CHAPTER 16
PAIGE'S POV
Nag-inat inat ako ng magising ako. Disoriented na napatingin ako sa paligid ko ng mapansin ko na sobrang liwanag sa lugar na kinaroroonan ko. Parang langit lang. Well I know Aries brought me to heaven last night a lot of times- Stop, Paige. Ang aga ah. Aga-agang ka manyakan.
Tatayo na sana ako ng mapansin ko ang sarili ko. Napasimangot ako. Duh? Syempre wala akong damit. Hinatak ko ang kumot at lumapit ako sa bintana. Sinarado ko ang kurtina. Dinala kasi ako ni Aries dito mula sa swing. Syempre, mamaya may makakita sa amin doon.
"Hi, baby!"
Nakangiting nilingon ko si Aries na kapapasok pa lang at may dala-dalang pagkain sa tray. Kung hindi ko pa naamoy ang pagkain iisipin ko pa na niluto niya yon. Kaso naamoy ko ang burger steak. So... Jolibee yon.
Nilapag niya iyon sa lamesa sa gilid ng kwarto. Lumapit ako sa kaniya at umupo ako. "Hmm...sarap naman." Nagsimula na akong kumain.
Feeling ko, three years na akong hindi kumakain sa gutom ko. Sino ba naman ang hindi gugutumin? Tinalo halos ni Aries si Superman. Walang kapaguran.
Habang kumakain ay nakatingin ako kay Aries na maganang kumakain din. Part of me ay iniisip ang mga nangyari sa amin. Pero ang sa isan parte iniisip ko ang mga tinatago ni Aries. Iyong tungkol sa gustong pumatay sa kaniya. Kung bakit. Kung sino. O kung sino-sino.
Kung tungkol ba sa babae, o dahil sa business. Or both. Basta ang gulo. Ang alam ko lang sa ngayon, dead end na kami kay Janis Sandoval. Ang gusto niyang ipapatay, ako at hindi si Aries. Saka anong meron sa phone na tinatago ni Aries?
"Hey, parang ang lalim ng iniisip mo ah?"
Napakurap ako. "Ha?"
Napatawa sya. "Tulala ka eh. Sobra ka na bang na gu-guwapuhan sa akin niyan? Parang titig na titig ka kasi sa akin na parang bigla na lang akong mawawala."
"Sira! Parang namiss lang kita."
"Hmm...ang sweet naman ng baby ko. Magkasama na tayo magdamag ah."
"Fine. Si Damon na lang ang nami-miss ko-"
"DI PWEDE!"
Napatawa ako. Napakaseloso talaga ng lalaking to. "Ikaw talaga. Pati si Damon my sweetie pie pinagseselosan mo. Anyway, kapag nakita ko talaga sa personal yon re-reypin ko yon-"
"Paige!"
Tumawa ako. "Pero syempre joke lang. Hanggang kiss at hug lang ako don. Ikaw pa rin ang love na love na love na love na love ko."
"Talaga?" Nakangiting dumukwang ako at hinalikan ko siya sa pisngi. Nakita kong napangiti na rin siya.
Nang matapos kaming kumain ay ibinaba na ni Aries sa baba ang mga pinagkainan namin. Ako naman pumasok na sa bathroom para maligo. Nang matapos ako ay sinuot ko ang bathrobe ko. Paglabas ko ng bathroom, nabungaran ko si Aries sa labas na mukhang bagong paligo narin. Malamang sa kabilang kwarto siya naligo.
"Wala akong damit."
"Actually, pinagdala na kita kahapon. Nandiyan sa cabinet."
"Ang sweet naman ng baby ko."
"Syempre."
Lumapit na ako sa cabinet at kumuha ng damit ko. Yumukod ako para kumuha ng underwear na nasa pinakababang drawer. Nilingon ko si Aries na ngingiti-ngiti.
"Nananadya ka talaga ‘no?"
"Di ah."
Painosenteng tiningnan niya ako. Naninilip lang po yang mokong na yan. Ako naman ang napangiti ng may kalokohan akong naisip. Kunwari, hindi ko siya pinapansin na sinuot ko mismo sa harapan niya ang undies ko. Nang dahan-dahan. Pagkatapos ay sinuot ko na ang damit ko. Napatawa ako ng makita kong pulang-pula ang mukha niya habang nakatingin sa ibang direksyon.
"Nakita mo na lahat lahat nagba-blush ka pa rin."
"Hindi ako nagba-blush ‘no."
"Weh?"
Napatili ako ng bigla siyang sumugod sa akin at pinagkikiliti ako. Bumagsak kami pareho sa kama dahil sa kakulitan namin.
"Laro tayong chess." Aya ko sa kanya
"Alam mo naman na hindi ako masyadong marunong niyan eh."
Oo nga. Ilang beses ko ng tinuruan si Aries noon pero hindi pa rin matuto-tuto. "Eh, anong gagawin natin ngayon?"
"Laro na lang tayo ng snake in ladder."
Natawa ako. "Ano ba naman yan Aries, snake in ladder? Tsk tsk."
"Basta...ibang game ‘to."
May kinuha siyang box sa gilid at blanket pagkatapos ay hinila na niya ako papunta sa lake gazebo. Nilatag niya ang blanket pagkatapos ay nilagay niya ang snake in ladder sa gitna.
"Tapos?"
"Bawat kain ng snake isang kiss sa panalo."
Loko din ‘to eh. Sabagay. Win win lang. Hindi ko alam kung ilang minuto kami naglalaro pero nagtatawanan na lang kami dahil halik kami ng halik sa isa’t isa kahit na wala pang nakakain ang snake.
"Hmm...pakiss pa nga."
Dumukwang si Aries at hinalikan ko naman siya. "Hey Aries."
"Yes?"
"Mahirap bang maging businessman para sayo?"
"Hmm...mahirap. Pero masaya din. Nakakaadik kasing magtrabaho."
"Pero hindi ba mahirap yon kasi parang dadami ang enemy mo. Hindi naman lahat makakasundo mo."
Actually, hinuhuli ko lang siya. Baka sakaling masabi niya ang mga nangyayari sa kaniya. Baka masabi niya kung bakit may gustong pumatay sa kaniya. Tiningnan ko siya. Feeling ko parang bigla siyang kinabahan sa tanong ko.
"Aries?"
"H-ha? Ano...kasama talaga yon sa buhay business. Hindi maiiwasan ang kompitisyon, ang mga nakakaaway. Pero business is business, iba ang personal."
"Pero diba, may iba na parang pinipersonal na ang business? Minsan nga nauuwi pa sa patayan."
Nangunot ang noo ko ng biglang nawalan ng kulay ang mukha ni Aries. Tsk tsk. Obvious na obvious na. "Oo...hindi maiiwasan." To make it short, he's closing the subject.
"Sir."
Napatingin kami sa maid na biglang lumapit sa amin. "Yes?"
"May nagpapabigay ho."
Inabot ni Aries ang box. Umalis na rin ang maid pagkatapos. "Ano yan, galing sa admirer mo?"
Nagkibit-balikat siya. Binuksan na niya ang box. Oh s**t. "What's that Aries?!" gulat kong tanong sa kanya Hinila ako ni Aries palayo.
It's a box. With a dead cat inside.