Kirsten's POV Dalawang araw matapos ang tagpong iyon. Dinala ako ni Hunter sa bahay niya. Ipinakilala niya akong asawa at bilang bagong amo ng mga kasambahay. Nagulat sila as usual. Sino ba namang hindi? Pag-alis lang nito at pagbalik may asawa na? Ni walang invitation, church wedding, etcetera. Ganoon pa man ay naging mainit pa rin ang salubong ng mga ito sa akin. "Masayang-masaya po kami at sa wakas nagkaasawa na rin si Sir Hunter." Ani ng dalagang kasambahay na nakilala ko sa pangalang Agnes. "Alam ba ito ng mama mo Hunter?" Seryosong tanong ni Nana Selya kay Hunter. Bagama't mabuti naman ang pagtanggap sa akin ng matandang kasambahay ay pormal pa rin ang pakikitungo nito liban sa mga nakababatang kasambahay. "Hindi pa po Nana Selya. Pero ipapaalam ko sa lalong madaling panahon."

