Chapter 5

1597 Words
Belle pov Nakauwi na kami ng magtanong si Cecillia saakin. " Belle.... yung lalaki sa library kanina... Kilala mo?" pag uulit niya akin. Hinila ko ito papasok sa kwarto ko. " Cecil... yung lalaki siya yung lalaki na niligtas ko sa talon sa bundok Maikli. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Pagkatapos ko siyang iligtas. " " Bakit hindi ka niya nakilala?" " Nawalan na siya ng malay pagkaangat ko sa kanya.. si Inay ang naghintay gumising dahik baka makita niya ako ay mabiktima ko siya. " " ang gwapo niya Belle... " " Natatakot ako baka makilala niya ako... " ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. " Hindi naman siguro... Kung makikilala ka niya... hindi naman niya alam na may kakayahan ka. " " Sa dinarami ng paaralan bakit dito pa siya nag aaral... " sabi ko. " Destiny ang tawag dyan.... " " Walang nakalaan saakin Cecil...dahil walang lalaking magtatagal saakin. " " Wala ka bang nalaman na paraan para mawala yang binigay sayo? " Bumangan ako at inalis ang bag ko sa aking katawan. " Parang hindi mo naman alam. Na walang sinumang makakatanggal ang binigay ng Reyna. " Sabay pa kaming nagpakawala ng hangin. Kinabukasan gaya ng dati ay maaga kaming dumating sa school. Magka klase kami ni Cecil samantalang si Kristine ay nasa Grade 11 palang ito. STEM Courses kaming dalawa ni Cecil. Pagpasok namin sa room namin pinagtitinginan na nila ako. Sana nga ay masanay na ako sa kanilang tingin. " Tsk... Their so baduy!" sabi ng kaklase namin na babae. Umupo kami ni Cecil sa may bandang likod. Pagdating ng teacher namin. " Good morning class... you're under STEM right?.." STEM stands for Science, technology, engineering and mathematics and refers to any subjects that fall under these four disciplines. " By the way My name is Miss Aaliyah Hermoso... your adviser for this section.... kahapon ay hindi tayo nagkakilala so this is the right time.... please come infront and tell about your self... Let's start to this row." Kinabahan ako. Bakit kailangan pang pumunta sa harapan. Dahil kami ang huli ay naghintay kami sa aming oras... " Hello sainyo.. Ako po si Cecillia Quaqin pwede niyo akong tawaging Cecil...mula sa napakagandang lugar ng Ilocos Norte.. 16 years old...first time kong makarating dito sa siyudad upang mag aral...thank you po." pagtatapos ni Cecillia " ikaw na Belle... " " Ok last.... " tawag ni Mam Tumayo ako ay tinungo sa harapan. Nakayuko ako kaya natatakpan ang mukha ko ng buhok. " Ok... you may start... " Mam " A-ako p-pala si B-Brielle Iris Hidalgo... mula sa Bundok Maikli.." Hindi pa ako natatapos ay nagtawanan na sila. " Bundok?? Taong bundok ka pala hahahah" sabi ng lalaking kaklase namin. " eiw!... baka kamag anak niya sina Tarzan hahahaha" sabi ng babaeng katabi niya. " guys... Please keep quiet... Ok Brielle continue...." " Belle ang tawag saakin ng aking Inay... labing anim na taong gulang. Yun pang po salamat..." agad akong umupo. " Thank you Brielle... so Guys....bilang advicer niyo.. Ayokong may bully at nabubully dito sa room na ito. Hindi na kayo bata.. ok? " " Yes Mam! " sagot naman nila. " Ok... its already time... wait for your next subject... Bye.." Paglabas ni Mam ay pinag uusapan na nila ako. " hoy Brielle...ganyan ba mga itsura ng mga taong bundok? Hahahah" " pangit siya siguro kaya ayaw ipakita ang mukha niya." sabi pa ng isa. " hahaha baka magulat kayo kapag nakita niyo mukha ng Pinsan ko.." sabat naman ni Cecillia. " magugulat kami kasi sobrang pangit siguro hahaha. Magpinsan kayo? Kung ganun pangit nga siya hahahah" Hinayaan ko nalang ang mga pinagsasabi nila. " Hayaan mo na sila Cecil..." " Di nga mawawala ang mga mean girls gaya sa mga teleserye... Tsk" bulong niya saakin. Pagdating ng English teacher namin ay gaya ng ginawa namin ay nagpakilala lang kami. Ang ibang subject naman ay nagpasa lang kami ng index card para sa attendance namin. Lunch break. Hinintay namin si Kristine para sabay sabay kaming kumain. " Hi Belle.." nagulat kami ng sumulpot si George saaming table. " Hi George..." sabay nila Kristine at Cecillia " ipapaalam lang namin na bukas niyo na makukuha ang uniform niyo... puntahan niyo nalang ako bukas ng umaga sa student Office...." Tumango lang ako. " Salamat George...." " Sige...nakapili na ba kayo ng club? " tnaong niya saamin. " Hindi pa eh... titignan namin mamaya sa Gym kung anong pwedeng masalihan. " Cecillia Ngunit saakin ito nakatingin. " Belle. Sorry nga pala sa ginawa sayo ni Drake kahapon... Pilyo kasi siya pero mabait naman. " " Wala yun..." " Kaya pala ang loko natulala sayo kasi ang ganda mo pala. " puri niya sa akin. " Ouch!... Siya lang ang maganda?" singit ni Kristine " maganda ka naman eh... well kakaiba lang ang ganda ni Belle. " " Salamat... " sagot ko at pinagpatuloy ko ang kinakain ko. Nagpaalam na ito at bumalik sa kanilang table. Nakaramdam ako ng isang pares na matang nakatingin sa akin. Napagawi ako sa table nila George. Nakatingin saakin yung lalaki sa Talon. " Hoy Belle... Nakikinig ka ba?" siko saakin ni Cecillia " Ha? Bakit?" " Tinatanong ko kung ano yung pwede mong salihan.." Cecillia " ako nalapili na ako... dance troop ako sasali hehehe" singit ni Kristine " Hindi ko pa alam eh.... Ikaw ba Cecil?" " Sa drama club siguro ako.. Wala naman akong talent sa pagkanta at pagsayaw..." " Bakit magaling ka bang umarte?" tanong naman ni Kristine " Oo....pwede nga akong maging double sa mga artista eh hahaha" " tsk... nangarap ka na nga sa double pa... Ay hala Belle... nakatingin ata sayo yung pogi na si Drake." Napatingin kami ni Cecillia sa tinuturo nito. " Oo nga ano.. Hala Belle... lagot.. Natamaan ata sayo." " kailangan ko siyang iwasan..." bulong ko kay Cecillia Pagkatapos naming kumain ay dumeretso kami sa Gym para sumali sa mga club. Dance Club Voice Club Drama Club Math Club English Club Art Club Speech Club Science Club Sports Club " doon muna akonsa Dance club... magreregister ako at mag audition.. Maiwan ko muna kayo." Kristine " Ikaw Belle saan ka?" Napatingin ako sa walang gaanong lalaki. " sa Art club nalang ako Cecil..." " sige... Doon naman ako. tawagan nalang kita kapag tapos na ako mag audition. " Pagkaalis niya lumapit ako sa table ng Art Club. Bakit walang masyadong lumalapit? " Ah Miss gusto mo sumali?" tanong ng babae " Oo... " " Yes... Halika.. isulat mo ang pangalan mo dyan at magbigay ka ng Art na nagawa mo na.. " Nilabas ko ang scetch pad ko na punong puno ng mga drawings ko noon sa bundok. " Wow ang gaganda naman ng drawings mo... Saan banda itong falls?" " Ah saamin yan... Malapit lang kasi ang bahay namin dyan kaya parati akong naguguhit dyan. " " Pasado ka na Belle.....kaya Welcome to Art Club!" masigla niyang pagbati saakin. Pinakilala niya saakin ang ibang miyembro. Apat lang sila at pang lima ako kaya hindi ako nakatiis itanong kung bakit walang sumasali. " sabi nila ay boring daw ang club namin... " Siya si Daphne. Ang babaeng masiyahin ngunit may makapal na eyeglass na suot. " Mas marami kasi sa Drama club karamihan mga magaganda at gwapo ang sumasali." Siya naman si Lyka... ang mahinhin na babae. " Eh ikaw Belle bakit dito? Maganda ka naman ah..." Sa mga babae ko lang kasi pinapakita ang mukha ko. At alam ng mata ko na mababait sila. " hindi naman ako marunong umarte Jen.. " si Jen ang pinakabata sa kanila... grade 11. " sabagay... masaya kami at kami ang pinili mo.. Hehehe" Sinamahan ko silang humikayat sa mga ibang estudyante para sumali. Ngunit wala din kaming napala. Ako lang pala ang sumali sa kanila ngayong araw. " Belle tatawagan nalang ka namin kapag may gagawin tayong subject." Daphne " Sige... Mauuna na ako may pasok pa kami.." Hinintay ko si Cecillia dito sa may bleacher malapit sa basketball court. Kinuha ko ang headset ko at nakinig ng kanta na gustong gusto ko. Beautiful Soul by Jessie McCartney I don't want another pretty face I don't want just anyone to hold I don't want my love to go to waste I want you and your beautiful soul I know that you are something special To you, I'd be always faithful I want to be what you always needed Then I hope you'll see the heart in me I don't want another pretty face Habang nakikinig ako, nilabas ko ang scetch pad ko at nag simula ulit gumuhit. Pinikit ko ang mata ko ay inalala ang angulo ng mukha ng lalaking nasa Talon. Nagulat ako ng may biglang humugot ng headset ko mula sa aking tenga. " bingi ka ba?... kanina pa kita tinatawag..." sabi niya. Siya na naman... " B-bakit?" " Yung damit ko inuupuan mo..." turo niya sa inuupuan ko. Hala! damit nga niya.. Agad akong tumayo at binigay sa kanya ang damit nito. Tinignan niya ako ng masama. " Next time tignan mo kung ano inuupuan mo....." Yumuko ako. Napatingin naman siya sa scetch pad ko. Patay!... mukha niya ang ginuguhit ko. " Art Club?" " Ha?" " Sa Art Club ka kako!?" "O-Oo...." " well bagay sayo...." Napangiti naman akonsa sinabi niya. " mga kagaya mong pangit ang kasali doon..." Nawala ang ngiti ko ng laitin niya ako at ang club na sinalihan ko. Gwapo nga siya... Pangit naman ng ugali. Pinunit ko ang drawing ko sa kanya at tinapon sa malapit na basurahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD