Patuloy sa pag-agos ang mga luha ni Kirsten. Kahit na magalit ang mga pinsan ni Hunter o malaman pa ng huli ang buong katotohanan ay wala na siyang pakialam. Dati ay mahina pa ang pananaw niya sa buhay. She was one of those people who was weak and wimp. Namamanipula pa noon ng mga tao ang kanyang mga desisyon at paniniwala. Pero ngayon ay natuto na siya. At dahil iyon sa pag-ibig niya kay Hunter. Pag-ibig na hindi pa niya nararanasan sa kahit na sino. Not even with Phil. Marahil ay hindi talaga pag-ibig ang nadama niya sa kababata. Maybe it was just infatuation or attraction. Maybe after all, her first love was Hunter. Tanging si Hunter lamang ang nagawang pagbuhol-buhulin ang kanyang emosyon. She hated him sometimes and loved him at the same time. Kaya ngayon ay pag-ibig din kay Hunte

