CHAPTER 17
PAIGE'S POV
Napabalik kami ng wala sa oras ni Aries. Pinagpapahinga niya muna ako sa condo pero nagdecide ako na magtrabaho na lang din. Hindi ko siya pwed.eng iwan. Lalo na ngayon na may nagpadala sa kaniya na ganon.
"Hi, Miss Paige, may kadate ka ba mamaya? Aayain sana kitang lumabas."
Nilingon ko si Denis na mukhang hindi parin nauubusan ng confidence.
"Meron akong date. With your boss."
Napangiti ako ng namutla sya. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makaalis na siya."Can I talk to your boss?"
Nilingon ko ang nagsalita. Hmm...Harvey Mendoza."Paige?" tanong ni Harvey
"Hi there, Harv. Kamusta?"
"Anong ginagawa mo dito? And from the looks of it mukhang nagta-trabaho ka dito."
"Makapagsalita ‘to parang krimen na magtrabaho ako dito."
Nakatingin lang siya sa akin. Bumuntong-hininga ako. Ang gwapong mamang ‘to na mukhang anghel at walang kamuwang-muwang sa mundo ay halos kasing talas ko ang pakiramdam at mas makulit pa sa Kuya Marveige ko.
"Naghirap na ako kaya dito na ako nagtrabaho."
"Parang hindi kapani-paniwala."
Tumawa ako. "Whatever. Pumasok ka na doon. And by the way..."
"Yes?"
"Aries and I...we're back together."
Nanlaki ang mga mata niya. Pagkatapos ay biglang ngumiti at nakipag-appear sa akin. Nawala lang ang ngiti ko ng nakapasok na siya. Dali-dali kong kinuha ang maliit na button na nasa maliit na hardcase sa bag ko. Nilagay ko ang button sa tenga ko. It's called 'Deep'. Para marinig ko kung ano man ang pag-uusapan nila.
"O, Harvey. Napadalaw ka." Bati ni Aries kay Harvey
"Gusto lang kitang kamustahin. At para narin itanong kung may natatanggap ka pa na death threats?"
Bumuntong-hininga si Aries. "Meron. Last time may sniper at kanina may nagpadala ng patay na pusa sa vacation house."
"Mahirap yan pare. Lalo na ngayon na nandito si Paige."
"I know, pero to be honest. Si Paige na lang ang nagpapagaan ng loob ko sa lahat ng mga nangyayari."
"Even if she left you before?"
"It doesn’t matter. Mahalaga magkasama kami ngayon."
"Good. I want you and Paige to be happy. Para matuloy na ang pagiging best man ko. Sa ngayon may balita ka na ba sa Eighton? Sa tingin mo ba sila ang may gawa nito?"
"Hindi ko alam. Pero sila lang naman ang pwedeng may motive. Kilala mo ako pare. Wala akong kaaway sa negoyo kahit na nakaaangat ang business ko. Wala akong problema sa babae. Lahat ng ex-flings ko, wala akong minaltrato sa kanila."
"That's the problem pare. Hindi naman lahat ng babae nagka-chance sayo."
"What do you mean?"
Alam ko ang ibig sabihin ni Harvey. Walang problema sa ibang ex-flings ni Aries. Pero paano doon sa mga hindi? Paano doon sa mga may gusto lang sa kaniya. O yung sa mga umasa na papansinin sila ni Aries?
Ang magulo lang, I don’t think lahat ng ‘to sa mismong babae lang manggagaling. Kahit gaano pa ka-bitchy ang isang babae, hindi agad mag-e-end up iyon sa pagpatay. Meaning, may iba pang dahilan kung bakit.
"Hi Miss Lawrence."
Tiningnan ko ang nagsalita. Isang babae na taga-finance. Kinuha ko sa kamay niya ang folder na hawak niya na naglalaman ng report niya. May tiningnan lang ako doon na kung ano-ano bago ako pumirma.
Tumingin ako sa babae ng hindi pa rin siya umaalis. "Yes?"
"Ano...bakit may button po kayo sa tenga?"
"Wala naman. Pauso ko lang."
Nakita kong tumango-tango siya. Pustahan tayo mga people, hindi lilipas ang isang linggo, uuso na ang button sa tenga. Base na rin sa nakikita kong pagtingin sa akin ng babae bago umalis. Mukhang amaze na amaze siya. Tinggal ko na yung button at binalik sa case niya. Kinuha ko ang phone ko pagkatapos at tinawagan si Cloak dahil ang mga kuya ko ay hindi sumasagot.
"........"
Whatever. "Hi there Cloak! Nasaan si Kuya Craige? No wait. Hindi ka sasagot I'm sure. So, huhulaan ko. Nandiyan ang cellphone niya pero umalis siya saglit. Ang dalawa ko namang kuya natutulog, right?"
"..........."
"Right. So anyway, gusto ko lang sabihin na mukhang may lead na tayo or clue sa gustong pumatay kay Aries since may nagpadala ng patay na pusa sa kaniya kanina at may narinig ako na pinag-uusapan nila ni Harvey. Tungkol sa tinatawag nila na Eighton. Alam mo ba kung ano yon?"
"Yes." Sagot niya
"And what is it?"
Napatingin ako sa phone ko ng magvibrate yon. TAMAD with a capital T. Sinend lang ang files.Tinapat ko ulit sa tenga ko ang phone.
"Thanks Cloak-" At binabaan ako ng phone, bow.
Napatingin ako sa pintuan ng office ni Aries ng biglang bumukas yon. Lumabas doon si Aries at si Harvey. pero nawala ang pansin ko doon dahil may parang maliit na ipo-ipo na dumaan. And in the next blink of the eyes. May isa ng babae na nakayakap kay Harvey.
"Oh, hello my little cutie pie. Pare, my girlfriend nga pala, Fie Jordan." Pagpapakilala ni Harvey sa girlfriend nya kay Aries
"May girlfriend ka na? Ang number one takot sa commitment, may girlfriend na? Nice to meet you pala Fie."
"Nice to meet you too. At wala din naman ang choice ‘tong lalaking ‘to dahil nain-love siya sa akin."
"I agree. Kasing fierce mo kasi ang name mo kaya wala na akong kawala." Sagot ni Harvey
Napakunot ang noo ko. Anong fierce sa Fie? "Huh?" takang tanong ni Aries
"Her name is Fierce Jordan. Nickname niya ang Fie." Paliwanag ni Harvey
Woah. Ang cute. Naunahan pa ni Fie si Aries sa paglapit sa akin. Mukhang ipapakilala ako ni Aries. Bahagya akong napaatras ng bigla na lang akong hinawakan ni Fie.
"Ang ganda naman. Sa secretary mo ‘to? Siya ba gumawa ng manikang ‘to? O san niya nabili? Ang ganda!" puri ni Fie sa akin
"Tao po ako." Sabi ko sa kanya
Napatalon siya palapit kay Harvey. Si Aries naman ay natatawang lumapit sa akin. "Fie, meet Paige, my girlfriend." Pagpapakilala ni Aries sa akin.
"Sure ka? Talagang tao siya?" alanganin pang tanong ni Fie
"Grabe! Parang gusto kong sabunutan ang girlfriend mo Harvey." biro ko kay Harvey
"Wag naman Paige, dear. Love na love ko ‘to eh."
Napailing na lang ako. Sabagay. Mukha ngang in love ang mokong na’to kay Fie. Lagi naming naririnig noon kay Harvey ni Aries na hindi gusto ni Harvey ng commitment. Na hanggang flings lang. Date. And all. Pero hindi girlfriend. And especially, not marriage.
Pero ngayon, kitang-kita na in-love na in-love siya. "Ay sorry! Ang ganda-ganda mo naman. Sana kapag na buntis ako sayo ako maglihi para kamukhang-kamukha mo ang baby ko."
"Natin." Pagtatama ni Harvey kay Fie
Natawa si Fie. "Natin pala."
Napangiti na lang ako. Nang magpaalam na sila ay tiningnan ko si Aries na mukhang tulala. "Anong nangyari sayo?" takang tanong ko sa kanya
"Paige..."
"O?"
"Paano...paano..."
"Ha?"
"Paano kapag nabuntis ka?"
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Tapos ngumiti ako. "Safe ako that time Aries."
"Sure ka?"
"Yes.”
"Sayang." Sabi nya tapos nag-pout sya
Natawa ako. Parang baliktad. Dapat nga matuwa siya. Pero mukhang gustong-gusto niya na magkababy kami. "Bakit, gusto mo na ng baby?"
"Oo. Gusto ko madami. Iyong basketball team."
"Sige. Ikaw na lang ang manganak."
Nabigla ako ng bigla niya akong hinalikan. Parang teenager na kinikilig na bumalik na siya sa office niya at nagflying kiss pa bago pumasok. "Pasaway talaga." nangingiti kong sabi habang kinkuha ko angphone ko sa bulsa at pagkatapos ay sagutin iyon.
"Hello?"
".........."
"Hello?"
"........."
Tiningnan ko ang screen n phone. Feeling ko iniisip ni Cloak ngayon na dapat tiningnan ko muna yung tumawag bago ako sumagot. "O, Cloak, the silent type of guy, anong meron?"
"About Eigthon."
"O?"
"Nabasa mo na?"
"Di pa."
"..........."
"Fine. Sorry. Mamaya babasahin ko na."
"Bilisan mo na. ‘Cause I think we will have a lot of trouble."
Hindi na ako sumagot. Pinatay na rin ni Cloak ang phone. Dali-dali kong tiningnan ang files na tungkol sa 'Eighton'. Well, it's about business. Of course, pag-aari ni Aries. Pero ang kakaiba sa 'Eighton' na puro negosyo lang na tungkol sa sasakyan, ang Board of Directors non ay nananatiling tago na tanging si Aries lang ang nakakaalam.
Ayon sa file ang buong Eighton ay binubuo ng walon na tao including Aries. It means there's no way na malalaman ko kung sino ang part ng 'Eighton' kung hindi mismo kay Aries manggagaling yon. Damn. Alangan namang bigla akong pumasok sa office niya at magdemand kung sino-sino ang nasa Eighton.
Hmm…Nagmamadaling nagsulat ako sa isang papel. May kinuha ako sa bag ko at ipinunas sa papel. Para hindi matrace ang finger print at malaman kung kanino galing. Maingat na nilagay ko iyon sa sobre. Binuksan ko ulit ng basta basta. Huminga ako ng malalim at tumakbo papunta sa office ni Aries.
"Aries!"
Nag-aalalang tumayo si Aries at sinalubong ako. "Anong nangyari?"
"Anong ibig sabihin nito? Sabihin mo sa akin!"
Tiningnan niya ang hawak ko.
‘You will never find me. Kahit halughugin mo ang buong mundo.’
-Eighton
"s**t! Sinasabi ko na nga ba at nasa Eighton-" bulalas ni Aries
"Sino-sino ang mga nasa Eighton?"
"Paige..."
"Damn it! Bakit hindi ko pwedeng malaman? Nasapanganib na ang buhay mo pero ayaw mo pa ring sabihin. Akala ko ba, walang secrets? Akala ko ba, mahal mo ako?"
Pinilit kong umiyak na nagawa ko naman. Naramdaman ko na yumakap sa akin si Aries. "Paige...sasabihin ko sayo kung sino. Wala namang panganib kahit sabihin ko sayo. Eighton is private for business reason." Panimula nya
Nanlalaki ang mata ko ng magsalita siya. Kilala ko ang mga nabanggit niya. It looks like, It's not that complicated we thought it is.