Chapter 4

1282 Words
Belle pov Kabababa lang namin ng jeep, mag aalas syete palang kaya kokonti palang ang mga estudyante. " Ang aga pala natin... wala pang mga pogi dito." Kristine Hinatak naman ni Cecil ang buhok niya. " Aray!" " yan ang pinunta mo dito ano!? ang landi nito..." " Kasali na kasi yun... KJ ka naman pinsan eh. Alangan naman puro aral tayo dito. Soooo boring pag ganun. " Nakayuko lang ako habang hawak hawak ang payong. " Tara na nga..." yaya ni Cecil. Papasok palang kami ng pumukaw ang atensyon namin sa isang sasakyan na pumasok sa gate. " Wow... grabe mga estudyante dito... de wheels sila. " Hanga naman ni Cecil. Hindi ko tinignan ang tinutukoy nila. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. " grabe...hindi ako makapaniwala na dito tayo sa isang sikat na school mag aaral.." Hinayaan ko lang ang dalawa na nagmamasid at nag uusap. Hinawakan ko ang kwintas na siyang proteksyon ko. Ginawa ito ng aking lola. Nandito ang proteksyon sa akin mata. " Hi.. " napahinto kami ng may humarang sa dinadaanan namin. " H-Hi... " nauutal na pagbati ni Cecillia " Newbies kayo hindi ba? Ako pala ang President ng Senior. George Hanes is the name." pagpapakilala niya. " Kami nga po..." Kristine " sumama kayo saakin para maiguide ko kayo sa rules and regulations ng school. Ihahatid ko na din kayo sa room niyo after ipasyal dito sa school. " Sinundan namin siya. Sina Cecillia at Kristine ang parating nagtatanong sa kanya. Kaya napansin ata niya ako. " Excuse me?? Are you listening? " " Y-yes... " nakayuko lang ako. " nakikita mo pa ba ang dinadaanan mo? " " Ah President.. K-kasi ano... mahiyain po ang pinsan ko." Cecillia Naglalakad kami ng makasalubong namin yung lalaking nakakotse kanina. " Drake...." tawag nito. " Oh Mr. President.... sino yang mga kasama mo? " " Newbies... hinabilin saakin ng Dean.. Saan tayo later? " " Hintayin pa natin siya... alam mo naman na yung lokong yun..." sagot naman ng kausap niya. Napatingin ito sa akin kaya yumuko ako. " Nerd? " sambit niya. Kaya napaangat ako ng ulo. Nakangisi siya habang nakatingin saakin. " Drake... stop it..pati talaga mga newbies binubully mo. " " May I know your name Miss?" " Cecil po... siya naman si Kristine at----" " I'm referring to her not you..." sabi niya kay Cecillia. " She's Brielle Iris... according to her information sheet.... and please Drake, stop it! " " Cute name....oh siya mauuna na ako sa tambayan.. " Pagkaalis niya ay huminto ito sa tapat ko. Sa bilis ng kanyang kamay binaba niya ang hood ng jacket ko kaya lumitaw ang mahabang buhok ko. Nagulat naman siya ng makita ang mukha ko na nagulat. Napa nganga ito habang tinitignan ako. Natakot ako sa mangyayari sa kanya kaya yumuko ako agad. " tsk... Drake!" " I- I'm sorry... Your so bea----" "tara na po...." yaya ko sa kanila. Hinila ko sina Cecillia kaya naiwan si Mr. President. " kinabahan ako Cecil.. akala ko magiging bato na siya..." bulong ko sa kanya. " maging ako Belle....buti nalang suot mo yang kwintas. Kundi nakadali ka sa unang araw... " " ano bang pinagbubulungan niyo dyan?" Kristine. " Wala..." sabay pa namin ni Cecillia. Pagkatapos diniscuss ni George... magkasing edad lang pala kami. Nasa ibang Section lang ito at Hums ang kinukuha niya. Pinasyal niya kami sa buong campus. Sabi pa niya ay baka bukas na daw magsisimula ang klase dahil ang iba ay nag eenroll pa. " Dito ang canteen, nakikita niyo ang isang may kulay itim na mesa at upuan na yun sa kabilang dulo? Forbidden yun... upuan naming tatlo..." " Binagbabawala?" sambit ko. " Yes... At ang mga kaibigan ko ang may nagmamay ari diyan. Ok lang naman saakin ang kaso ang isa sa mga kaibigan ko ayaw ipagamit. " So spoiled brat pala sila. Kaya naman pala may angas ang lalaki kanina. " Oo nga pala bago tayo maghiwa-hiwalay... kailangan niyong sumali sa ibang club dito sa school. Hindi pwede yung walang club. Any question? " " George --- I mean Mr President. May mga mean Girls din po ba dito?" tanong ni Kristine. Natawa naman siya. " You know what your cute... but I'll be honest with you. Yes, merong Mean Girls group dito... So don't try to mingle them dahil ang isa sa mean girl dito ay ang apo ng may ari ng school na ito... mas magandang wag niyo nalang siyang lapitan." Natakot naman ang dalawa. Kaya ako ang binalingan ni George. " Brielle... maybe ikaw ang wag magpakita sa kanya. Your dangerous Beauty... " Dangerous beauty?? " maiwan ko na kayo... And you may have your snack break... then kung gusto niyong pumasok sa rooms niyo.. you may...but wala pang teacher dahil may meeting sila sa supervisor. " " Salamat Mr. President... " sabi namin " Just George nalang....nakakatanda ang Mr. President... Hehehe ok? Bye... see you around " Pagkaalis ni George napatili naman ang dalawa sa kilig. Napabuntong hininga nalang ako. Sabay tingin sa grupo ni George. Tatlo sila? Pero yung isang kaibigan nila ay nakatalikod sa akin kaya hindi ko ito makita. " tara na nga Belle.... Silipin kaya natin ulit yung Gymnasium." Cecillia " Pwede bang sa library muna ako... alam ko naman na ang pasikot sikot dito..." " Sure ka Belle?" Cecillia " Oo naman... tawagan niyo nalang ako kung uuwi na tayo." Tumango sila. Tinungo ko ang library.... gusto kong magbasa saglit at maglibot libot sa mga librong nandoon. Gaya sa nakasanayan ko sa sulok ako ng shelves nakaupo at nagbabasa. Maganda kasing pwestong magbasa. Walang istorbo at walang nakatingin sayo. " Medusa, in Greek mythology, the most famous of the monster figures known as Gorgons. She was usually represented as a winged female creature having a head of hair consisting of snakes; unlike the Gorgons, she was sometimes represented as very beautiful..... " mahina kong pagbasa. Hindi ko alam bakit ito ang binabasa ko ngayon. " Medusa was the only Gorgon who was mortal; hence her slayer, Perseus, was able to kill her by cutting off her head. From the blood that spurted from her neck sprang Chrysaor and Pegasus, her two sons by Poseidon...." "..... ano kaya pinagkaiba namin ni Medusa?? " pinagpatuloy ko ang pagbabasa. ".... The severed head, which had the power of" turning into stone all who looked upon it, was given to Athena, who placed it in her shield; according to another account, Perseus buried it in the marketplace of Argos.-----" Napatigil ako sa pagbabaaa ng may lumapit saakin. " Medusa.... " tawag niya sa akin. Napaangat ako ng makita ko ang mukha niya. Kilala ko siya.... Yung lalaki sa may Talon. " may mesa naman bakit dito ka nagbabasa?" Tumayo ako hawak hawak ang libro. " k-komportable kasi akong magbasa" " show your face..Pangit ka ba para ikahiya ang mukha mo?" Ayoko... " Belle!... Belle----ay!" Nakahinga ako ng maluwag ng dumating si Cecillia. " Ay sorry may kausap ka pala..." " Next time use those chair and table... bawal ang nakaupo dito sa mga shelves... " pagkakasabi niya ay umalis na ito. " Belle sino yun? " " hindi ko kilala..." pagsisinungaling ko. Hindi ko naman siya kilala... ang mukha lang niya ang kilala ko. " Halika na... gutom na kami. Ikaw ba'y hindi pa nagugutom? " " Kung ganun ay kumain na tayo" " Kanina ka pa naming tinatawagan... hindi ka sumasagot." " Pinaiwan saakin ng bantay ang bag ko bawal daw ipasok." " hala!... kaya pala pinagtitinginan ako... may bag akong dala... Halika na..." Napatawa naman ako sa kanya. Napalingon ako sa isang table na pinag upuan ng lalaki. Sa muli nating pagkikita....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD