HARRIS POV
Nagtataka ako sa mga kilos ni Zinn ngayong umaga. Bago kami umalis balisa na siya at panay lingon. Hindi ko alam kung anong nangyayari, she's acting so weird.
" Zinn, can you tell me what is going on? You're acting so weird right now."
"H'wag kang umuwi ng bahay mamaya, do'n ka dumiretso kila Tita okay?"
"Zinn, hindi ko na maintindihan tell me, what is going on?"
"May nakabantay sa atin," sagot niya.
"What? Who?"
"Hindi ko alam, hindi ko kilala. Basta mag iingat ka, wala ako para ma protektahan ka. And please kung maari 'wag kang humiwalay sa mga kaibigan mo?" sabi niya.
"O-okay, how about you?"
"Don't worry, may mga kasama ako. May isa sa aming apat ang magbabantay sa'yo."
"Pababantayan mo 'ko?"
"Titingin lang, 'wag ka nang pumalag. Bibilisa. namin ang gagawin namin para makabalik kaagad ako."
"Okay, hihintayin kita."
Tumango lang siya, halata sa mukha niya ang takot, pag-alala at nerbyos.
Sino ba kasi ang mga taong 'to?
Nasa mall na kami, bumaba ako at pinagbuksan siya. Pumasok kami sa loob at naghanap ng makakainan.
Pagkatapos naming kumain nag lakad-lakad kami.
"Uwi na tayo?" tanong niya.
"Hindi ka nag enjoy?"
"Nag enjoy pero, sa ganitong sitwasyon na may nakabantay sa atin na hindi natin kilala. Hindi ako mapakali."
"Okay, let's go."
Lumabas na kami ng mall at nagtungo sa parking lot.
Napatingin ako sa di kalayoan dahil sa taong nakita ko na nagtatago sa likod ng poste.
Agad naman siyang umalis at hindi ko na nakita.
"Harris, are you okay?" Tanong ni Zinn sa akin.
"Yeah, I'm okay. Tara na, ihahatid pa kita kila Wendy."
Sabi konsa kaniya at pinagbuksan ko siya ng pinto.
Nasa biyahe na kami, tahimik lang si Zinn. Iniisip ko kung sino 'yong lalaki kanina? Hindi kaya siya ang nakabantay sa amin?
"Harris, pagdating natin doon umuwi ka na agad. H'wag ka nang magpagabi."
"Mga kalaban niyo ba ang nagmamasid sa atin?" tanong ko sa kaniya.
"I don't know, siguro. Pero sino naman?
"Promise me that after this, aalis ka na sa grupo niyo, at sa gang na 'yan."
"I promise."
"Nag aalala ako Zinn, kinakabahan at nababahala. Paano kung may mangyaring masama sa 'yo? Hindi pa tayo kasal pero biyudo na ako."
"H'wag kang mag isip ng ganiyan. Hindi ako mamatay."
"Hindi natin masasabi, tao ka lang. Matatamaan ka ng bala o kung ano-ano ang mga puwedeng gamitin ng kalaban niyo masasaktan ka, matatablan ka. Hindi ka superhero Zinn."
"Harris, promise mag iingat ako. Kung magalusan man ako, siguraduhin kong hindi 'yon malala."
"Dapat lang, ang kinis ng balat mo tapos pagalusan mo lang, never!"
"I love you," biglang sabi niya sa akin.
"I love you too, please ingatan mo ang sarili mo."
"I will, mag iingat ka din sa pag uwi. Tawagan mo 'ko kapag nakarating ka na sa bahay niyo okay?"
"Yes wife, I will miss you."
"Ako din,"
Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya. Niyakap niya ako at bumaba na. Napa buntong hininga ako bago umalis.
ZINN POV
Nasa loob na ako ng bahay, walang tao.
"Na saan sila?"
"Budds," napalingon ako nang tinawag ako ni Wendy. Agad ko siyang nilapitan at niyakap.
"B-budds, kailangan na nating pumunta sa Org. Nandoon na silang lahat, sila Audrey pina una ko na."
"Tara, may sasabihin din ako pero mamaya na lang kapag nando'n na tayo."
"Sige."
Sakay sa kaniya-kaniyang motor namin, pinaharurot namin ito papunta sa Org. kung saan naka burol si Angkong.
Maya-maya lang nakarating na kami. Ang daming sasakyan, nandito lahat ng miyembro.
"Nandito na ang Queen."
Sabi ng guards. Agad naman silang pumwesto at binigyan kami ng daan. Sa kinatatayuan ko, kita ko ang puting coffin. Ang bigat ng mga paa ko bawat hakbang. Nag habulan ang mga luha ko sa pisngi. Nanginginig ang kalamnan ko at dumadagundong ang puso ko. Hindi ako makapaniwalang wala na si Master.
"Budds," tawag sa akin nila Ella at Audrey. Lumapit sila sa akin at niyakap ako.
Tumingin ako sa paligid, nakayuko ang ibang miyembro. Nasa harapan na ako ng Angkong. Nanginginig ang kamay ko na hahawak sa kabaong niya. Napahikbi ako nang makita ko ang parang natutulog niyang itsura.
"A-ngkong! Angkong! Sino ang may gawa nito sa 'yo?"
"Angkong, patawad. Patawad kung hindi ka namin na protektahan."
Nandilim ang paningin ko nang maalala ko kung paano pinatay si Angkong. Pinahid ko ang luha ko at humarap sa kanilang lahat.
" Bakit walang naka alam sa pagkawala ni Angkong!?" Galit kong tanong sa kanilang lahat.
" Bakit hindi niyo man lang siya binantayan!? Kayo ang naka paligid sa kaniya! Peri bakit ni isa walang naka pansin sa pagkawala niya noong gabing 'yon! Bakit!?" sigaw ko. nangingibabaw ang galit ko at gusto kong magwala.
"Patawarin mo kami Queen."
"Black, hindi ito ang oras para magsisihan tayo. Ang kailangan nating gawin ay magkaisa para mahanap ang pumatay kay Master." sabi sa akin ni Bryce.
"Sino ang huling pumasok sa kuwarto niya noong gabing 'yon?"
"Makikita sa cctv na may lalaking nakapasok sa kaniyang kuwarto. Pero hindi na ito lumabas. Noong namatay si Master saka namin na isip na tingnan ang kaniyang kuwarto at may iniwang sulat ang lalaki. At sa tingin namin, sa bintana sila dumaan." sabi nila
"Sulat ? Anong sulat?" Tanong ko.
"Ito," inabot ni Bryce sa akin ang puting papel.
Binuksan ko 'yon at binasa.
"Hanapin mo 'ko kung gusto mong ipaghiganti ang Master. Isa lang ang hinihiling ko sa 'yo, pero hindi mo ito ibinigay. Ngayon, ano ang gagawin mo kung pati buhay ng tanong mahal mo ay nasa panganib? Black Angel!"
"Ashton!?" bulalas ko.
"Si Ash?" Tanong nila.
"Si Ashton ang pumatay kay Angkong!" sigaw ko.
Nagulat silang lahat at hindi makapaniwala.
Paano mo nagawa 'to Ashton!?