Tamara
Maaga akong nagising para makapagluto ng makakain, lalo na't narito pa rin ang mga kaibigan ni Davon. Inutusan ko na lang din ang mga kasambahay na linisin ang kalat ng mga ito sa may pool area.
Hindi ko alam kung dito rin natulog ang babaeng kasama ni Davon kagabi. Muli nakaramdam ako ng kirot sa aking puso.
Abala ako sa pagluluto ng tumunog ang aking cellphone. It was Kairo who's calling me.
"Hello." Bungad ko sa kaniya. Kairo was also my childhood bestfriend dalawa sila ni Solielle na kasama kung lumaki. He is an engineer too, and he is also the CEO of their company. Magka-klase kaming tatlo since kinder to high school. Except noong collage dahil iba ang course na gusto namin ni Solielle ang maging Architect.
"I will just remind you about my party later." Tuwing kaarawan ni Kairo hilig nitong tawagan kami ni Solielle sa ganitong oras para ipaalam ang Birthdya nito, kesyo daw na baka makalimutan namin. Napapairap na lamang ako dahil sa pagiging isip bata nito pagdating sa amin. Parang hindi CEO ang putik.
"How many times do I have to tell you Kairo na never ko makakalimutan ang birthday mo! Kakulit mo talagang unggoy ka." Natatawa ako tuwing sinasabihan ko ito ng unggoy, ayaw na ayaw niyang sinasabihan siya ng unggoy, at natutuwa ako tuwing ginagawa ko iyon dahil mabilis lang itong mapikon na nagiging dahilan ng mabilisang pagpula ng mukha nito.
"You know ang bully mong kaibigan. I hate you!" Sigaw nito sa kabilang linya. Natawa na lamang ako sa naging akto nito, pikon masyado.
"Sige na bye na Birthday boy! I love you!" Hindi ko na inantay pa ang sagot nito bagkus ay pinatayan ko na ito ng tawag at napapailing na lamang sa pagiging abnormal niya.
"Who's that?" Nagulat ako dahil sa nagsalita sa likuran ko, malalim ang boses nito na tila ba nakakakilabot ang paraan ng pagtanong nito.
Doon ko lang din napansin na nasa lamesa na silang lahat, bakas sa mukha ni Davon ang pagkairita samantalang ang mga kaibigan nito ay ngingisi-ngisi lamang.
'Anong meron sa mga to?' pagtatanong ko sa sarili.
"Gutom na ba kayo?" Hindi ko sinagot ang tanong nito bagkus ay agad ko ng inihanda ang niluto ko nagpatulong na din ako sa kasambahay na kasama ko sa pagsasaayos ng pagkain.
"Are you not going to answer my question?" Bakas parin sa kaniya ang pagkairita, ang mga mata nitong walang emosyon ay kababakasan ng kakaibang pakiramdam na hindi ko mawari kung ano iyon.
"A-ah, a friend of mine." Iyon lamang ang naging sagot ko, nakita ko ang pagpikit nito na tila ba nagpipigil ng inis. Pero bakit naman maiinis ang isang to, wala namang pakealam yan sa buhay ko ah.
"Alam mo Tamara, pag ako ang ikakasal ikaw kukunin kung chef. King *na ang sarap talaga ng luto mo kaya gustong gusto ko kumain dito eh." Masayang papuri ni Kenzi sakin.
"Asus, bakit hindi mo na lang sabihin kay Tamara na gusto mong ipagluto ka niya minsan, patay gutom!" Pang aalaska naman ni Zayre sa kaniya.
Samantalang si Jadex ay tahimik lamang sa pagkain nito, sa kanilang lima magkakaibigan tanging si Jadex at Davon lamang ang parang matino sa kanila.
"Tikman mo kaya luto ng asawa mo Davon, ang sarap." Papuri naman ni Khiro na punong puno ang bibig nito.
"Hoy Khiro hayop, pano matitikman ni Davon eh halos ubusin mo na ugok ka!" Sabat naman ni Kenzi sa kaniya.
"I don't eat any food that she cooked because I don't like it, I'll rather have black coffee for my breakfast." Biglang tumahimik ang paligid dahil sa sinabi ni Davon na iyon. Walang nagbalak na magsalita, tahimik lamang silang kumain.
"A-ah, sge kain lang kayo. Manang ikaw na ho bahala dito pag tapos na silang kumain." Hindi ko na narinig ang mga sinabi nila dahil nagmadali na lamang akong umakyat patungo sa kwarto ko.
Nang makarating ako sa aking silid ay nagdagsa ang mga luhang nais kumawala.
Bakit ba ganoon niya ako tratuhin, bakit hindi niya man lang subukan na makisama sa akin ng mabuti kahit isang beses lang. Napakatigas ng pagkatao niya.
Halos sampong minuto akong tumangis bago nagpasya na mag ayos ng sarili para makapasok na ng trabaho.
Pagkababa ko sa sala ay wala na sila roon, malamang ay umalis na din sila.
"Hey." Napatingin ako sa biglang tumawag sa akin. It's Jadex, anong kailangan nito sakin. Akala ko ba ay umalis na sila.
"Jadex, ikaw pala may kailangan ka?" Pagtatanong ko sa kaniya.
"I just can't help it Tamara, why are you still holding on to someone who doesn't love you?" Nabigla ako sa pagtatanong nito, dahil ito lang naman ang unang beses na tatanungin ako nito patungkol samin ni Davon.
Dahil noong mga panahon sinasabihan ako ng mga kaibigan nito ay hindi ko man lang siya narinig na magbigay ng advice sa akin o magtanong. Nabigla ako dahil sa unang pagkakataon ay ngayon lamang siya nagtanong sakin.
"Alam mo Jadex kung ano ang sagot ko dyan, tanging si Davon na lang din ang meron ako. Hanggang ngayon umaasa padin naman ako na balang araw magugustuhan niya ako." Nakatitig lamang ito sa akin na tila ba pilit binabasa kung ano ang tumatakbo sa isip ko.
"Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal." Napapailing na lamang ito dahil sa naging sagot ko. Lumapit ito sa akin at nabigla ako sa ginawa nitong paggulo ng buhok ko.
"You're so brave Tamara, I just want to tell you, if you need a friend. I'll be here." Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa naging turan ni Jadex. Knowing him, minsan ko lamang ito marinig magsalita o kaya naman hindi talaga ito palasalita maliban na lamang siguro pag sila silang magkakaibigan ang magkakasama.
"Gusto mo bang ihatid na kita?" Pagyaya nito sa akin.
"She has her own car, just go home Jadex." Napatingin kami sa may pintuan dahil sa nagsalita mula roon. It was Davon, wearing his usual expression, no emotions. Parang pinaglihi lagi sa sama ng loob.
Ngumiti na lamang ako kay Jadex at saka nagpaalam na mauuna na ako sa kaniya. Hindi ko na lang din tinaponan ng tingin si Davon dahil nakakaramdam padin ako ng sakit sa ginawa niya saakin kanina.
Matapos ang thirty minutes ay nakarating na din ako sa company, magiliw naman akong binati ng mga guards at ibang empleyado.
Kailan kaya ako maipapakilala ni Davon bilang asawa niya? Darating kaya ang oras na iyon?
Pinindot ko ang floor na kung nasaan ang opisina ko. Akmang magsasarado na ang elevator pero may kamay na pumigil roon.
Napatitig ako sa lalakeng pumasok, kakaiba ang kakisigan ng isang to. Itim ang mga buhok nito, napakaganda ng pagkakagawa sa jawline nito. May mahahabang pilik mata at makapal ang kilay nito na mas nakakadagdag sa kagwapohan nito. Kulay abo ang mga mata nito, may matangos na ilong at mapupulang labi. Halos kapareho lng ng tangkad nito si Davon na hanggang balikat lang ako.
"Done checking on me miss." Nabalik ako sa ulirat ng magsalita ito. Bahagya pang nakataas ang isa nitong kilay habang nakangiting tinignan ako. Nahiya naman ako sa ginawa kung pagtitig sa kaniya.
"Sorry, na amaze lang ako." Natutop ko ang bibig dahil sa huli kong nasabi. Hindi ko talaga maiwasan hindi magsabi ng totoo kung totoo naman talaga na na amaze ako sa kagwapohan niya.
"You're cute." Ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko dahil sa sinabi nito. Nahihiya ako dahil sa naging action ko. Wala namang malisya doon pero sadyang na amaze lang ako sa kaniya. Ganoon din naman ang naging reaction ko sa mga kaibigan ni Davon noon.
Nang makarating sa floor na kung nasaan ang opisina ko ay nagmadali na akong lumabas ng elevator dahil nanalaytay padin sakin ang hiya.
"Tamara! Narinig mo na ba iyong balita ngayon lang, may bagong President ng Engineering Department at alam mo ba! Sheyt ang gwapo daw nito!" Maglanding tili ni Solielle, pag pasok ko pa lang sa office ay ito na agad ang bungad niya sa akin. Muli ko naalala na mayroon palang bagong President ang Engineering Department.
Namatay kasi ang dating President ng Engineering Department ng masangkot ito sa isang aksidente. Mabuti naman at nakahanap na sila ng kapalit ng sa ganoon ay mapagaan kahit papaano ang Engineering department.
"May meeting ang mga president at vice president ng bawat department, of course! kasama na ang asawa mong pinaglihi sa kasamaan." turan ni Solielle.
"Hindi ko alam na may meeting, kakasabi lang ba?" pagtatanong ko sa kaniya.
"Yup, para siguro ipakilala ang new president ng ED, and nasagap ko na pinsan ata un ni Davon sa mother side." Tanging tango na lamang ang naging sagot ko ng magtawag na sila para sa meeting na gaganapin. Si Solielle ang VP ko sa AD or Architect Department na labis kung pinagpapasalamat.
"Gwapo raw ung bagong President ng ED!"
"Crush ko na siya kung ganoon."
Kahit sa isang company hindi mawawala ang mga babaeng nagpapatansya sa mga boss nila o kapwa empleyado nila. Natatawa na lamang ako dahil roon.
Nang makapasok kami sa meeting area ay halos andoon na ang lahat. Napatingin ako kay Davon pero deretso lamang ang tingin nito sa isang envelop na hawak niya.
Naupo na lamang kami ni Solielle, napatingin ako sa kanan ko ng biglang may umupo sa bakanteng upuan na katabi ko lamang. Mas nagulat ako ng mapagtanto ko kung sino iyon.
"Hi miss cute." Matamis nitong pagbati sa akin. Siya iyong lalake sa elevator kanina! Gosh, nakakahiya. Ramdam kung nabigla si Solielle ng mahigpit kung hinawakan ang kamay nito sa ilalim ng mesa. Bakas ang kalituhan sa mukha nito habang ako ay kababakasan ng kahihiyan.
"Stop staring at someone and introduce yourself." Napatingin ang lahat nang marinig ang malalim na tila iratadong boses na nagmumula kay Davon. Rinig ko naman ang mahinang pagtawa ng lalakeng katabi ko.
"Chill Cousin, Hey everyone, specially to you miss." Napaangat ako ng tingin ng maramdaman kung tumingin ito sa akin na tila ba ako ang tinatawag na miss, at hindi nga ako nagkamali nakatingin nga ito sa akin.
"I'm Trake Hamzon Vergillo the New president of Engineering Department." Hindi ko maipagkakaila, nakakahawa ang pag ngiti nito dahil tila ba ngumingiti rin ang mga mata nito. Naiingit ako, sana ganyan rin mga mata ko tuwing ngumingiti.
Nang matapos makapagkilala ni Trake, napag-usapan na din namin ang mga projects na kailangan matapos sa linggong ito.
"Ang gwapo ni Sir Trake, grabe beshyyyy. Nakakalaglag ng panty nuh!" Malandi talaga tung si Solielle, at sanay na rin ako sa pang-araw araw na ginagawa nila ito.
"Ang landi mo talaga Solielle!" Sita ko sakaniya habang abala ako sa pag-aayos ng mga gamit ko.
"Pero bakit siya ganoon tumitig sayo hmmmm. I smell something Fishy!" Mapang-asar nito turan sakin. Bago pa mapunta sa kung saan ang mga iniisip ni Solielle ay hinila ko na siya palabas ng opisina para makapaghanda na din kami sa Birthday party ni Kairo.
Hindi na ako umuwi sa bahay, bagkus ay nagderetso na lamang ako sa condo ni Solielle para doon na makapag-ayos ng sarili dahil hassle kung uuwi pa ako.
Nasabihan ko na din naman si manang na huwag na akong antayin ng hapunan dahil di na din naman ako makakain pa sa bahay. Hindi ko na rin naman sinabihan o tinext si Davon since wala naman siyang pakealam.
"Damn Tamara! I always admire your pretty face and sexy body! Sana ganyan din ako kaganda!" puri nito sa akin. I'm wearing a black sleeveless dress, hapit na hapit ito sa katawan ko kung kayat kita ang hubog ng katawan ko. Hindi sa pagmamayabang but I do really have a sexy body, bonus na maputi rin ako hindi ganoong payat hindi rin gaanong kataba.
"Maganda ka din naman ah!" puri ko sa kaniya. Nagmadali na rin kami sa pag-ayos ng aming sarili. Sa bar mismo ni Khiro kami pupunta since magkapatid naman si Khiro at Kairo doon na lang naisipan ni Kairo icelebrate ang birthdya niya. I wonder kung pupunta si Davon, total kaibigan siya ni Khiro baka sa malamang ay nandoon din iyon. Lalo na at Bar iyon kung saan maraming naggagandahan na kababaihan.
Napailing na lang ako sa aking isipin, ano pa nga ba ang bago kay Davon. He always do that. He like hurting me.