Pagdating namin sa school dumiretso na kami sa SSG office. Nando'n na sila Megan at ang ibang officers. Nadaanan namin ang studio kung saan nagpapractice sila Ella. Sila Wendy naman nasa field.
Hawak kamay kami ni Harris na naglalakad nang bigla namang sumulpot si Stella.
"Harris," sambit niya sa pangalan ni Harris.
"What do you want, Stella?" tanong ni Harris.
"Can we talk?" mahinahon niyang tanong.
"We already talking," sagot ni Harris.
"No. I mean in private, tayong dalawa lang," sabi niya.
"Anong pag-uusapan natin?" tanong ni Harris.
"Just come with me, please," pakiusap niya. Napabuntong hininga si Harris at tumingin sa akin.
"It's okay, mauuna na lang ako sa loob," sabi ko kay Harris.
"Okay. I'll be there in 15 minutes," sabi niya sa akin. Tumango ako at iniwan ko na sila. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan nila. Nagtuloy na lang ako sa loob at napansin agad ako nila Megan.
"Oh, bakit mag-isa ka lang? Hindi kayo nagsabay ni Harris?" tanong niya.
"Magkasabay kami, may kinausap lang siya saglit," sabi ko.
"Sino naman?" tanong niya.
"Si Stella," sagot ko.
"Ano?! Sis bakit mo hinayaan na mag-usap sila na sila lang?" tanong niya.
"Gusto ni Stella na sila lang mag-usap, kaya pumayag ako para walang gulo," sagot ko.
"Ayyss, you have no idea what Stella could up to. Gagawa siya ng way para ma-solo ang pinsan ko," sabi niya.
"Megan, wala naman sigurong masamang balak si Stella," saad ko.
"Hayss, hindi mo pa siya gaanong kakilala, sis. Saan mo sila iniwan?" tanong niya.
"Malapit sa dance studio," sagot ko.
"Tara, puntahan natin. 'Di tayo lalapit, sisilipin lang natin sila, kapag may nakita akong mali, sasabunutan ko talaga 'yong babaeng 'yon," sabi niya. Nilapag ko ang gamit ko at lumabas kami, pinuntahan namin sila Harris pero wala sila doon kung saan ko sila iniwan.
"Wala naman sila dito e," sabi ni Megan.
"Dito ko lang sila iniwan," sabi ko.
"Tara sa likod," sabi niya at hinila ako,. Nagtago kami sa gilid ng pader at sumilip. Nandito nga sila at nag-uusap, umiiyak si Stella.
"Harris please, come back to me. I still love you," sabi niya kay Harris.
"Stella, I can't. I'm sorry, please understand," sabi ni Harris sa kaniya.
"Tell me,. do you still have a feelings for me?" tanong niya. Matagal nakasagot si Harris at tumitig lang sa kaniya.
"Harris, please answer me," pakiusap niya.
"I don't know," sagot ni Harris.
Para akong nabingi at binuhusan ng tubig. Bakit gano'n ang naging sagot niya? Bakit parang 'di siya sigurado?
"Do you love her?" tanong ni Stella.
"I love her, more than I love you, before, my feelings for her is different compared to you," diretsong sabi niya.
"But, you are not sure of your feelings for me. Either you still love me or not," sabi niya.
"Yes, but that's doesn't mean that I love you like I love her," sagot ni Harris.
"You're using her, right," tanong niya.
"No, I'm not using her, kung iniisip mo na panakip butas ko lang siya, you're wrong. I just can't tell you if I still have feelings for you," sabi ni Harris.
"You mean, hanggang ngayon nasa puso mo pa rin ako?" tanong ni Stella.
"M-maybe..." sagot niya.
Bumagsak ang mga luha ko at nanghina ang tuhod ko.
"I can't get you out on my mind, lagi kong naiisip ang panloloko mo sa akin. Nasasaktan pa rin ako kapag naalala ko 'yon. I gave you everything, but you cheated on me," sabi ni Harris kay Stella.
'Di ko na nakayanan pang makinig at umalis na ako doon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta tumakbo lang ako. Nakarating ako sa rooftop at doon ako umiyak ng umiyak.
Ang sakit, nasasaktan ako dahil dalawa kaming nasa puso niya, at hanggang ngayon 'di pa rin siya nakapag-move on. Hindi siya sigurado sa nararamdaman niya kay Stella. Napahagulhol ako at hinayaan ko lang na tumulo ang mga luha ko.
Naubos ang luha ko pero 'yong sakit nandito pa rin. Nakaramdam ako ng mga yabag na papunta rito, inayos ko ang sarili ko at pinahid ang mga luha ko.
"Hayy, salamat at nakita ka na rin namin," bungad ni Megan.
Hindi ako lumingon at hinayaan ko lang silang lumapit.
"Buddss, are you okay?" tanong ni Wendy,. Nakahawak siya sa balikat ko. Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin sa kaniya. Mapait akong ngumiti at naramdaman ko na naman ang luhang dumadaloy sa mukha ko.
"Shhhh... Tahan na, mugtong-mugto na ang mga mata mo," sabi niya habang hinahagod ang likod ko.
Lumapit silang lahat sa akin at niyakap nila ako.
"Ang sakit lang kasi, hindi ko inaasahan na gano'n ang malalaman ko. Pakiramdam ko na ulit ang nangyari noon na dalawa kaming nasa puso ng isang lalaki at darating ang araw isa sa amin ang pipiliin niya," sabi ko habang humihikbi.
"Pakatatag ka lang sis, nandito kami, hindi ka namin iiwan, dadamayan ka namin. 'Wag kang mag-aalala, kakausapin ko si Harris. Naiinis ako sa kaniya. Parang pinagsabay niya kayo. Pero 'di niya maamin sa isa kung mahal ba niya o hindi," sabi ni Megan.
"Haysss, bakit kasi kailangan may masaktan? Kung 'di pa pala siya naka-move on sana 'di na lang siya nanligaw sa'yo," sabi ni Trisha.
"Nililigawan ka ni Harris?" tanong ni Wendy. Tumango lang ako, at mas napahikbi ako dahil sinagot ko na siya.
"Sinagot mo na ba siya?" tanong ni Wendy.
Hindi agad ako naka imik,.
"Sis, sinagot mo na ba si Harris?" tanong ni Megan.
"K-kami na, dalawang araw na ngayon," sabi ko.
"Anak ka nang... seryoso? Bakit wala kaming alam? Kaya ba lagi kayong magkasama?" tanong ni Megan.
"O-oo," sagot ko.
"Kaya pala, kaya pala may pa-lunch kahapon ang mokong na 'yon, at may revelation pang nalalaman sa Saturday," usal ni Megan.
"Iyon ba ang occasion sa sabado sis? Ang bongga naman ng pag-amin ninyo, may invitation," sabi ni Trisha.
"Iba ang sasabihin nila sa sabado. Maybe isasabay nila ang pag-amin nila sa relationship nilang dalawa," sabi ni Wendy.
"Haa?!" Sabay na usal ni Megan at Trisha.
"Ayy naku, Ang gulo ha, sabihin mo nga sa amin sis. Ano bang mayr'on sa inyo ni Harris bukod sa magjowa?" tanong ni Trisha.
"I-i can't answer that right now" sagot ko.
"'Wag na muna nating pilitin si Zinn na magkwento. Bukas masasagot ang mga tanong niyo. Sa ngayon karamay ang kailangan niya," sabi ni Wendy.
"Sabagay, sorry sis," sabi sa akin ni Trisha.
"Ahm, hindi pa ba tayo bababa? Nagugutom na ako," reklamo ni Audrey.
"Okay lang ba budss, bababa na tayo," tanong nila.
"O-oo, tara. Gusto ko ring umuwi na lang," sabi ko sa kanila.
"Gano'n ba, sige. Ihahatid ka namin sa labas. Kakain muna tayo," sabi ni Wendy.
"Hindi na, ako na lang. Kaya ko naman na," sabi ko.
"Ihahatid ka namin buddss,,l makapag-antay pa naman ang alaga ko sa tiyan eh," sabi ni Audrey.
"S-sige," sang ayon ko.
Bumaba na kami at nagpunta sa SSG office. Habang naglalakad kami sa hallway makakasalubong namin ang mga kaibigan ni Harris.
"Zinn, Megan, buti naman at nakita namin kayo. Kanina pa kayo hinahanap ni Harris," sabi ni Nathan.
"Pakisabi sa pinsan ko na hindi niyo kami nakita. Naintindihan niyo?" supladang sabi ni Megan.
"O-okay," sagot nila.
Nagtuloy na kami at nakarating din sa office. Kinuha ako ang mga gamit ko at lalabas na sana pero pumasok si Harris .
"Zinn, finally, I found you. Saan ka ba galing? Bakit namumugto ang mga mata mo? Umiiyak ka ba?" tanong niya. Hindi ko siya tiningnan dahil namumuo na naman ang mga luha ko.
"Ahm... U-uuwi muna ako. May emergency lang," palusot ko.
"I'll take you home," offer niya.
"No need. I'm fine, puwede na ba akong umalis?" tanong ko.
"Zinn what's wrong? Is there something happened?" tanong niya.
"Wala, walang nangyari. Padaanin mo na lang ako, puwede," sabi ko sa kaniya. Nagtaka naman siya sa inasta ko, tumabi siya at dumaan ako kasunod sila Megan. Diretso lang ako hanggang sa gate ng school.
"Uuwi na ako. Thank you guys," sabi ko sa kanila. Lumapit naman sila at niyakap ako.
"Nandito lang kami, okay? Tawagan mo kami if need mo ng makausap," sabi ni Megan.
"Yes buds, tawag ka lang okay?" sabi naman ni Wendy.
"Yes, i will. I have to go," sabi ko at sumakay na ng kotse.
Nakaalis na kami at nakita ko si Harris sa may gate na nakatingin lang.
Sinaktan mo'ko, kung kailan mahal na kita saka ko pa malaman ang totoo.
Nag-uunahan na naman ang mga luha ko sa pagtulo.
Mayamaya pa nasa bahay na kami. Pagbaba ko ng kotse dumiretso ako sa taas. Dumapa ako sa kama ko at umiyak ng umiyak.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising ako sa yugyug ni mommy sa balikat ko.
"Zinn, anak. Wake up," sabi niya. Humarap ako sa kaniya at nakita ko ang nakangiti niyang mukha.
"Are you okay?" tanong niya.
"I don't know Mom," sagot ko.
"Tell me. Is there something wrong? May problema ka ba" tanong niya.
"Mom," usal ko.
"Yes anak. Come on tell me. I know you're not okay. I can see it, in your eyes," malumanay na sabi niya.
Niyakap ko siya at napahagulhol ako ng iyak.
"Mommy, why? Bakit ngayon ko pa nalaman? Mommy mahal ko na siya e, excited na sana akong sabihin namin sa inyo iyon bukas. Pero may nalaman ako na hindi ko matanggap," sabi ko sa kaniya.
"Sshhh. Anak, i don't understand. Anong aaminin?" naguguluhang tanong niya.
"Mommy, kami na po ni Harris. Pero may nalaman ako," sabi ko sa kaniya.
"Oh my god. Are serious anak?" tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot.
"Anong nalaman mo?" tanong niya.
"He loves me. But, he is not sure his feelings for his ex, I heard it earlier. Nag-usap sila at sinabi niya na hindi siya sigurado sa nararamdaman niya para rito. Nasasaktan pa rin daw siya sa tuwing naaalala niya ang panloloko sa kaniya ng ex niya. Hanggang ngayon may puwang pa rin sa puso niya ang babaeng 'yon," saad ko.
"Anak, nag-usap na ba kayo?" tanong niya.
"No mom. I don't want to talk to him," sagot ko.
"Mom, hindi ba puwedeng i-move ang engagement?" tanong ko.
"Anak, nakahanda na ang lahat. Kayo na lang ni Harris ang kulang. Anak, you should talk to him. Matutuloy pa rin ang engagement niyo," sabi niya.
"I don't know, kung kaya ko siyang kausapin. Maybe kapag handa na ako," sagot ko.
"It's okay. Bukas isipin mo na lang na engagement lang ang mayro'n kayo. Walang relationship involved," sabi ni mom.
"Yes mom, I will," sagot ko.
"Let's go downstairs, naghihitay na ang magsusukat sa'yo. Dala na nila ang gown na magugustuhan mo," nakangiting sabi ni mommy.
"Okay po. Ahmm, susunod na lang ako mommy. Magbibihis at mag-aayos lang ako ng sarili ko," saad ko.
"Sige anak. Hinhintayin ka namin," sagot niya.
Pumasok ako sa banyo at naghilamos. Inayos ko ang buhok ko at nagbihis ako. Lumabas na ako ng kuwarto at bumaba, kita ko ang organizer na kausap ni mommy. May mga gowns din na nakalinya.
"Zinn anak, come here. This is Venus, siya ang mag-aayos sa'yo bukas. Venus this is my daughter, Lauriett Zinn," pakilala ni mom sa akin.
"Hello, gorgeous. Madam ang ganda ng daughter mo. Hmm, 'di ako mahihirapang pagandahin ito bukas," sabi ni Venus. Akala ko tunay na babae, mukha lang pala at katawan.
"Syempre naman kanino pa ba siya magmamana, kun'di sa akin," natutuwang sabi ni Mommy.
"Come her iha, this is my own design. Puro bago ang mga ito at ikaw ang unang makakagamit," sabi niya.
"They are all beautiful and ellegant," naiusal ko.
"Yes of course, mommy mo ang unang costumer ko na bibili sa gown na susuotin mo," sagot niya.
"Isusukat ko ba lahat 'yan, mom?" tanong ko kay mommy.
"Mamili ka muna anak. Then isusukat natin sa'yo," sagot niya.
Isa-isa kong tiningnan ang mga gown, may purple, pink, red, yellow, green, blue and white. lahat sila magaganda. Ang hirap mamili.
"Can i try this purple and red gown?" tanong ko.
"Sure iha, here," sabi ni Madam Venus.
Pumunta ako ng wash room at doon ko sinukat ang gown. Tiningnan ko sa salamin ang sarili ko, ang ganda ng purple, bumagay siya sa pendant ng necklace ko. Lumabas ako para para makita nila.
"Wow! Sooo gorgeous, iha, you look so stunning. Bumagay sa'yo ang gown," natutuwang sabi ni Mommy.
"You are right madam, so fetch," sabi ni baklang Venus.
"I like it too, mom," saad ko.
"So, you don't want to try the red one?" tanong niya.
"Hindi na mom, ito na lang," sagot ko.
"Well then, my gorgeous purple gown is solve. Can't wait to fix you tomorrow and have a picture," sabi ni Venus.
"Thank you so much, Venus. Hindi ako nagkamali na ikaw ang kinuha namin," sabi sa kanya ni mommy.
"Thank you so much too, Madam Wallace. This is a big opportunity for me, and it's help me for my business," sabi niya.
Hinubad ko na 'yong gown at nilagay sa isang manikin.
Pagkatapos ng kwentuhan at hapunan ay umuwi na rin si Venus.