"b***h!" Atwtomatikong bumitaw si Kirsten kay Jolo dahil sa napakalakas na boses na narinig niya. Natakpan niyon ang malakas at maharot na tugtog ng musika sa paligid. Sunod na naramdaman niya ay ang paghila ng isang babae sa kanyang buhok. Hindi niya inaasahan ang malakas na puwersa kaya't napasalampak siya sa sahig. "Inagaw mo na nga si Hunter kay Dorothy, balak mo pang agawin sa'kin si Jolo!" Sigaw ni Chloe habang pilit na inaabot si Kirsten. Hawak-hawak na ito ngayon ni Jolo. Nagkagulo ang paligid. Pinalibutan sila ng mga nagkikiusyosong tao. Naglaho ang maingay na tugtog at napalitan ng ingay ng mga tao. "Chloe! Itigil mo na 'to, you're making no sense." Ani Jolo na mahigpit itong pinipigilan. Ngunit nagnggagalaiti si Chloe kaya't isang galaw niya lang ay nakawala ito sa lalaki. Ag

