Chapter 3

1417 Words
Tamara "Happy Birthday unggoy!" sigaw ni Solielle nang makalapit kami kay Kairo na ngayon ay nakabusangot na. Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa, walang araw na hindi sila nagbabardagulan. I went to Kairo to greet him a happy birthday. "Naks! Walang palya pagbibigay mo ng regalo sakin ah!" Nakangiti nitong saad habang binubuksan ang regalo na binigay ko. Well sa kanilang dalawa ni Solielle, lagi ako nagbibigay ng regalo tuwing birthday nila, naging hobby ko na din naman na gawin yon sa kanila. "Thank you Tams" Napairap ako dahil sa tawag niya sakin, I don't know but I really hate that nickname. Nang maibigay namin ang regalo at greetings sa kaniya ay nagsimula na din ang party. Abala ako sa paglilibot ng aking mga mata ng may makita ako na naging dahilan ng paninikip ng aking dibdib. It was Davon, with someone. Hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin, bagkus ay nilagok ko na lamang ang margarita na nasa harapan ko. Gumuhit sa lalamunan ko ang pait, kinuha ko muli ang isa at agad na nilagok. Tila ba nagkaroon ako ng lakas ng loob na maglasing sa gabing ito. Akmang kukunin ko muli ang isang baso ngunit may pumigil sakin. "Drinking to much is not good" Napatingin ako sa lalakeng umagaw ng iinumin ko sana. "Hi" Nakangiti nito akong binati. It was Trake, I didn't know andito rin siya sa Bar. Well, di na ako magtataka pinsan siya ni Davon. "Mukhang may problema ka ah." muli nitong usal. Napatingin naman ako sa kaniya at iiling iling. "Porket umiinum may problema na agad." Umupo ito sa aking tabi at hinarap ako "Base on your actions and mood hmmm" Napatawa naman ako ng mahina sa sinabi nito. "Halata ba masyado?" tanong ko sa kaniya. "Well yeah. So do you mind sharing?" Balik nitong tanong sakin. "Hmm, We're not close, so why?" Natawa naman ito sa aking naging turan. Sexy niyang tumawa ah. Nagulat ako ng bigla nitong ilapit ang mukha niya sa akin, sa maling galaw ay mahahalikan ko na siya. "Close enough?" Tanong nito sakin, amoy ko ang mabangong hininga nito. Peppermint? I guess. "Aah!" Napatayo ako ng wala sa oras ng may mabasag na kung ano sa tabi. Agad naman nahawakan ni Trake ang bewang ko para maalalayan. Napatingin ako kung saan galing ang nabasag na bagay na iyon. "Nadulas ba sa kamay mo Davon?" Tila mapang-asar pang turan ni Trake sa kaniyang pinsan. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko, kung ang normal na aura ni Davon ay nakakatakot na pano pa kaya ngayon na halos mas lalo itong dumilim. Sa paraan ng pagtitig nila sa isa't isa ay tila ba nagpapatayan na ito. Hindi ko din alam kung bakit naging ganoon na lamang ang reaction nito. "I heard about your relationship with her, so she's your wife." Nakita ko kung paano tila nagpipigil si Davon na suntukin si Trake dahil sa madiin nitong pagkuyom ng kaniyang palad. Pero bakit naman? Wala akong nakikitang dahilan para siya ay makipag-away. Hindi pa din ito nagsasalita, bagkus ay tila kinakalma ang sarili. "Who cares if she is." Napaangat ang aking tingin at saktong nakatingin naman sa akin si Davon. Wala na akong nakikitang reaction sa mukha nito, nanatiling blanko samantalang ang sa akin ay mayroon ng mga namumuong tubig sa gilid ng mga mata. "f**k her if you want, she's nothing to me anyway." Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na sampalin siya dahil sa sinabi nito. Hindi ko na nilingon si Trake ng tawagin ako nito, nagmamadali na lamang akong umalis sa Bar na iyon. Hindi na rin ako nakapag-paalam kay Kairo at Solielle kaya nagtext na lamang ako sa kanila. Agad akong pumasok sa aking kotse ng marating ko ito at doon ay malaya akong pumalahaw ng iyak. Hindi ko akalain na kayang sabihin sakin iyon ni Davon. Why does he always treat me like that. Nag-intay lamang ako ng ilang minuto at pinaandar na ang kotse. Hindi ko alam kung sa mansion ba ako dederetso. Pero wala na akong maisip na puntahan kundi ang paborito kung lugar. Ngunit bago iyon ay namili muna ako ng pangpalit at iba pang mga damit dahil malamig ang lugar na iyon. Takbuhan ko ang Baguio tuwing sobrang bigat na ng nararamdaman ko. Tila ba pinapagaling ako nito sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Halos madaling araw na ng makarating ako roon, napayakap ako sa aking sarili ng humampas ang malamig na simoy ng hangin sa buo kung katawan. Bago tuluyang pumasok sa hotel ay nagpasya akong patayin na muna ang aking cellphone, dahil panigurado ako na kukulitin ako ni Kairo at Solielle. Bago iyon ay tinawagan ko na muna si Lolo Felipe, nagsinungaling ako na may importante akong lalakarin patungkol sa trabaho kung kayat hindi pa ako makakauwi. Nang makapasok sa tutuluyang kwarto, ay agad na rin akong naligo. Abala ako sa pag-ayos ng mga damit na nabili upang ipalaba ng biglang may nag door bell. Nagtataka ako dahil wala naman akong inorder o kaya iniutos. Nagulat ako ng pagbukas ko ng pinto ay ang galit na mukha ni Trake ang bumungad sa akin. "Do you know that driving at night is dangerous, lalo nat mag-isa ka lang at nakainum pa!" Bungad nito sa akin at tuluyan ng pumasok sa loob ng kwarto na tinutuluyan ko. Hindi ko alam kung papaano ako makakapag-react dahil nabibigla ako sa naging akto nito. "T-teka a-anong ginagawa mo rito? Sinundan mo ako?!" Naguguluhan pa rin ako sa naging akto nito. "Look, I just can't stand my cousin right now. What he did is stupid. Sinundan kita kasi nag-aalala ako." Hindi ko alam kung anong dahilan nito na sundan ako. "I'm sorry if I followed you, I have the feeling that I need to make sure na okay ka hindi na sana kita susundan pagkalabas mo ng mall, but f**k hindi ko na maiwasan na sundan ka noong nagchange direction ka!" inis nitong turan. "Teka nga! Hindi kita maintindihan, bakit mo ako sinusundan? At isa pa di tayo close para sundan mo ako or whatsoever, at paano mo rin alam ang daan papunta sa amin?" Naguguluhan kung turan sa kaniya. Lalo na't hindi naman kami ganoon ka-close para pagtuunan niya ako ng pansin. "Of course I know where my cousin's house, and to make sure na nakauwi ka ng maayos ay sinundan kita dahil hindi man lang magawa iyon ng asawa mo." Paliwanag nito sa akin. "And damn! Seriously?! sa ganitong oras ka pa magbyabyahe sa lugar na ito lalo na't madilim sa daan at gabing-gabi na!" Nangangaral nitong tono sa akin. Hindi ko man siya maintindihan kung bakit kailangan niyang mag-alala ng ganito, ngunit nauunawaan ko na nais lamang ako nitong ligtas na makauwi. Muli ay tumulo ang pinipigilan kung luha noong maalala ko na kahit kailan ay hindi ko nakita ang ganitong klase ng pag-aalala kay Davon. "Hey, why are you crying? Are you okay?" Tumingala ako sa kaniya at pinahiran ang mga luhag patuloy sa pag-agos. "Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot dahil may mga tao pa rin na nagpapakita ng halaga sakin na kahit kailan ay hindi ko naransan sa aking asawa." Naalala ko noong mga panahon na nagkakasakit ako, tanging mga katulong lamang ang nag-aalaga sa akin sa bahay tuwing may sakit ako. Ni hindi ako nito magawang kamustahin o kaya naman ay puntahan. Tila para sa kaniya ay hindi ako nabibilang sa mundong kinatatayuan niya. "Shh! Tahan na." Hindi na ako nagpumiglas nang kabigin ako nito palapit sa kaniya upang yakapin. Naramdaman ko ang palad nitong hinahaplos ang aking ulo. Sa ganoong paraan ay mas lalo akong naging emosyonal. Wala na akong pakealam kung sa kaniya ko naibuhos ang mabigat kung nararamdaman, nais ko lang sa sandaling iyon ay ilabas ang bigat na aking pasan. Hindi ko alam kung ilang minuto kami sa ganoong pwesto ng humiwalay ito sa pagkakayakap sa akin. Pinantayan nito ang aking paningin. Inangat nito ng bahagya ang aking mukha upang mapantayan ang tingin nito. Sa paraan ng kaniyang pagtitig sa akin ay tila nababasa ko kung anong emosyon ang nakikita ko sa kaniyang mata. Sadness. "Hindi mo ba talaga ako maalala Tammy." That nickname. Iisang tao lang ang tumatawag sakin niyan. A childhood friend of mine. Bigla ay nanubig ang mga mata ko. I though he was gone. It's been 15 years. "Traky" I was so damn stupid not to notice his name! That's it sounds familiar, how did I forgot him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD