Sa totoo lang ay hindi alam ni Kirsten kung papaano niya muli uumpisahan ang araw na iyon. Nakatulog siya sa kuwarto niya na umiiyak at nagising ding umiiyak. Masakit ang ulo at buong katawan niya ngunit hindi niya iyon ininda. Higit na masakit ang puso niya. Kung paano na siya nakapaligo at nakapagbihis nang umagang iyon ay hindi niya na matandaan. Ang naaalala niya ay ipinarada niya ang sasakyan sa parking lot na katabi ng kanyang boutique. Hindi na siya nag-almusal dahil wala siyang gana. Kahit na anong pilit niyang lunukin ang pagkain ay tila iyon sapal sa kanyang panlasa. Nagtataka ang mga empleyado niya ngunit wala sa mga ito ang kumikibo maliban kay Ella na kinamusta siya. Nginitian niya lamang ito nang hindi umabot sa mata. Kahit wala halos pumasok sa isip niya ay pinilit niyan

