CHAPTER 9

2783 Words
Nakahiga na ako sa kama para matulog, tumunog ang phone ko at tiningnan ko iyon, it's Harris. "Hello, did you arrived safe?" bungad ko sa kanya. "Yes, baby, what are you doing?" tanong niya. "Nakahiga na, matutulog na rin. Ikaw din matulog ka na may pasok tayo bukas," sabi ko sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko na kanina para akong nakalutang sa alapaap. "Yes, I will. Goodnight, and i love you," sabi niya. "Goodnight, i love you too," sagot ko. Binaba na niya ang tawag at nakakagat ko ang ibaba kong labi, kinikilig ako at 'di ko mapigilan ang sayang nararamdaman ko. This is crazy, 'di naman ako ganito dati. Ipinikit ko na ang mata ko para makatulog. Kinabukasan, Bumangon na ako at nagtungo sa banyo para maligo. Naalala ko na naman ang kagabi. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Sasabihin ko na ba kay Mom and Dad ang relasyon namin ni Harris? tanong ko bigla. O baka, sa engagement na lang, sabi ng isip ko. Kinuha ko na ang gamit ko at lumabas ng kuwarto. Pababa na ako nang tumunog ang phone ko. "Hello," sagot ko. "Good morning, my soon to be wife," bungad ni Harris sa akin. "Good morning, hihintayin na kita dito sa bahay," sabi ko. "I'm here, outside," sabi niya. Nagulat naman ako at pinatay ko ang tawag, lumabas ako ng bahay at nasa labas nga siya nakasandal sa kotse na parang artista sa kanyang hitsura. He is so handsome and hot, he's wearing uniform na hindi naman niya ginagawa dati at naka sunglasses. "Good morning," matamis na bati ko sa kaniya. "Good morning, my lady, let's go?" sabi niya. "Yes, hmm ang aga mo yata ngayon, 'di pa ako nag-breakfast," sabi ko. "Sabay tayong mag-breakfast, dadaan tayo sa restaurant. This is our first day as a couple so, I want you to have a breakfast with me," aniya na may matamis na ngiti sa mga labi. "Hmm, okay. By the way Harris, sasabihin na ba natin sa kanila ang about sa atin? I mean, to our parents," sabi ko. "I was thinking about that too, maybe sa engagement na lang, sa sabado na rin naman 'yon," sagot niya. Tumingin siya sa akin at dahan-dahan lumapit. 'Di na naman ako nakagalaw, ito na naman ang puso ko nagwawala at 'di mapakali. He gave me smack kiss and forehead kiss. "I love you, you're so beautiful today. Are you inlove?" tanong niya. Hinampas ko siya sa braso. "Aww, what's that for?" reklamo niya. "Nang aasar ka kasi," kunot-noong sabi ko. "I am not, I'm just asking," sabi niya. "Yeah right," sabi ko na lang at tumingin na sa labas ng bintana. Mayamaya pa huminto ang kotse niya sa isang restaurant, malapit lang to sa school namin. "Were here," sabi niya. Bubuksan ko na sana ang pinto pero pinigilan niya ako. Lumabas siya ng kotse at umikot para pagbuksan ako. "Ang gentleman naman, Mr. Harrington," pabiro kong sabi. "Of course, you are my lady and I am your man," nakangiting sabi niya. Inalalayan niya ako paglabas hanggang sa makapasok kami. Nasa baywang ko ang kamay niya at pinaghila niya ako ng upuan. Umupo na rin siya sa tapat ko at um-order na kami ng breakfast. Kasalukuyan na kaming kumakain nang biglang pumasok sa isip ko si Stella. "Kapag nalaman ni Stella ang about sa atin, I'm sure uusok ang ilong n'on," sabi ko kay Harris. "Don't mind her, and don't pay attention to her, dahil mas lalo lang siyang manggugulo. She's a brat, gagawa siya ng paraan para mag-eskandalo," saad niya. "Hmm... Iyon nga eh, iiwasan mo siya pero siya ang lumalapit. I'm not worried for what she's going through. I'm worried for what I might do to her," seryosong sabi ko. "Don't worry, ako na ang bahala, okay? It's already 7:00 am, let's go. Baka ma-late tayo," sabi niya at tumayo na, inabot niya ang kamay niya at tinanggap ko iyon. Nasa school na kami, pinagbuksan niya ako at inalalayang bumaba ng kotse. Habang naglalakad kami papuntang classroom may mga bulungan na naman akong naririnig. May mga nakatingin, may kinikilig. Ano bang nakakakilig sa holding hands at bitbit ng lalaki ang gamit mo? "Hep, hep, hep!" harang ni Megan, magkasama sila ni Trisha at parang galing lang sila sa SSG office. "HHWW kayong dalawa ha, tapos bitbit mo ang gamit ni Zinn. What is the meaning of this? May hindi ba kami alam?" tanong niya. "Oo nga, sana all may ka HHWW at taga bitbit ng gamit," saad naman ni Trisha. "We will tell you this coming Saturday," sabi ni Harris. "Saturday? Anong meron sa saturday?" tanong ni Megan. "You will receive an invitation," sagot niya. "Ayyyy,. May pasabog? Alam niyo kayong dalawa pa mysterious effect kayo, ayaw niyo na lang sabihi," sabi ni Trisha. 'Di na ako nagsalita at nagpatuloy na lang sa paglalakad, nakita ko si Wendy at tinawag ko siya. "Buddsss!" tawag ko. Lumingon naman siya at lumapit sa amin. "Budss, we miss you. Hayss masyadong busy ang sched. namin. Nag-register kami sa sports, tapos si Ella sumali naman siya sa dance crew," sabi niya. "Oo nga eh, malapit na ang school anniversary, good luck. I know you can do it," sabi ko sa kaniya. "Thanks. Ikaw anong pinagkakaabalahan mo," tanong niya. "Hmm, nag iisip sa essay na gagawin ko. Tapos naghahanda sa engagement," bulong ko. "Ahhh, ngayon pa lang congrats na, alam ko mananalo ka, and congrats for the both of you," mahinang usal niya . "Thank you, punta kayo ha, bibigyan ko kayo ng invitation sa friday," sabi ko. "Sure. I'm happy for you buddss, sana maging masaya ang bagong life mo pagkatapos ng gabing 'yan," sabi niya. "Thank you buddss, dito na kami. See you later," paalam ko. "Sige." Pumasok na ako sa classroom namin at naupo sa tabi ni Harris. Hinawakan niya agad ang kamay ko. "Adik ka ba sa kamay ko, Harrington at gustong-gusto mong hawakan?" tanong ko. "Yes, Mrs. Harrington, your hand smells good. At ang sarap hawakan," bulong niya. Nanayo ang balahibo ko at pakiramdam ko namula ang mukha ko. Mayamaya pa dumating na ang teacher namin. Discuss Discuss Discuss "Call your friends, tell them to join us for lunch, my treat," sabi ni Harris. Papunta na kaming cafeteria, dinukot ko naman ang phone ko at tinawagan sila Wendy. "Buddss, sabay na kayo sa amin mag-lunch, Harris treat," sabi ko pagsagot ni Wendy sa tawag ko. "Nakss may pa lunch si Harrington. Sige, sige on the way na kami," sagot niya. "Okay, bye," sabi ko at pinatay na ang tawag. "On the way na sila," sabi ko kay Harris. Pumasok na kami at naghanap ng table na kakasya kaming lahat, tinawagan din ni Harris ang mga kaibigan niya. "What's the occasion, pre? Himala nang libre ang isang Harrington," sabi ni Vincent. "Just sit down, Vince, no occasion. But in Saturday, there is," sabi niya sa mga barkada. "Anong meron sa Saturday? 'Di mo naman birthday 'yon," sabi ni Christoff. "You will receive an invitation in Friday. Make sure that you came," sabi ni Harris. Mayamaya pa dumating na sila Wendy. "Hello," bungad ni Ella. "Hi girls, sit down. Manglilibre daw si Harrington," sabi ni Nathan. "Oo nga daw e, sana all everyday libre," sabi ni Audrey. Um-order na si Harris at hinihintay na lang namin ang pagkain. Habang nagkekwentuhan biglang sumulpot si Stella. "Wow, ang sarap namang manood sa inyo. What's the occasion? Bakit parang may fiesta?" sabi niya. "Stella, have a sit, join us," alok ni Wendy. "No thanks. Si Harris lang ang gusto kong makasabay mag-lunch. Harris would you join me for lunch? Wala kasi akong kasabay e," maarting sabi niya at nakahawak sa braso ni Harris. "Stella, I already ordered our lunch. You can join us," sabi ni Harris sa kaniya. "No, ikaw lang ang gusto kong makasama mag-lunch. Besides, I'm your girlfriend right, so sa akin ka sasaba," pagpumilit niya. "Ayy, assuming," parinig ni Megan . "Stella, there is nothing an us. Stop acting. You are not my girlfriend," sabi ni Harris sa kaniya. Lihim akong napangiti, halos lahat nakatingin sa pwesto namin. May nagbubulungan at nagtawanan, alam kong napahiya siya sa sinabi ni Harris "But, we kiss yesterday, that's the proof," giit niya. "Stella, that kiss is nothing. You did it in purpose, but thanks to you, dahil sa kiss na 'yon, nakuha ko rin ang sagot sa tanong ko," sabi ni Harris. "What do you mean?" tanong niya. "What i mean is, my feelings for you was fading. I don't even feel the same way before. In short, I don't have a feelings for you anymore," sabi ni Harris. "No, that is not true! Naguguluhan ka lang dahil sa babaeng 'yan. Simula no'ng dumating siya dito, simula no'ng makilala mo siya, nakalimutan mo na ako!" singhal niya. "Don't blame her, blame yourself. You cheated and we broke up. Wala na tayo no'ng makilala ko siya. And for your information, Zinn is special to me," sabi ni Harris. "No! This is can't be! You are mine Harris. Mine!" sigaw niya. "He is not yours Stella. Kaya 'wag mong angkinin, bakit kasi 'di mo na lang tanggapin na sinuka ka na ng pinsan ko? Kasalanan mo rin naman kung bakit siya lumayo sa'yo," singit ni Megan. Isang sampal ang binigay niya kay Megan. Lahat kami nagulat, tumayo ako sa inuupuan ko at hinarap si Stella. "Aren't you ashamed Stella? Forcing yourself to someone who doesn't like you? Sadyang makapal na ba talaga ang pagmumukha at gumagawa ka lagi ng eskandalo?" madiing sabi ko sa kaniya. "How dare you, you sl*t! Mang aagaw ka!" sigaw niya at sasabunutan niya sana ako pero napigilan kaagad siya nila Wendy. "Tsk! tsk! tsk! 'Wag na 'wag mong gagawin 'yan girl. Baka pagsisihan mo, can't you see? Mag-isa ka, tatlo kami, kapag sinaktan mo ang kaibigan namin, higit pa sa gagawin mo sa kaniya ang gagawin namin sa'yo, sabi ni Wendy sa kaniya. "Let go of me you b*tch!" sigaw niya. "B*tch pala ha, tara sa labas. Ipapakilala namin ang b*tch side namin," sabi ni Wendy at kinaladkad nila palabas ng cafeteria si Stella. "Harris pigilan natin sila," sabi ko kay Harris. Agad akong sumunod sa labas at pinipigilan sila Wendy sa plano nila. "Wendy, tama na. Let her go. 'Wag niyong sirain ang image niyo dito sa school dahil lang sa babaeng 'yan," sabi ko sa kanila. "E, buddss, tinawag kaming b*tch, 'di naman 'ata patas kung 'di namin siya papatulan," parang batang sabi ni Audrey. Napakamot ako sa ulo ko at huminga ng malalim. "Let her go, wala kayong mapapala sa kaniya. Sige na, 'yong pagkain malamig na," sabi ko at bumalik sa loob. Sumunod naman sila at umupo na. "Grabe, alam niyo, para kaming nanood ng pelikula, wala nga lang popcorn," sabi ni Christoff. "Kumain na tayo, kanina pa ako gutom," sabi ko sa kanila at nagsimula nang kumain. Agad naman silang tumalima, tahimik lang kaming lahat. Pagkatapos naming mag-lunch nagpunta kami sa SSG office. "Couz', check this design, bagay na ba siya sa stage?" tanong ni wendy. Sinimulan na kasi namin ang paggawa ng disenyo para sa school anniversary. "Hmm, wait. Zinn can you check? Okay na siya sa akin, ikaw baka may gusto kang idagdag," sabi ni Harris. Tiningnan ko naman ang design na ginawa ni Megan. "Hmm, add some glitters sis. Bawat side tapos, lakihan natin 'yong lettering para makita ng lahat," sabi ko. "Hmm, tama-tama, para mas attractive siya," sang ayon niya. "I received a message. All classes this afternoon was cancelled. So we can continue to do the design and other stuf," sabi ni Harris. Natuwa naman 'yong iba. Si Ella pumunta muna sa studio para magpractice gano'n din sila Wendy. Hapon na ng matapos kami sa mga ginagawa namin. Palabas na kami ng school. Hinatid ako ni Harris sa bahay at umuwi na rin siya. Nandito na rin sila mommy at daddy. Kinagabihan habang naghahapunan kami... "How's your school anak? Wala na bang nang bully sa'yo?" tanong ni Daddy. 'Di agad ako nakasagot at nagtaka kung bakit alam niya. "I told to your dad about what happen," sabi ni mommy. "Ahm, w-wala na po dad and okay naman 'yong pag-aaral ko. Medyo busy lang kami sa paghahanda sa nalalapit na anibersaryo ng campus," sagot ko. "That's good, malapit na ang engagement niyo. Tomorrow night magsusukat na kayo ng susuutin para sa engagement," sabi ni Daddy. "Speaking of engagement, sa Harrington hotel and resort ang venue. And I already talk my friend for the event. Sila na ang bahala and of course sa kanila na rin tayo mamimili ng isusuot mo anak," sabi naman ni mommy. "Okay mom," sabi ko. "Kumusta naman kayo ni Harris?" tanong ni Daddy. "Okay naman kami Dad. Sabay na kaming pumapasok at umuuwi," sagot ko. "That's good. Kapag nagsama na kayo hindi na kayo mahihirapang dalawa," sabi niya. Tinapos ko ang pagkain ko at nagpaalam na sa kanila para matulog. Naglinis muna ako ng katawan at nahiga na sa kama. Binuksan ko ang laptop ko at naglog in sa sss account ko. Matagal na akong di nakapag upload ng video. Inayos ko ang sarili ko at kinuha ko ang guitara, feel kong kumanta at mag-upload ng video bago matulog. Cover :: Tagu-taguan By: Moira Minsan isang araw Puso'y napasigaw Nahulog sa iyo 'Di ko na matanaw Pangangatwiran ko'y 'Di na mapagkatiwalaan Umasa sa iyo 'Di na mabibitawan Na baka sakali lang 'Di na masasaktan Ngunit pangangatwiran Mo'y 'di mapagkatiwalaan Kaya't pipikit na lang Tagu-taguan, maliwanag ang buwan Masarap magmahal 'pag hindi iniwan Pagbilang mong tatlo Nakatago na ako Ibalik ako sa nakaraan Langit ang natanaw Pangarap ay ikaw Lupa ang nabigay 'Di nakapaghintay Sana nagpatintero At naiwasan ang impiyerno Kaya't pipikit na lang At baka-sakali lang Tagu-taguan, maliwanag ang buwan Masarap magmahal 'pag hindi iniwan Pagbilang mong tatlo Nakatago na ako Ibalik ako sa nakaraan Pagdating sa dulo Ako'y nasaktan mo Sinubukang 'paglaban Sigaw ng puso ko Ngunit ba't pipilitin Ang 'di naman para sa akin? Tagu-taguan, maliwanag ang buwan Masarap magmahal 'pag hindi iniwan Pagbilang mong tatlo Nakatago na ako Ibalik ako sa nakaraan Tagu-taguan, maliwanag ang buwan Masarap magmahal 'pag hindi iniwan Pagbilang mong tatlo Nakatago na ako Ibalik ako sa nakaraan Nu'ng 'di pa naiwan (nu'ng 'di pa naiwan) Nu'ng 'di pa naiwan (nu'ng 'di pa naiwan) Nu'ng 'di mo iniwan (nu'ng 'di mo iniwan) Hmmm Pagkatapos ko sa kanta ay in-upload ko sa sss page ko. "Long time no upload, busy sa school. Hope you like it guys! Goodnight fella's!" Caption ko sa video. Nang ma-upload ko na ang kanta ay nahiga na ako. Hindi tumawag si Harris at hindi rin siya nag-text. I try to dial his number, no answer. Hindi niya sinasagot, baka tulog na 'yon. Marami kaming ginawa kanina baka napagod siya. Ipinikit ko na ang mata ko hanggang sa makatulog. Nagising ako sa ingay ng phone ko. 5:55 am. May tatlong missed calls at 10 messages akong natanggap. Kay Harris lahat iyon, binasa ko isa-isa ang message niya. "Im sorry if i didn't call" "Wife" "i love you so much" "i miss you,, i miss your voice, please answer my call" "MRS.HARRINGTON!" "LOVE!" "OK. I'm sorry,. please call me if you're awake." "I will pick you up," "I'm on my way." "wife...wake up..." Basa ko sa mga messages niya. Napangiti ako at napasimangot. Hindi man lang talaga tumawag kagabi. Pumasok na ako sa banyo at naligo. Friday na pala ngayon. PE uniform ang isusuot namin. Nagbihis na ako at nagsuot ng sapatos. Pagbaba ko wala pa sila mommy at daddy. Lumabas na ako ng bahay at nakita ko ang kotse ni Harris, nakatayo din siya sa doon at no'ng makita ako ay mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "I'm sorry for not calling you last night, nakatulog ako while I'm lying in my bed. I didn't even change my uniform. Umaga na ako nagising and there is a missed call from you," sabi niya sa akin. "It's okay, alam kong napagod ka kahapon. Tara na, libre mo 'ko ng breakfast, 'di ako nag almusal," saad ko sa kaniya. "Sure, ako rin, I didn't eat breakfast," nakangiti niyang sabi. Sumakay na kami ng kotse niya at nagtungo sa restaurant na kinainan namin kahapon. "Daddy said na mamayang gabi magsusukat tayo ng maisusuot para bukas," sabi ko. "Yeah, mom told me that, this morning. Uuwi tayo ng maaga for fitting," sabi niya na nasa daan ang paningin. "Wala namang masyadong gagawin ngayon sa school bukod sa mga sports player, ikaw 'di ba may practice kayo?" tanong ko. "Yeah. 9 am, be there okay," sabi niya. Hinawakan na naman niya ang kamay ko at hinahalik-halikan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD