George pov
" Nasaan na si Miss Beautiful ?nakita mo ba?" tanong saakin ni Drake.
" tumigil ka nga dyan Drake, bagong salta lang sila dito sa Manila. Wag mo namang isali sina Brielle sa kalokohan mo."
" sino na naman ba ang pinag aawayan niyong dalawa dyan?" biglang singit saamin ni Axel.
" pinagdidiskitahan yung baguhan..." Sagot ko.
" tara na nga magpraktis na tayo..." Yaya niya saakin.
Siya nga pala si Solomon Axel Villaluz, captain ng team. Pareho kaming tatlo na STEM.
Siniko ako ni Drake.
" ano na naman nakain yan at ganyan na naman ang mood niya?"
" malay ko...hindi ba kayo ang parating magkasama?"
" Magkasama nga...pero parating nagpapaalam pupunta sa library . Ewan ko ba sa kanya ....mula noong nalunod siya sa Falls nag iba na siya....hindi kaya naengkanto siya at tinangay nila ang totoong Solomon..?"
" siraulo ka talaga ano....alam mong ayaw na ayaw niyang tinatawag na Solomon..."
" Di naman niya narinig...tara na nga bihis na tayo. "
Ikwekwento ko nalang ang nangyari sa bakasyon namin sa Probinsya.
flashback
" nasaan na kaya si Axel?,kanina pa siyang wala ah.." tanong ni Brent. Pinsan ni Axel dito sa Probinsya.
" Sabi niya ay babalik din agad. kanina pa siyang wala..." Drake
Nagcacamping kami dito sa Bundok Maikli. Napakaganda ng bundok, kulay berde ang mga halaman. Malamig ang ihip ng hangin na nagmumula sa mga puno.
Nagulat kami ng napatayo bigla si Jake ng makitang may kasama si Axel na Ale.
" dito nalang po ako...salamat po." sabi nito sa Ale.
Nilapitan namin si Axel na basang basa ito.
" dude anong nangyari sayo?"
" ah nalunod siya sa Talon iho..." sagot ng Ale.
Kung makikita sa kanyang itsura nasa late 30s palang siya.
" Mam salamat po sa pagliligtas sa akin..."
" wala yun iho...sige at aalis na ako. Mag iingat kayo dito. Wala namang hayop na mababangis. Sa aksidente lang kayo mag ingat." ani nito sa amin.
Pagkaalis ng Ale,pinalibutan agad namin ito para usisahin.
" wag niyo nga akong tignan....Anong akala niyo saakin...papatulan ko yun?tsk.."
" maganda naman yung Ale ah..." Drake
" hindi ba kayo nahihiya? Teacher yung tao...tinulungan lang niya ako kanina dahil nalulunod ako."pagpapaliwanag niya.
Napaisip ako...
" siya ang tumulong sayo? Bakit ikaw lang basa at siya hindi..."
Mukhang maski siya ay napaisip.
" Oo nga ano....sabi ko na nga ba hindi siya ang tumulong saakin...kanina kasi habang nangunguha ako ng kahoy. May nakita akong babaeng naliligo sa Talon. Hindi ko nakita ang mukha. Nakasuot ito ng puting bestida."
Kaya naman pala nalunod.
" hindi ko napansin na lumalapit na pala ako sa tubig. Naramdaman ko nalang na pailalim ng pailalim ang tubig. Kaya ayun nalunod ako."
" namboboso ka kasi...teka..! Nasaan yung dalaga kung ganun?"
" hindi ko maalala eh...." sabay kamot sa kanyang ulo.
Hinatid nalang namin siya sa kanyang tent.
End of flashback
Pagkatapos namin magpraktis sabay kami ni Drake pumunta sa CR. Pero pagbalik namin nakita namin na kausap niya si Brielle .
" si Miss Beautiful oh..." Drake
" loko talaga itong si Axel...."
Pagkatalikod ni Axel ,may kung anong pinunit si Brielle sa kanyang hawak. Tsaka ito umalis sa bleacher.
" anong eksena yun dude?" tanong ko sa kanya.
" pinagsasabi mo dyan?"
" sinungitan mo si Brielle ...."
Napatigil naman ito at nilingon sa pwesto kanina ni Brielle .
" inunpuan niya damit ko. " nauna na itong naglakad.
Tama nga si Drake,may nag iba kay Axel. Hindi namin mawari kung ano ba yun? Dati na siyang pabalang sumagot. Ang kaso nadagdagan naman ata pagkasungit niya.
Binalikan ko yun tinapon ni Brielle kanina sa bleacher.
Nagulat ako ng makita ko kung sino ang ginuhit niya.
Si Axel...
Belle pov
" Belle kakain na tayo..." tawag saakin ni Cecilia .
Naramdaman kong bumalik ang lakas ng mga mata ko.
Tumingin ako sa salamin.
" bakit iba ang nararamdaman ko sa kanya?bakit bigla nalang bumilis ang t***k ng puso ko ng makita ko ang mukha niya kanina...."
Tok tok tok
Pumasok si Cecilia.
" Hoy, anong nangyayari sayo?"
Nakaharap pa din ako sa salamin habang kinakausap niya ako.
" may nangyari ba sayo kanina?"
" wala naman.... Cecil, Napapaisip lang ako na ,hindi lahat ng nasa libro ay nangyayari sa totoong buhay."
" Hindi sa lahat ng bagay ay kagaya sa libro,may kanya kanya tayong kwento. Hindi man eksaktong pangyayari...may mga bagay din na magagaya sayo. lalo na ang kakayahan mo. "
" si Medusa ay sinumpa ni Athena....dahil maganda siya. ginawa siyang babaeng ahas ,buhok ay ahas...lahat ng titingin sa kanya ay magiging bato....sa tingin mo Cecil..ano ang pinagkaiba namin ni Medusa?"
" hindi ka isinumpa Belle. Biniyayaan ka ng pangproteksyon sa sarili mo. Alam ng Reyna na ang iyong ganda ang siyang magpapahamak sayo."
" subalit paano ang mga taong inosente?" balik kong tanong.
" yan ang hindi ko alam Belle. Kailangan natin magtiwala sa ating lahi. Hindi tayo masama yun ang importante."
Napabuntong hininga nalang ako.
Kinabukasan nasa likod lang ako nila Kristine at Cecilia .
" Hindi ako makakasama sainyo sa lunch pinsan...may friendship na kasi ako. "
" mabuti naman, kesa kami lang nagtitiis sa kaartehan mo...diba Belle.."
" grabe kayo saakin... medyo may pagka mean girls kasi mga friends ko kaya iwas iwas muna ako sainyo." napatingin ako kay Kristine.
Tumawa lang si Kristine. .
" di naman tayo kasi magkaklase mas matanda kayo kesa saakin kaya sa mga ka edad ko ako makikijoin muna....tampo ka ba pinsan?"
" umalis ka na nga...dami mong alam."
" bye...mwuah!" Kristine
Papalayo na si Kristine ng hatakin ako ni Cecilia .
" halika na nga Be--" hindi pa tapos sasabihin
ng may nabundol ito.
" watch it fatty!" sigaw ng babae.
Sa paghatak kasi niya saakin bumangga ang siko nito sa babae.
" Naku sorry--" sinampal niya si Cecilia.
Pak!
" sa susunod wag kayong paharang harang sa daan. " sabi ng babaeng may kulay pink na hair pin sa kanyang buhok.
" ang luwang luwang naman kasi ng daan,kung nakatingin kayo sana kayo na ang umiwas sa amin..." sumbat ni Cecilia .
Aakmang sasampalin niya ulit ito ng pinigilan ko ang kamay niya at tinulak. Hindi ko inaasahan na malakas ang impact ng pagkakatulak ko sa kanya kaya halos mapahiga siya sa mga kasama niya.
" you b***h!.." halatang nasaktan ito.
" wala kang karapatang sampalin ang pinsan ko..."
Tinulungan naman nilang itayo ang babae. Kaya agad niya akkng sinugod at hinila pababa ang hood ng jacket ko tsaka niya ako sinabunutan.
Sobrang sakit ang pagkakasabunot niya kaya hindi ko magawang lumaban. Pinagsasampal naman ng dalawang kaibigan niya si Cecilia .
Sampal at sabunot ang inabot ko sa babaeng ito. Wala man lang umawat sa kanya para pigilan siya. Pinapanood lang kami ng ibang estudyante.
Umabot sa napahiga na ako sa pananakit niya saakin.
" don't you dare mess up with me b***h!.. Hindi mo ba ako kilala ha!"
Pak! Pak! Pak!
" bitawan mo ako!" sigaw ko.
" sa pagtulak mo saakin...do you think I'll let this thing pass....you b***h! Kakalbuhin kita hanggang magmakaawa ka saakin!"
" a-aray! T-tama na...!" sobrang sakit na ang pisngi at panga ko.
" Kiana stop it!" Sigaw ng isang lalaki mula sa ulo ko.
Napaangat kami ng tingin ..
" A-Axel??"
Nakaramdam ako ng paghihina ng binigyan ako ng napakalakas na huling sampal sa aking pisngi na siyang pagkawalan ko ng malay.
" B-Belle!" ang huli kong narinig bago nawalan ng ulirat.