CHAPTER 18

749 Words
Maaga akong nagising, si Harris mahimbing pa rin ang tulog habang nakayakap sa akin. Napangiti ako habang natitig sa kanya. Ang gwapo niya, maitim at makapal na kilay, mahahabang pilik mata, matangos ang ilong at mapupulang labi. Ngayon ko lang napagmasdan ang mukha niya sa malapitan. Paano ako nahulog sa'yo? Binangga mo lang naman ako at suplado ka pa? Tanong ko sa isip ko. Babangon na sana ako pero humigpit ang yakap niya. "Mamaya ka na bumangon wife," sabi niya na nakapikit pa rin ang mata. "Magluluto ako," sabi ko sa kaniya. "Eat me if you are hungry." sabi niya. Hinampas ko siya sa braso. "Sira-ulo mo Harrington?" Tanong ko sa kaniya. "I love you, good morning," mahinang usal niya. "I love you too, good morning. Bangon na may pasok pa tayo." "Hindi tayo papasok." Sabi niya. "Bakit?" "We are going on date," "Pero..." "Please, aalis ka mamayang gabi. Mag-isa lang ako dito. I will miss you." "Hayss, sige. Matutulog na lang ako ulit." Humiga ako sa tabi niya. Niyakap nama niya ako ng mahigpit. "Mag-iingat ka okay, 'di ko kakayanin kapag may mangyaring masama sa'yo." "Wala ka bang bilib sa akin?" "H'wag kang mayabang, tao ka lang. Masasaktan ka pa rin, so be careful." "Oo na, hmm anong gagawin natin kung hindi tayo papasok? "Baby," nakangiting sagot niya. "Nang-aasar ka o naghahamon?" "Both." Bigla siyang pumatong sa akin at nanlaki ang mata ko. "H-harris, nagbibiro lang ako. Umayos ka." "I'm serious," at bigla niya akong hinalikan. Hindi man lang ako pinagsalita. Napaka agresibo ng mga labi niya. Hindi ko alam pero nadadala ako. Pero mali to, hindi pa ito ang panahon para gawin namin 'to. "You're nervous," sabi niya sa akin nang bitawan niya ang mga labi ko. "U-umalis ka sa ibabaw ko." Utos ko sa kaniya. "No, we will make a baby." Nakangiting sabi niya. "Harris, sisigaw ako." Banta ko sa kaniya. "Go on, mas maganda 'yun nakakagana." Sabi niya. "Tutuhurin ko 'yang bayag mo." Pinanlakihan ko na siya ng mata. "Pffft, hahahaha... " Tawa niya at umalis sa ibabaw ko. "You look pale, hahaha. Hindi ko gagawin sayo 'yon. I respect you my wife. Mag-papakasal muna tayo bago gumawa ng baby." "Tsk, pinakaba mo'ko. Loko ka talaga." "I'm sorry," hinalikan niya ako sa noo at tumayo na siya. Pumasok siya sa cr, ako naman napa-upo sa kama. Kumakabog pa ang puso ko sa kaba. Paglabas niya ay ako naman ang pumasok sa cr, nakaloko ang mga ngiti niya sa akin. Sarap bigwasan. Naghilamos ako at nag-toothbrush, inayos ko din ang buhok ko at lumabas na para magluto. "Wife, coffee please." Utos ni Harris sa akin "Magluluto ako Harris, ikaw na magtimpla." Sabi ko sa kaniya. "You want?" Tanong niya. "What?" "Coffee?" "Sige, ipagtimpla mo na rin ako. Thank you," sabi ko "Sure, coffee o ako?" Tanong niya, may pagka-abno talaga 'to. "Kahit ano na." Sagot ko. "Okay, so what time ka pupunta sa bahay nila Wendy?" Tanong niya. "Mamaya pagkatapos natin mag-date, sabi mo mag-date tayo?" "Didiretso ka na ba?" "Pwedi rin. Kung gusto mo, unuwi ka muna kina Tita." Sabi ko sa kaniya. "Yeah, 'yan din naisip ko." "Here," abot niya sa akin ng kape. "Thanks," humigop ako ng kaunti. Pagkatapos kong magluto hinanda ko ang sa lamesa ang pagkain namin. Nilagyan ko ang plato niya ng kanin at ulam. "Wow, napaka maasikaso naman ng wife ko," sabi niya na nakayakap sa akin sa likod. "Umupo ka na." Sumunod naman siya. Kumakain na kami at tahimik lang. Pagkatapos naming kumain siya na ang naghugas at naligo naman ako. Kasalukuyan akong nagbibihis nang tumunog ang phone ko. "Hello?" Walang sumasagot. "Hello?" Tiningnan ko ang caller at unknown number ang nakalagay, hindi rin siya pamilyar sa akin. Maya-maya lang ay pinatay ito. May nag pop-up na message sa akin. Binuksan ko iyon para basahin. */Be careful we are watching you, tak care of your fiance,/* Basa ko sa message, kinabahan ako bigla, sino ang taong 'to? Paano niya nalaman ang phone number ko? "Wife are you okay?" Tanong ni Harris. "Y-yeah, may iniisio lang. Tara na." Sabi ko sa kaniya. Pinasok ko na sa bag ko ang phone at wallet ko. Nasa labas na kami ng bahay, nagpalinga-linga ako kung may tao ba na kahina-hinala sa paligid. "Zinn? What's going on? Bakit balisa ka?" Tanong ni Harris. "Harris, ahm... dumiretso ka na mamaya sa bahay niyo okay? 'Wag kang bumalik dito na hindi ako nakaka-uwi." Bilin ko sa kaniya. Masama ang kutob ko, parang nangyari na'to dati.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD