Chapter 20 - Gamemaker

2050 Words

Nasa library si Kirsten kasama si mama Emily. Pagkatapos makapagkamustahan ng lahat ay inaya siya nito sa library upang kausapin. Nakapaligid sa center table at dalawang magkaharap na sofa ang apat na naglalakihang shelf. Naglalaman ang mga iyon ng mga librong sa tingin ni Kirsten ay nasa libo-libo ang bilang. Magkatabi sila ng ginang habang hawak nito ang isang photo album kung saan umano nakalagay ang mga larawan ni Hunter magmula noong baby pa lamang ito hanggang sa magbinata. "Sakitin ang batang iyan noong maliit pa lamang. Kaya isang rason iyon upang pagbawalan namin siyang makipaglaro noon sa labas." Anang ginang. Ibinaling niya ang paningin sa larawan. Payat nga si Hunter noon. Walong taon doon sa larawan ang lalaki. Sa kabila ng patpating katawan ay hindi pa rin niya maiwasang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD