kasabay ko Aries na tumakbo. But I caught a glimpse sa mga lalaki na nasa labas ng condo ni Aries. May iba sa kanila na nakapasok na sa loob. Bahagya kong naramdaman ang humahagibis na bala sa gilid ng tenga ko. Nagmamadaling tinalunan ko si Aries dahilan para magpagulong-gulong kami sa sahig. Hinila ko siya hanggang makaliko kami.
"Faster!" utos ko sa kanya
Hinayaan kong makatakbo si Aries. Nang makapasok siya sa elevator nakita kong nanlaki ang mga mata niya ng makita akong nakatayo lamang doon. Lalabas pa sana siya. Pero tuluyan na iyong sumarado.
Tumakbo ako papunta sa hagdan ng makita ako ng isang lalaki. Sigurado ako na aakalain nila na nasa hagdanan din si Aries. Nagmamadali akong tumakbo at iniwasan ko ang mga pagpapaputok nila sa akin. . Nagpaputok na rin ako. I able to shot two men.
Nang makarating ako sa ground floor ay tumakbo ako papunta sa parking. Naabutan ko doon si Aries na lumabas ng kotse niya. "No, get in!" Tinulak ko siya papasok sa passenger seat. Ako na lang ang magda-drive.
"Tigil!"
Napatingin ako sa likod ko.
May dalawang lalaki doon na nakatayo at nakatutok sa akin ang mga baril. Sinenyasan ko si Aries na wag lalabas ng magtangka siya na lumabas.
"Hindi ka madadamay kung ibibigay mo sa amin si Mr. Wright."
"What made you think na ibibigay ko siya sa inyo?"
"Anak ng-"
"I won’t give him to you. Patayin niyo muna ako."
"Ikaw ang humiling niyan. Walang sisihan."
Tumawa ako. "Bring it on."
Dumapa ako sakto na nagpaputok sila. Gumulong ako at sinipa ko ang kamay ng isa at sinuntok dahilan para bumagsak siya at hinawakan ko naman ang kamay ng lalaking kausap ko kanina. "Putragis kang babae ka!"
"Excited ka kasi masyado. Kilalanin mo muna kung sino ako." Inagaw ko sa kaniya ang baril at ipinalo ko iyon sa ulo niya. Walang malay na bumagsak siya.
Napalingon ako sa likod ko ng may naramdaman akong tumulak sakin. Iyong isa pang lalaki. Kinubabawan niya ako at akmang susuntukin ng may humila sa kaniya paalis. Si Aries.
"Dare to touch her and I'll kill you." Banta ni Aries sa lalaki
Tumakbo ako papunta sa kaniya at pinaputukan ang dalawang lalaki na biglang sumulpot kung saan. Namimilipit na bumagsak ang lalaki sa sahig na tinamaan ko. Sinalubong ko ang isa na patuloy sa pagpapaputok na naiiwasan ko naman. Hindi asintado. Nang makalapit ako sa kaniya ay huminto ako. Nakatutok pa rin ang baril niya sa akin. Pero...that gun is very familiar to me. It's a stupid ordinary hand gun. At sa bilis kong magbilang kanina. Alam ko na na wala na siyang bala.
"Ibigay mo siya sa amin!"
"Na ah. Paano ba yan bro, wala ka ng bala. Kaya sinong tinakot mo?" sabi ko sa lalaki
Napatawa ako ng marinig ko ang mahinang click. Hinawakan ko ang braso ng lalaki at binalibag ko siya sa sahig. Tumakbo ako palapit kay Aries na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin at pinapasok ko na siya sa passenger seat. Umikot ako at sumakay narin at nagmamadaling pinatakbo paalis ang sasakyan.
Kinuha ko ang phone ko at binaliktad ang sim at baterya. Binuksan ko iyon at kinabit sa holder ng sasakyan ni Aries.Pinindot ko ang 'all agents'. At tapos ay ang 'connect to all agents'.
"Everyone, we'll be arriving at The Camp. My cover was blown...or not. But it will be. Kindly send an agent Aries' condo."
"Paige, anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong sa akin ni Aries ng i-disconnect ko na ang tawag.
Malungkot na ngumiti ako sa kaniya. "I'm sorry Aries. Maiintindihan mo na lahat mamaya. I'm sorry. Sana kahit magalit ka sa akin, tandaan mo na mahal kita. Mahal na mahal."
"Paige, you know that I love you. Sabihin mo sa akin kung anong nangyayari. Kanina, I saw you use that gun. Nakita kitang-"
"I know. Right now, I don’t know what to say or what to do. Just trust me. I hope you find there in your heart to trust me after everything."
Naramdaman ko na hinawakan ni Aries ang kamay ko pero binawi ko lang iyon. It's over. Me and him. It's finally over. I can feel it.