CHAPTER 18
PAIGE'S POV
Carlos de la Fuente
Raymond Santos
Dante Quintos
Joaquin Gonzales
Afton Mendez
Christopher Sandoval
Kristoff Evangelista
"Nakilala mo na silang lahat. Hindi ko lang sigurado kung naaalala mo pa. Matagal na rin naman ng makilala mo sila" Sabi sa akin ni Aries
Mali siya doon. Naaalala ko pa lahat. Kung ipado-drawing sa akin ang mukha nila, baka madrawing ko pa. Isa-isa niya lang binanggit ang mga pangalan pero kabisado ko na. "I want to ask you something. And please Aries, answer me honestly."
Tumango siya. "May ilegal ka ba na negosyo? Is Eighton illegal?"
Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. I just want to make sure. Dahil lahat gagawin ko. Kung sakali na ilegal ang Eighton, I will surely save Aries. Wala na akong pakialam kung mali. Basta gagawin kong lahat para hindi mapahamak si Aries.
Tumawa siya. "Come on, Paige. Of course not. Kilala mo ko Paige. Pinagsikapan ko lahat ng meron ako ngayon. Walang kung ano man na ilegal sa mga negosyo ko."
"I just want to know."
Kinurot niya yung pisngi ko at ngumiti. "Kung ilegal ang negosyo ko, I wouldn’t have asked you to marry me. Hindi man lang kita gagawing girlfriend ko."
"Why?"
"If that is the situation, I wouldn’t touch even the tips of your fingers. ‘Cause I wont be worth it."
Ngumiti ako at ipinagpatuloy ang pagtatanong a kaniya. "So, may gustong pumatay sayo?"
"Don’t worry Paige. Hindi kita pababayaan."
"Pero sino ba ang gustong pumatay sayo? Bakit parang ma-ala stalker ang drama ng killer mo?"
"Hindi ko pa alam. Pero may hula na kami ni Harvey na baka nga sa Eighton galing. Well, may isang member ang Eighton na may galit sa akin. Si Kristoff. I have a problem with his sister, Fatima. Ilang beses na rin akong nakakatanggap ng pagbabanta galing kay Janis, Christopher’s sister."
"And that give you a hunch about Eighton? What about rivals sa business?"
"Wala naman akong nakakaaway o nakakabangga na maaring mauwi sa pagpapatay sa akin."
So that what makes it hard. Hindi namin alam kung anong purpose. At close book na ako kay Janis Sandoval. Dead end na don. Pero kailangan ko pa ring alamin ang tungkol kay Christopher. Since magkapatid sila ni Janis. Baka kumikilos siya para sa kapatid niya.
Sa saglit na pagkakakilala ko sa mga nabanggit na pangalan ni Aries kanina, ang iba sa kanila ay parang hindi magagawa ang ipapatay si Aries. Ano bang pwedeng dahilan? "Paano kung gusto nilang solohin ang Eighton?"
"That's impossible. Kahit na ipapatay nila ako. Hindi sa kanila mapupunta ang parte ko."
"May last will ka na?"
"Yes."
"Don’t worry. Hindi ka naman mamamatay."
Hanggang buhay ako, nothing will happened to Aries. Napatingin ako kay Aries ng parang nakakunot-noo siyang nakatingin sa akin. Pasimpleng tumingin ako sa isang parte ng office niya kung saan na re-reflect ang reflection ko.
Parang papatay na pala ang itsura ko. Mukha akong voodoo doll. Bigla akong umiyak. Not an easy thing to do. Feeling ko may nakabara sa tear ducts ko at ayaw patuluin ang luha ko. Para akong trying hard na artista. Pero talented yata talaga ako. Dahil mukhang tinalo ko ang isang batikang artista sa pag-iyak ko na parang inapi ako ng buong mundo.
Naramdaman ko na yumakap sa akin si Aries. "Shhh...nothing will happened to you. Ang hindi ko kakayanin ay kapag iniwan mo ko dahil dito-"
"I-I won’t leave you."
Oha? May stutter pa yong kasama. I know, I know. I'm such a talented person, bow. "Ayoko lang na nagse-sekreto ka sa akin Aries. Mas mahihirapan ako kapag ganon."
"I promise. I won’t keep any secrets from you. Sasabihin ko sayo lahat."
"Really?"
"Really."
"Promise?"
"Promise."
"Love mo ako?"
"Very much."
Napangiti ako at yumakap kay Aries na napangiti. Binuhat niya ako hanggang makarating kami sa sofa at inupo niya ako sa kandungan niya at niyakap.
"Paige..."
"Hmm?"
"Sana ikaw din. I hope...you won’t keep any secrets from me."
I stiffened. Secrets. Right. Ako nga pala ang mas maraming sekreto sa aming dalawa. Simula pa lang yata nagsinungaling na ako sa kaniya. At ngayon, patuloy na nagsisinungaling.
"Of course."
"Promise?"
"I p-promise."
He lifted my chin and kissed me passionately. He pulled me closer. And I was about to wrapped my arms around him pero nakarinig kami ng mahinang pagtikhim. "Sorry. Nakabukas kasi ang pintuan."
May pumasok na isang babae na simpleng simple lang ang ayos. She's beautiful. Iyong ganda na parang may pagka-mysterious ang dating. Tatayo na sana ako pero nakangiting hinapit lang ako ni Aries.
"Come in, Chloe." Anyaya ni Aries sa babae Nakangiting tumango si Chloe at pumasok. Umupo siya sa tapat na settee.
"Nakaistorbo yata ako." Alanganing sabi ni Chloe
"Not at all. By the way, Chloe, this is Paige Lawrence, my girlfriend. Paige, this is Chloe Quintos."
Ngumiti ako sa kaniya at nag 'hi'. Binigyan niya din ako ng simpleng ngiti. Pero ako, busy na ako sa pag-iisip. Quintos. Chloe Quintos. Nabanggit kanina ni Aries ang mga pangalan ng member ng Eighton. At isa doon ay si Dante Quintos.
"Amm so, nandito ako para sa pagte-takeover ng branch ng...ng ano... ng line ng cars ng 'Steel'." Sabi ni Chloe
Pinalo ko sa braso si Aries. "Pwedeng umayos muna ako ng upo? Nadi-distract si Chloe sa ginagawa mo."
"Yes, Ma'am, Yes!"
Napailing na lang ako at kumawala sa pagkakayakap niya. Pagkatapos ay umupo ako sa sofa. "As I was saying, I'm taking over it. Naipagpaalam ko na kay Kuya. Ang kailangan ko na lang ay ang authorization mo." Pagpapatuloy ni Chloe
"Walang problema sa akin."
"Thanks. I'm kinda bored. I really want to work."
"Ayaw kang pagtrabahuhin ng kuya mo eh." Chloe rolled her eyes.
Maya-maya ay nagpaalam na rin si Chloe sa amin habang ako ay sinusundan siya ng tingin. Isa din siya kasi sa kailangan kong imbestigahan. Patayo na siya at lalabas na sana ng bigla siyang huminto. Umikot siya at tumingin sa amin.
"Oo nga pala, may nakita akong lalaki diyan sa labas kanina. Actually parang may iniintay siya. Tinanong ko hindi naman ako sinasagot. I think he's mute. Tinitingnan lang ako eh. And he looks bored." Sabi niya
Mute. As in pipi? At tinitignan lang daw siya. Hindi kaya, si Cloak? Napatayo ako at sumunod na kay Chole na palabas na. Nagtuloy-tuloy ako hanggang makarating ako sa malapit sa desk ko. Si Chloe naman ay tuluyan ng umalis. Nagpalingon-lingon ako.
Si Cloak nga.
Nilapitan ko siya at pinalo sa braso. Nag-angat naman siya ng paningin mula sa binabasang magazine na hindi ko alam kung saang lupalop niya nakuha. "Anong meron? Bakit ka nandito? Akala ko busy ka sa The Camp?" sunod-sunod kong tanong sa kanya
"............"
"Ay nako Cloak, wag mong pairalin yang silent type of guy drama mo dahil sumasakit ang ulo ko. Bakit ka nga nandito?"
"............."
"Psh! Whatever. Nandito ka siguro dahil sinugo ka na naman ni kuya."
Ngali-ngaling batukan ko siya ng tumango siya. Gusto pang pinapahulaan eh. "At bakit na naman?"
"..........."
"Ahh...Hindi niyo ako kailangan tulungan dahil may information na akong nakuha. Anyway, medyo mahirap na madali. So pwede ka ng umalis, bye!"
"Di pwede."
"Bakit?"
"Trip"
"Nino?"
Tiningnan niya ako na parang sinasabi na dapat alam ko na ang sagot sa tanong ko. Sino pa nga naman ang pinagti-tripan ako ilang araw na? Si Kuya Craige lang naman.
"Si Kuya Craige. Okay. Wait! Bakit may Jolibee ka na naman? Wag mong sabihin na may ka-quickie ka na naman?"
Tumingin lang siya sa akin pagkatapos ay ngumisi. At syempre naglabasan ang dimples niya. Kaloka. "Pagtatawanan kita kapag nagka-aids ka."
"I have 'thrust'."
"Aanhin ang tiwala mo kung magkaka-aids ka naman-" Napatigil ako. Trust ba sinabi niya o thrust? Yung...yung condoms? "Kadiri ka talaga Cloak!"
"Ano na namang ginagawa mo dito?!"
Napatingin kami kay Aries na lumapit sa akin at dali-dali akong tinago sa likod niya. Tiningnan ko si Cloak na ngayon ay expressionless na naman.
"................"
"Sagot!" sabi ni Aries kay Cloak
"............."
"SAGOT-"
"Nandito ako para ligawan si Paige. Sabi ng kuya niya. Anyway manliligaw ako sa kaniya kasi gusto ko. Wala kang pakialam okay? Wag mo na akong tatanungin ulit dahil diamonds ang bawat words ko. Kaya minsan lang ako magsalita sulitin mo na dahil hindi ko na uulitin."
Napatunganga ako. "Hindi ka ba hiningal non?"
Hindi sumagot si Cloak at naglakad na paalis. "Oy Cloak! Saan ka pupunta?" pahabol kong tanong sa kanya
"Magre-recharge."
"Saan?"
"You wouldn’t want to know, trust me."
Ano daw? "Kadiri ka Cloak! Anong klaseng re-charge yon? Manyak!"
Hahabulin ko siya para batukan pero pinigilan na ako ni Aries na seryosong nakatingin sa akin. "Yes?" tanong ko sa kanya
"Nagseselos ako."
Napangiti ako. Sinenyasan ko siya na lumapit gamit ang hintuturo ko at pinalapit siya. Dumukwang naman siya para magkalapit kami. Akala niya yata may ibubulong ako. Pero...hinalikan ko lang siya. Nakatulala siya ng maghiwalay ang labi namin.
"Aries..."
"Hmm?"
"Ang cute mo talagang magselos. Kaya love kita eh."
"Paige..."
"Yes?"
"Mahal kita. Period."
Kilig.