Pagkatapos akong isayaw ni Harris nagpunta kami sa table ng mga kaibigan namin.
" Kyaaaaahhhhh,, omg,, here comes the couple,," sabi ni Audrey.
" Sis,, congrats,, couz, congrats. " masayang bati ni Megan.
" Congrats tol,, nakss taken na taken kana, bawal ka nang lumandi hahahha,, " kantiyaw ng mga kaibigan niya.
" Mga loko kayo, kailan ba ako lumandi..? " tanong niya.
" Nung nakaraan at kahapon. " sagot nila.
" Tama na yan, baka maging supersayan nato " saway ko.
" Congrats buddss,, masaya kami para sa inyo. Oyy Harris, wag mong saktan to, hmm,, kami talaga bubugbog sayo. " sabi nila Wendy.
" I won't,, I do everything not to hurt her." sagot niya.
" Dapat lang, mas iyakin ka pa naman kesa sa kanya. " sabi ni Megan.
" Matuluyan ka ng bading " dugtong naman nila Nathan. Nagtawanan kami maliban kay Harris na badtrip sa pang aasar ng tropa.
" In fairness ha,, ang ganda mo sis,, para kang prinsesa. " sabi ni Trisha.
" Agreee,, " sagot nila.
" So anong plano niyo, after this,,?" tanong ni Wendy.
" Honeymoon. " sagot ni Harris. Nagulat ako sa sagot niya kaya na hampas ko siya.
" Nice one dree,, ninong kami ha.." sabat ng tatlo.
" Hoyy Harrington,, anong honeymoon pinagsasabi mo diyan.?,, engaged pa lang to di pa kasal. " singhal ko.
" Dun din naman tayo papunta misis ko, so what if unahan na natin diba. " nakangiting sabi niya.
Kinilabutan ako sa sinabi niya at nahampas ko ulit.
" Ahw,, I'm just kidding,. hindi ko naman gagawin yun sayo.." sabi niya, himas himas ang braso na nahampas ko.
" Tseee,, wag kang lumapit sa akin baka gahasain mo 'ko. " sabi ko at pumunta sa likod nila Wendy.
" Hahahaha,, seryoso.. para kayong mga bata, oyy Harris, nag aaral pa kayo, bawal pa gawin ang di dapat gawin. Mag aral muna. " sabi ni Wendy.
" Makinig ka Harris, wag kang loko diyan. Sasabihin ko kila mommy na hindi na tayo titira sa isang bahay . " sabi ko.
" Titira kayo sa isang bahay..? " tanong nila. Tumango lang ako.
" Naksss,, hahaha,, magiging ninong kami ng maaga nito." pang aasar ng tatlo.
" Tama na tama na,, walang mangyayaring ganun. I respect my wife ,. Hindi ko sasamantalahin ang pagkakataon. Isa pa gusto kong ikasak muna kami. Darating din tayo diyan.. " sabi ni Harris.
" Biro lang namin yun dree,, alam namin na di ka ganun. Ikaw pa, labi mo lang naman ang di na virgin. " pang aasar ng tatlo. Nagtawanan na naman kami. Magkatabi na kami kami at magkahawak ang kamay.
" Wife,," bulong niya.
" Hmm." sagot ko, isinandal ko ang ulo ko sa braso niya.
" Sing me a song.. " sabi niya. Tumingin ako sa kanya at nagtagpo ang mata namin.
" What song..? " tanong ko.
" Up to you,, kahit ano basta ikaw ang kumanta." sabi niya. Tumayo ako ..
" Sige,, dito ka lang " sabi ko at nagpunta sa stage,. Hiniram ko ang guitara na nandun at pumunta sa gitna, inayos ko yung stand ng mic at pumwesto.
" Ehemm,, good evening.." sabi ko. Nakatuon ang atensyon sa akin ng lahat.
" Ahm,, i will sing this song dedicated to my fiance,.. "
'Di, 'di ko inakalang
Darating din sa akin
No'ng ako'y nanalangin kay Bathala
Naubusan ng "bakit"
Bakit umalis nang walang sabi?
Bakit 'di s'ya lumaban kahit konti?
Bakit 'di maitama ang tadhana?
At nakita kita sa tagpuan ni Bathala
May kinang sa mata na 'di maintindihan
Tumingin kung saan, sinubukan kong lumisan
At tumigil ang mundo
No'ng ako'y ituro mo
S'ya ang panalangin ko
At hindi, 'di mapaliwanag
Ang nangyari sa akin
Saksi ang lahat ng tala
Sa iyong panalangin
Pa'no nasagot lahat ng "bakit"?
'Di makapaniwala sa nangyari
Pa'no mo naitama ang tadhana?
No'ng nakita kita sa tagpuan ni Bathala
May kinang sa mata na 'di maintindihan
Tumingin kung saan, sinubukan kong lumisan
At tumigil ang mundo
No'ng ako'y ituro mo
At hindi ka lumayo
No'ng ako 'yung sumusuko
At nagbago ang mundo
No'ng ako'y 'pinaglaban mo, oh
At tumigil ang mundo
No'ng ako'y pinili mo
S'ya ang panalangin ko
Pagkatapos kong kumanta bumaba ako ng stage at sinalubong ng yakap ni Harris.
" I love the song but.... I love you most.." sabi niya at hinalikan ako sa noo.
" Thank you,. I love you more.. " sabi ko din sa kanya at pumunta kami sa table nila mommy at daddy kasama nila sila Tito at Tita.
" Hi Mom/Dad,,. Tito and Tita. " bati ko sa kanila at hinalikan ko sila pareho. Niyakap naman ako ni mommy at Tita Hannah.
" Our gorgeous Zinn.. Congratulations.. finally naging official na rin ang relationship niyong dalawa. " sabi ni Tita.
" Thank you po. Harris iho,, how are you?" tanong ni daddy.
" I'm good Tito. Thank you for the support." sabi niya. Nagtaka naman ako, parang may pinag usapan silang di ko alam na nangyayari.
" May hindi ba ako alam..?" tanong ko.
" Nagpaalam si Harris sa amin na magpropose siya sayo. At pumayag kami ng mommy mo, actually,, kinausap niya kami at sinabi niya ang lahat. " sabi ni daddy.
" So yung proposal is hindi part sa engagement., ?" tanong ko.
" No anak, it's Harris decision,, gusto niyang totohanin ang engagement niyo. " sagot ni mommy.
Tumingin ako kay Harris na nakangiti lang,. Ngayon alam ko nang mahal niya ako ng totoo,. He made it real, his proposal is real.
" Minsan nasasabi kong may pagkabading ka.." usal ko. Kumikinang na naman ang mata niya dahil sa luhang nagsisimula nang namuo sa kanyang mata.
" Tsk,, hindi ako bading Zinn. Masaya lang ako, tears of joy ang tawag diyan. Masaya ako kasi, tinanggap mo ang proposal ko,. I can say to all people here that you are mine. " sabi niya.
" Sa iyo naman talaga ako, may nang aagaw ba..? " tanong ko.
" Hmm,, wala pero,, baka may biglang dumating tapos aagawin ka sa akin." sabi niya.
" Ang tanong kung magpapaagaw ako..? " sabi ko.
" Hindi ka magpapa agaw? " tanong niya.
" No,, puwera na lang kung.... " pabitin kong sabi.
" Kung....? " tanong niya.
" Kung sasaktan mo ako ulit. I swear to you, lalayo ako ng kusa at iiwan kita ng walang kahit na anong salita. " seryoso kong sabi. Napatitig siya sa mga mata ko at nakita ko ang takot niya at kaba doon.
" Will you promise me, not to hurt me again..?" usal ko.
" I promise,. I don't want to lose you,. Mahal na mahal kita. " sabi niya.
" I love you too.. " usal ko .
" Zinn anak, bring your friends tomorrow to our resort in tagaytay. It's private pwedi kayo dun. " sabi ni mommy.
" Resort..? Wala naman tayong resort sa tagaytay mom. " sabi ko.
" There is anak, kaya ako pabalik balik sa tagaytay because of it. Bring your friends there, pwedi kayong mag overnight doon. " sabi ni daddy.
" Wow,, I didn't know about this. Thank you Mom/ Dad. " sabi ko.
" It's our gift for both you. Sa inyo ang resort na yun, " sabi ni Daddy. Napanganga ako sa sinabi niya, hindi ko man lang alam. Planadong planado talaga nila ang engagement natu maliban sa proposal.
" I will tell them dad. " sabi ko at tumayo kami ni Harris para puntahan sila. Nabibigatan na ako sa gown ko at nangangalay na sa sandals na suot ko.
" Are you okay. ?" tanong ni Harris.
" Masakit na yung binti ko. Gusto kong magpalit ng damit at sapatos. " sabi ko.
" You want to change, sasamahan kita. " sabi niya.
" Sige, sige,. May dress naman ako na dala. " sabi ko at umakyat muna kami sa taas.
Pagdating ko sa pinto ng kwarto ay kinorner ako ni Harris. Bigla akong kinabahan.
" H-harris, anong ginagawa mo..?" utal kong tanong.
" Kanina pa kita gustong halikan. Marami lang tao kaya nagpipigil ako,. But now that there is only the two of us. I won't stop my self. " sabi niya. Di na ako nakapag salita dahil sakop na ng labi niya ang labi ko. Nagulat ako at unti unti ay napapikit ang mga mata ko. Ninanamnam ang init ng kanyang labi. Dahan dahan siyang gumalaw at tinutugon ko iyon. Kumapit ako sa batok niya at nilabanan ang kanyang mga halik. His kiss is so gentle, bawat galaw niya ay may pag iingat. Humiwalay siya ng halik sa akin at pinaglapat niya ang noo naming dalawa.
" I love you so much Zinn. Mababaliw ako kapag nawala ka sa akin. Hindi ko kakayanin yun. Promise me, you won't leave me. " sabi niya.
" I promise.. mahal na mahal din kita. " sagot ko sa kanya. Sinakop niya ulit ang mga labi ko, agad naman siyang humiwalay.
" Magbihis kana,, hihintayin kita dito. " sabi niya .
Pumasok na ako sa loob at ni lock ko ang pinto,. Mabilis kong hinubad ang gown ko at nagbihis ng white casual dress na hanggang tuhod. Nagsuot din ako ng flat shoes dahil sumasakit na ang binti ko sa high heels. Lumabas na ako ng kwarto at nasa gilid lang si Harris na nakasandal sa pader.
" Let's go..?" sabi ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti.
" Let's go, baka hinahanap na nila tayo. " Sabi niya.
Bumaba na kami at dumiretso sa pwesto ni Megan. Kunti na lang din ang mga bisita.
" Guyss may sasabihin kami sa inyo. " bungad ko.
" Ano yun sis..? " tanong ni Megan.
" Pupunta tayong tagaytay bukas, overnight tayo dun. " sabi ko sa kanila. Napa wow naman sila at hiyaw sa saya.
" Wow,, talaga,, pero may pasok sa lunes.." sabi ni Trisha.
" It's okay,,. we're excuse.. so tomorrow sa bàhay nila Zinn magkita kita, yung Van namin ang gagamitin natin. " sabi ni Harris.
" Nice ,, sige dree,, may kwarto na dun. ?" tanong ni Vincent.
" No worries, we are the owner of the resort and it's private. " sagot ni Harris.
" Wow,, nakss naman, yeeeyyy I'm excited nah,," sabi ni Audrey.
" Prepare your things na kailangan sa resort. Kami na ang bahala sa iba. " sabi ko.
" Sige sige,, ano na girls let's go home. Anong oras aalis. ?" tanong nila.
" 8am,, medyo mahaba ang biyahe natin. " sagot ni Harris.
" Oo nga pala, sige uuwi na kami,. hatid niyo kami Vince. " sabi ni Audrey.
" Sure sabay na kayo sa amin. Pano dree, una na kami, kitakits bukas. " paalam nila.
" Sige, salamat.. " sabi namin at umalis na sila.
Bumalik na kami sa table nila mommy at naghahanda na rin para umuwi.
" We have to go kumare, late na rin. May lakad kami bukas ni Rico. " sabi ni Tita Hannah.
" Mag iingat, uuwi na rin. Maraming salamat. " sabi ni mommy.
" Zinn iha, uuwi na kami, . Harris let's go." paalam ni Tita.
" Umuwi kana,, magkikita naman tayo ulit bukas. Goodnight I love you.." sabi ko. Hinalikan niya ako sa noo.
" I love you too,, good night,, see you tomorrow.." sabi niya at sumunod na kila Tita.
" Byee Tita/Tito.. " paalam ko niyakap nila ako pareho at umalis na.
" Let's go anak,. " sabi ni mommy.
Pumasok na ako sa kotse at pinaandar na ng driver,. Alas dose nang dumating kami sa bahay. Dumiretso na ako sa kwarto ko, nalinis ng katawan at natulog.