Nasa biyahe na kami papuntang tagaytay, ang ingay at ang gulo nila sa likod. Si Harris ang nag drive katabi naman niya ako. Sa likod sila Megan, Trisha at Wendy, sa likod naman nila sila Ella, Audrey at Nathan, yung dalawa nasa dulo. Van nila Harris ang gamit namn na kasya ang sampong tao.
Alas dose na nang dumating kami sa resort, bumili na lang kami ng lutong pagkain at nagtake out.
Nagbabaan kami at kapwa napa wow sa ganda ng resort,.
Pumasok kami sa loob at inayos ang pagkain. ang laki ng bahay. 5 bedroom sa bababa at 5 bedroom sa taas. malaki ang kitchen at dining,. Private nga talaga at para lang sa pamilya ang resort.
" Sis angganda dito, over looking ang veranda dun sa taas , ang fresh ng paligid. " sabi ni Megan.
" Dree arat na mag swimming.. " tawag nila Nathan.
" Ayaw niyo muna kumain.? " tanong ni Wendy.
" Ayy oo nga pala, naakit ako sa tubig ang linaw at linis. " sabi ni Nathan.
" Mamaya na tayo maligo, pahinga muna. tapos magluto tayo for dinner. " suggestion ni Ella.
" Right budss,. may chef naman tayo,. si Wendy and Zinn . " sabi ni Audrey.
" At tutulong kayo, alangan naman kami lang. " sabi ko.
" kayo boys ang mag babarbeque, " sabi ni Wendy
" No problem.. " sagot nila.
Kumain na kami, kwentuhan at tawanan ang bumalot sa loob ng bahay.
" Yung mga gamit niyo ipasok niyo na sa kwarto. Boys dito sa baba ang kwarto niyo,. kami naman sa taas. " sabi ko.
" Walang matutulog, magdamag tayo magkwentuhan. " sabi ni Christoff
" Magsolo ka, , uuwi tayo bukas no, may pasok tayo. " sabi ni Ella.
" Pasok lang walang tayo." sabi ni Christoff.
" Sinabi ko bang meron.?" taas kilay na tanong ni Ella.
" Oo kasasabi mo lang,. TAYO. " sagot niya.
" Yuckk assuming.." sabi ni Ella .
" Yuckk tomboy." asar ni Christoff.
" What did you say..?" napiko na.
" I said ,, tomboy ka. TOMBOY." pag ulit nito.
" The heck,. gusto mong upakan kita, ? nanununtok ako pero di ako tomboy..?" sabi nito.
" Tomboy pa rin , nanununtok ka eh." sabi ni Christoff.
" Sabing di ako tomboy!!.. " sigaw nito at naghabulan ang dalawang bata.
" Hayaan niyo yang dalawang yan,. mga isip bata, bagay sila. " sabi ni Vincent.
" Pikon yan si Ella pag tinawag mong tomboy." sabi ni Wendy.
Nasa kusina kami at busy sa pagluluto, tumulong si Harris sa akin sa paghihiwa ng karne, at mga gulay para sa menudo. Sila Nathan naman nag papasiga para sa barbeque.
" Ang hirap naman magpa apoy,. wag na mag barbeque. " angal ni Vincent.
" Akin na nga yang lighter , di ka marunong ehh." sabi ko. Kumuha ako ng plastic at sinindihan yun.
Maya maya nagka apoy na.
" ohh, ba.'t ang dali lang, ayy nako nagpapatunay na wala kayong alam sa pagluluto." sabi ko.
" Marunong naman, pero di sa oling. " sagot niya.
" wag ka na makipagtalo, mag barbeque na kayo anong oras na ," sabi ko.
" Yes boss " sagot nila.
" Zinn, tikman mo 'tong ulam okay na ba ?" tawag ni Wendy.
Lumapit ako at tinikman yun.
" hmm,, sarap,. okay na yan budds,. Yung sinigang na lang." sabi ko.
Busy kaming lahat at seryoso sa ginagawa. Nag fruit salad kami, inihaw na isda at barbeque na karne ng baboy may kilawin din ma hinaluan namin ng inihaw na karne ng baboy at pipino.
Nag latag kami ng carpet sa gilid ng pool at doon namin nilagay ang pagkain.
Alas siyete na ng gabi kami kumain.
" Sarap ng pagkain,. nakakagutom." sabi ni Christoff.
" kumakain kana lahat , gutom ka parin..?" sabi ni Ella.
Magsisimula na naman sila sa debate.
Silang dalawa lang ang maingay. kami naman seryoso sa pagkain.
" Success,, busog na busog.. " sabi ni Audrey
" Oras na para maligo." sabi ni Nathan .
" Pahinga muna kayo,. " sabi ko.
" Nabusog ka ba..?" tanong ko kay Harris.
" Yupp,, sarap mo pala magluto. Pwedi na." sabi niya.
" Anong pwedi na.,?" tanong ko.
" Pwedi ka nang maging misis." sagot niya.
" Tsss,,. misis agad. magpalit kana ng pang ligo. " sabi ko.
" Ikaw di ka ba maliligo.?" tanong niya.
" Maliligo, magpapalit din kami pagkatapos maglinis. " sabi ko .
" Sige, mauuna na ako " sabi niya at pumasok sa loob.
" Sis, bukas na tayo maglinis, maligo muna tayo. " sabi ni Megan.
" Pwedi din. tara magbihis muna tayo." sabi ko.
" Sige.. "
" Girls, tara magbihis " twag niya sa mga kasama namin.
Umakyat kami sa taas at nagbihis.
nag cycling short lang ako at sando. Kami lang naman dito.
" Tara na, kanina pa ako nanlalagkit. " sabi ni Trisha
Bumaba na kami at dumiretso sa pool. Nag usap kami na sabay kaming tumalon sa tubig na hindi alam ng mga boyss.
" In 1 2 3 " * splaaasshhhhhh*
" Wtf,. " sigaw ni Nathan.
" Ang sarap ng tubiiggggg!!" sigaw ni Audrey.
" ligo na boyss" tawag namin.
sumulong naman sila sa tubig.
Lumapit sa akin si Harris at niyakap ako sa beywang.
" I love you.." bulong niya.
" I love you too." sagot ko.
Hinalikan niya ako sa pisngi at dinala ako sa tabi.
" Thank you.." usal niya.
" Thank you saan.?
" For loving me back."
" You don't have to say thank you, you deserve it. "
" I know.. di lang naman yun,. thank you kasi tinanggap mo ang proposal ko. Now, kampante na ako na akin ka."
" Sino ba ako para tanggihan ang proposal ng isang Harrington. ?.. nagulat ako pero masaya ,, now i know that you are serious and sincere. "
" mukha ba akong sinungaling.?"
" Nope,, akala ko kasi, di ka sigurado sa akin. natatakot ako na baka magkabalikan kayo ni Sofia. "
" Dont worry, that will not going to be happen. "
" I love you so much wife.."
" I love you too,,"
Masaya kaming nagtampisaw sa tubig at naglaro ng Volleyball. Nagsi ahon naman kami at naisipang mag laro ng Truth or Dare.