HARRIS POV
I'm on my home nang may humarang sa dinadaanan ko. Agad akong nagbreak at napa mura, naka bonnet sila at mata lang ang nakikita ko. Lumakas ang t***k ng puso ko sa takot, sino sila? Sunod-sunod ang paglunok ko nang magsilapitan sila sa kotse ko. Kinatok nila ang bintana ko, nag-aalanganin akong buksan iyon.
"Buksan mo kung ayaw mong sumabog ang ulo mo!" Sabi ng lalaki. Nanginginig ang kamay na dahan-dahang binuksan ang pinto.
"A-anong kailangan niyo? Sino kayo?" Tanong ko sa kanila.
"H'wag ka nang maraming tanong, sumama ka sa amin ng maayos nang hindi ka nasasaktan!" Madiin niyang sabi. Inatake na ako ng niyerbyos. Hindi kaya kasama nila 'yong lalaking nagmamasid sa amin, at 'yong nakita ko sa parking lot?
Hinila nila ako papunta sa kotse nila at pinasok sa loob.
"Piringan ninyo ang mata ng lalaking 'yan." Utos nang driver. Piniringan nila ako at tinali ang kamay ko. Kumakabog ang puso ko sa takot, kaba at pag-aalala. Si Zinn, hawak din kaya nila si Zinn.
"S-sino kayo? Anong kailangan niyo sa akin?"
Tanong ko sa kanila.
"H'wag maraming tanong bata, malalaman mo rin pagdating natin sa pupuntahan natin."
Sagot ng lalaki.
Pinaandar na nila ang kotse at nagbabiyahe na kami, hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. Mabilis ang takbo ng kotse at naka-ilang liko na.
"Zinn" bulong ko sa isip ko.
ZINN POV
Bigla akong kinabahan, bumalik na si Ashton. Akala ko titigilan na niya ako.
"Black, ano ang gagawin natin ngayon?"
Tanong ni Wendy. Kailangan kong tawagan si Harris. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya. Nanginginig ang mga kamay ko at subrang lakas ng kabog ng puso ko.
"Tsk, ayaw niyang sumagot." Singhal ko.
"Tawagan mo ulit."
"Ayaw talaga niyang sumagot, nag-aalala na ako." Naluluhang sabi ko.
"Tatawagan ko si Tita Hannah baka nando'n na siya." Sabi ko.
Agad kong tinawagan si Tita at sinagot niya iyon.
"Hello Zinn iha, napatawag ka? Kumusta na kayo ni Harris? Magkasama ba kayo? Gusto ko siyang maka-usap." Natutop ko ang bibig ko, wala pa si Harris sa kanila. Alas siyete na ng gabi.
"T-tita, h-hindi po kami magkasama ni Harris. Pauwi po siya diyan sa inyo kanina, wala pa po ba siya?" Kinagat ko ang ibabng labi ko para pigilan ang paghikbi ko.
"He is not here iha, pero kung darating na siya tatawagan kita. Nag-away ba kayo?". Tanong niya.
"Hindi po, may pinuntahan kasi ako at pina uwi ko muna siya para hindi siya malungkot sa bahay."
"Gano'n ba, sige I will call you kapag nandito na siya." Sabi niya.
"Sige Tita, salamat po."
Pinatay ko na ang tawag. Hindi na maganda ang takbo ng isip ko.
"Budss relax, uminom ka muna ng tubig." Sabi ni Audrey at inabutan ako ng tubig.
"Tatawagan ko si Christoff baka nando'n si Harris." Sabi ni Ella.
"Sige tawagan mo na." Utos nila.
"Harris" bulong ko. Tumutulo na ang luha ko sa subrang pag-aalala at takot.
"Hello Christoff?" Sabi ni Ella.
"Hi baby girl, na miss mo 'ko?" Tanong nito sa kabilang linya, naka loudspeaker ang phone ni Ella kaya rinig namin ang boses nito.
"Tsk, 'wag ka munang lumandi. Emergency ang kailangan ko at sagutin mo ako ng maayos kundi puputulan kita ng kaligayahan." Sabi niya dito na may pagbabanta.
"Okay, okay. Ano 'yon?"
"Magkasama ba kayo ni Harris?" tanong niya.
"Ha? Bakit ako ang tinatanong mo e ako ba asawa no'n, wala dito si Harris. Sila Vincent lang ang kasama ko nag-arcade kami." Sagot nito. Nanghina ang tuhod ko at napa upo.
"Harris," bulong ko. Nahilamos ko ang palad ko sa mukha. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyari sa kaniya na masama.
"Saan natin hahanapin si Harris?" Tanong nila.
"Zinn tutulungan ka naming hanapin siya. Pero wala tayong alam kung na saan siya." Sabi nila Bryce.
Maya-maya lang ay tumunog ang phone ko. Tiningnan ko 'yon at puro message ang dumating. Binuksan ko para makita. Tigagal at tumigil ang ikot ng mundo ko nang makita ko ang lalaki na nasa picture, si Harris. Nakatali ang mga kamay niya at naka piring ang mga mata. May mga dugo sa damit niya na halatang binugbog siya.
"Harriiisss!" Napasigaw ako.
"Budss," inalalayan ako nila Wendy.
Tumunog ang phone ko at unknown number ang naka rehistro. Sinagot ko ka agad iyon at nilakasan.
"Kumusta Zinn, siguro naman hindi mo pa nakalimutan ang boses ko." Nanggigil ako ng marinig ko ang boses ni Ash sa kabilang linya.
"Ashton! Napaka hayop mo! Bakit mo ginagawa 'to ha!?" Galit na tanong ko sa kaniya. Tumawa lang siya na parang demonyo.
"Zinn, anong akala mo sa akin basta-basta na lang susuko? Ang tanga mo naman, kumusta nga pala, nakikiramay ako sa pagkamatay ng Angkong mo!" Madiin niyang sabi. Nabuhay ang galit ko sa kaniya at nandilim ang paningin ko.
"Napaka hayop mo! Ito ang tatandaan mo Ash, hahanapin kita! Saang sulok ka man ng mundo nagtatago! Sisiguraduhin kong pagsisihan mo lahat ng ginawa mo!" Banta ko sa kaniya.
"Go on, find me. Hihintayin kita, bukas ng gabi. Sa lugar kung saan namatay si Frances." Nanlaki ang mata ko, paano niya nalaman ang lugar na iyon.
" Hintayin mo ang demonyong hinamon mo Ashton!"
Bantang sabi ko sa kaniya. Namatay na ang tawag at nanghina ako.
"Alam ko na kung saan si Harris." Sabi ko. Tumulo na naman ang luha ko at naikuyom ko ang mga kamao ko. Nanggigigil ako at galit na galit, gusto siyang bugbugin hanggang sa malagutan siya ng hininga.
"Sasamahan ka namin." Sabi nila Wendy.
"Kami din, tutulong kami. Para sa hustisya sa pagkamatay ni Angkong." Sabi ng mga kasamahan namin sa Gang.
Humanda ka Ash, paparating na ang delubyo!