Chapter 6 : Caught

2457 Words
Kirsten's Point of View Feeling ko ay out of place ako. Paano'y sinolo na ng dalawa ang mundo. I mean Flynn and Mariel. Simula nang sumakay kami sa sasakyan ng binata kanina ay simula na rin ng pagka-out of place ko. Kung ano-ano ang pinag-usapan ng dalawa. Nakikinig lang ako sa dalawa pero 'pag minsan ay nakikitawa rin. Kalalaking tao ni Flynn ay napakadaldal. Kung ano-anong ikinukuwento pero kahit na papaano ay may sense naman at nakakatawa ang iba. Parang lasing na ang dalawa, samantalang ako ay nakakalimang shots pa lang yata. Mapungay na ang mga mata ng dalawa. Mukhang mapapadrive yata ako mamaya. Nang magsayaw ang dalawa sa dancefloor ay wala na akong nagawa kundi sumunod sa mga ito. Maharot ang tugtog kaya naman maharot din ang pagsasayaw ng mga tao roon. Minsan lang ako makaexperience nang gano'n kaya sumabay ako sa galaw ng mga tao. I danced. I laughed. Sa gitna ng mga estranghero doon ay saglit kong nalimutan ang lahat ng mga isipin ko sa buhay. Maingay. Mausok. Magulo. Sapat na ang mga iyon para madala ako at mapasayaw nang hindi ko namamalayan. Ginanahan akong uminom. Uminom ako ng uminom. Hanggang sa malasing ako at hindi na namalayan ang sarili. Nawala na sa paningin ko sina Mariel. O kung nakita ko man ay hindi na ako aware dahil parang dalawa na ang paningin ko. Until, ang napakaingay na paligid ay parang naging tahimik. Kani-kanina lang ay tila nanlalamig ako ngunit ngayon ay parang uminit na ang paligid. Pakiramdam ko kanina ay magulo ngunit bakit parang biglang naging maayos ang galaw ng paligid? Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. But in my blurred mind, there were papers, signpen, and... vows? Was it because I was just drunk? Or was it just a dream? I don't know. Author's Point of View Lasing na si Kirsten. Matapos ng 'kasal' nila ay dinala niya ito sa dancefloor at saka hinapit ang bewang nito. Pagewang-gewang na ito kaya ikinulong niya ito sa kanyang mga bisig. "S-sino ka?" Si Kirsten. Lasing na nga ito dahil nagbe-baby talk na. "I'm Hunter." Bagot na sagot niya. Kailanman ay hindi pa siya nakikipag-usap sa lasing na babae. Oh well, lasing din naman siya. "Why, you have a nice name! Bakit? Ilang baboy-ramo na ang nahuli mo?" Hagikhik nito. Ganito ba talaga ito 'pag nalalasing? "I just found one. Right now." Amused na sagot niya sa tanong nito. Sumimangot ito. Naintindihan yata. Kaya naman mahinang tampal ang ibinigay nito sa kanang pisngi niya. Napatawa ito sa sariling ginawa. Pagkatapos ay nag-iba rin ng ekspresyon ang mukha, parang nag-alala. Hinaplos nito ang kanang pisngi niya. "M-masakit ba?" Tanong nito. "H-hindi hindi." Tinabig niya ang kamay nitong nasa pisngi niya. Wait. Did he just stammer? Damn him. Paano'y nakuryente ang pisngi niya sa malambot na palad ng babae. "Galit ka yata eh." Parang batang anito na hinaplos ulit ang pisngi niya. Hinawakan niya ang pulsuhan ni Kirsten pero sadyang makulit ito. Nang makawala ang kamay nito sa mga kamay niya ay dalawang kamay na ang iniangat nito sa magkabilahang pisngi niya. Natigilan siya. Nakakulong ang mukha niya sa palad ni Kirsten. Hindi niya lubos malaman kung bakit saglit na naghuramentado ang sistema niya. Was it because he's just drunk? Natuon ang mata niya sa mga labi nitong bahagyang nakaawang. Hindi niya inakalang mas maganda pala ang mga iyon sa personal. He longed to caress those lips. And so he did. Ikinulong din niya ang mukha nito sa palad niya. He touched her lips with his thumb finger. They were moist and very soft na tila ba inaanyayahan siyang dampian iyon ng isang halik. Natukso siya. Hindi ganito ang takbo ng plano niya ngunit nang tumingkayad si Kirsten at abutin ang mga labi niya ay mag-iiba na talaga ang takbo ng plano. He tasted sweetness with those fine lips. They were like a flower's nectar. His tounge entered her mouth slowly. Kusang ikinapit nito ang kamay sa kanyang batok. Naging daan iyon para ilapit niya ng husto ang katawan nito sa kanyang katawan. He left the bloody red lips for a while. He kissed her neck. Her moans drove him crazy and little did he knew, it ignited a passionate heat flowing down to his manhood. Hindi na niya macontrol ang sarili. Nasa tapat lang ng music bar ang Hotel na tinuluyan niya at kapag hindi pa niya dinala ang babae doon ay mamatay na siya. Palayo sa mga tao ay umalis sila sa bar na iyon. Pag-akyat pa lamang nila sa suite niya ay mga nagbabagang halik na ang iginawad niya kay Kirsten. Napapaungol siya minsan kapag tinutugon nito ang mga halik niya. Lasing ang babae pero for Pete's sake! Lasing din siya at ang amoy nito ay parang alak na lalong nagpapalasing sa kanya. Mabilis niyang hinubad ang saplot ni Kirsten. He almost sighed nang matambad sa paningin niya ang perpektong hugis ng katawan nito. Her breasts were so proud and firm. Hindi niya mapigilang halikan ang mga iyon. Saglit na inilayo niya ang katawan para mahubad ang kanyang long-sleeves na polo at ang sinturon ng kanyang maong na pantalon. When it was just his manhood that's what's left, he returned to her soft body. Naka-aircondition ang buong silid ngunit dahil sa kanilang mga katawan ay biglang nag-init ang paligid. Pinaghiwalay niya ang hita nito and finally, he entered her body. He's too hot and too carried away by the sweet ecstacy. Suddenly he noticed that blood bursting out from hers. Five years ago ay buntis itong humarap sa kanya. Pero bakit virgin pa ito? Bukas na niya iyon poproblemahin. Dahil ngayon, hahayaan muna niyang malunod ang sarili at matangay kung hanggang saang dako man siya anurin ng nararamdamang kakaibang kasiyahan. Never in his entire life did a woman pleased him like this before. Ofcourse that his women were wild as hell in bed. But this woman underneath him now is like a paradise. They reached their climax. Ibinagsak niya ang katawan sa tabi ng babae. Hinapit niya ito at saka ikinulong sa mga bisig niya. Wala lang, gusto lang niyang maranasan kung anong feeling ng may kayakap sa pagtulog. And he found out, masarap pala. Kirsten's Point Of View Masakit ang buong katawan ko paggising ko. Saglit akong hindi nakagalaw at makalipas nang ilang minuto ay agad akong nagmulat ng mga mata nang maramdaman ang hindi pamilyar na init sa aking katawan. Nanlaki ang mga mata ko. May katawang nakadagan sa akin! This is definitely not Mariel dahil malaki ang pangangatawan ng isang ito. Iginala ko ang paningin ko sa buong silid. Kung hindi ako nagkakamali, isang hotel suite ito but not mine. Agad na bumangon ang kaba sa dibdib ko. Kung gano'n, nasaan ako?! Sinikap kong alalahanin ang mga nangyari kagabi ngunit nafrustrate lang ako nang walang maalala. Ngayon ko pinagsisisihang uminom-inom pa ako. Slowly, unti-unti kong inilayo ang mukha ko para makita ang mukha ng kung sinong nakasiksik sa leeg ko pero hindi ko pa rin makita. Ang mabigat nitong braso ay mahigpit na nakahapit sa bewang ko. Gusto kong panayuan ng balahibo. What have I done? Kung ano-anong mga isipin ang bumangon sa isip ko. Hubad ako. Hubad din ang lalaki. Nananakit ang katawan ko pati na ang—Oh my gosh, I'm not virgin anymore! What if may AIDS ang lalaking ito? What if may asawa na? What if mabuntis ako?! Natilihan ako. Natigilan ako nang magsimulang gumalaw ang nasa tabi ko. Napasinghap ako nang may maramdamang matigas na bagay sa parteng hita ko. Bago pa ako mapatili ay inunahan ako ng lalaki. Napapikit ako. "So, gising ka na pala." Narinig kong sabi nito. His voice is husky and very deep. Napamulat ako ng mata. "Sino ka—" Nanlaki ang mga mata ko! Oh my god, I knew him! Of course I knew this man! Hindi ako makapaniwala. Ang lalaking pinakahuli kong gugustuhing makita at ang lalaking matagal ko nang pinagtataguan ay nasa tabi ko na! Hunter Fontilla, naked, yet arrogantly lying beside me! "H-hunter..." Tanging namutawi sa bibig ko. "Yes sweetheart. Ako nga." Anitong inilapit ng husto ang mukha sa mukha ko. Palagay ko ay papanawan na ako ng hininga. His lips just an inch away from mine. Lumayo ako ng kaunti only to find out na naexpose na pala ang dibdib ko. I hurrily covered it with the blanket pero hindi ko inakalang iisa lang pala ang blanket na nakatakip sa katawan namin. Kaya naman, ang manly thing nito ang naexpose. Napatili ako. Mahigpit kong ipinikit ang mga mata ko. Ito pala ang nararamdaman ko kanina sa may bandang hita ko. At ang lalaki, hindi na nahiya! Hindi man lang natinag at parang wala lang ditong makita ko ang ano nito. "What?" Amusement ang higit kong narinig sa boses niya. "Will you please cover your body?!" Iritado kong sigaw rito. Narinig kong humalakhak ito. I don't know but his chuckle sounds more really good than annoying. "Okay okay. Here." Tumigil ito saglit. Sa tingin ko ay nagbibihis na. Pagmulat ko ng mata ay nakapantalon na ito ngunit hindi man lang nakazipper kaya kita ko ang garter ng briefs nito and still naked from his waist and up. Napalunok ako nang matuon ang pansin ko sa katawan ng lalaki. He stood infront of me like a Greek god. His chest signifies power. Down to his abdomen, there are those three pairs of humps that made my breathing uneasy. And oh! Those tiny hair planted on his chest, down to his hypogastrium, and beneath it... Oh dear! Ano bang nangyayari sa akin? Epekto ba ito ng ininom ko kagabi? "So, how's it? Pumasa ba?" Nakangisi nitong tanong. Napakunot ako ng noo. "H-ha?" "My body. Pumasa ba sa standards mo?" Amusement was all over his face. Ako naman ay agad na pinamulaanan ng mukha. Sa halip na lamunin ako nang tuluyan ng hiya ay pilit kong pinalitan ng galit ang nararamdaman ko. "Bakit ako nandito? Lasing ako kagabi. Pinagsamantalahan mo ako." Galit kong pag-aakusa rito. Hindi man lang ito natinag dahil hindi pa rin maalis ang ngisi sa mukha nito. "I don't think your words fit for what happened last night sweetheart. We were both drunk and hot as hell." "Damn you! Alam kong pinlano mo lahat nang ito!" Nanggagalaiti kong sigaw. "Sige, aaminin ko. Pinlano ko ang pagtatagpo nating dalawa. Pero hindi sa paraang ito. You teased me last night. You were drunk and naughty. I was drunk too at lalaki ako." "Walanghiya ka—" "Woah! Hindi ba't ako dapat ang nagagalit ngayon sweetheart? Remember, sinira mo ang kasal ko. Nasira ang pangarap kong magkapamilya. All of those happened because of you!" Ngayon, napalitan ng takot ang galit na kanina ay nararamdaman ko. His dark eyes were exuding flame. Paano kung saktan ako nito? Hindi iyon imposible dahil kami lang sa kuwartong ito. Magagawa nito ang kahit na anumang gustuhin nitong gawin sa akin. Hindi ko kilala ang lalaking ito kaya sapat na iyong dahilan upang pag-isipan ko ito ng masama. "Look at you. You're like a fragile glass now samantalang kanina ay para kang tigre." Hindi pa rin ako makapagsalita. Hindi dahil sa takot ko kundi wala akong masabi. "Five years ago, sinira mo ang kasal ko. You pretended as my mistress and as the mother of my child. Nabuntis kita? Eh sa pagkakaalam ko, noon lang kita nakita. At kagabi lang, nalaman kong I was your first. Will you explain to me all these shits?!" Tumaas ang boses niya. Pati ang himig ng boses niya ay parang nag-aapoy sa galit. Napayuko na lang ako. May namumuo na ring luha sa mga mata ko. All of a sudden, I felt like my life was shattered like a glass. Hindi ba't hindi dapat ako ang sumasalo sa lahat nang ito? Hindi ba't sina Phil dapat? Sina Phil na ngayon ay payapa at masaya na. Samantalang ako, heto at pinagbabayaran lahat ng bunga ng pagpapanggap na ginawa ko, years ago. Ayoko man ay naaawa ako sa sarili ko. "Ano na?!" Napapitlag ako. Sigaw na iyon at halos lumabas na ang mga ugat nito sa leeg dahil sa galit. Ang mukha nito ay pulang-pula na. Nang wala akong masabi ay nagpipigil ng timping tumalikod ito at napasabunot sa sariling buhok at tila mawawalan na nang pasensya. "I know. Hindi lang ikaw ang nasa likod nito. Sa oras na malaman ko kung sino ang kasabwat mo, pagbabayarin ko siya." Kahit na bumaba ang boses nito ay naroon pa rin ang intensity. Naalala ko sina Phil at ang anak nila ni Bianca. Paano kung pati ang bata ay madamay? Hindi ako papayag. Mas mabuting ako na lang ang parusahan ng lalaking ito. Sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para magsalita. "Wala akong kasabwat." Sinikap kong patatagin ang boses ko. Mula sa pagkakatalikod ay humarap ito. Naniningkit a mga mata. "Come again?" "W-wala akong kasabwat. Ako lang ang—" "Bakit? Kung talagang wala kang kasabwat, bakit mo ginawa iyon?" "D-dahil..." Pilit akong naghagilap sa isip ko ng pwede kong sabihin. Hanggang sa isang ideya ang pumasok sa isip ko, na sa tingin ko ay ito na lang ang tanging option ko. "Dahil?" Nawawalang pasensyang pag-uulit nito sa sinabi ko. "D-dahil m-minahal kita..." Jeez! Damn myself for lying. Sana ay lamunin na ako ng matress ng kamang ito! At sana lang ay bumenta ang kasinungalingang iyon dito. Napapikit ako. Wala itong isinagot kundi ang nang-iinsultong halakhak. "H-hunter m-minahal kita. Minahal kita ng lihim. Believe me. Nasanay na akong nasa malayo lang at nakatingin sa iyo. Hindi mo man napapansin kasi si Bianca ang mahal mo. Kaya ko lang naman nagawa 'yon dahil nasasaktan ako na may papakasalan kang ibang babae." Pagsisinungaling ko. Half truth naman ang sinabi ko dahil si Phil ang nasa isip ko nang sabihin ko iyon. "Congratulations then. Nakuha mo na ang gusto mo. Dahil kasal na tayo." Nakangisi nitong sinabi. Nanlaki ang mga matang napatingin ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala. Ako? Kasal na? At sa lalaking ito? No way! "W-what? Anong sinabi mo?" "Kasal na tayo. Kagabi. Sa bar. Bakit parang ayaw mo? Eh 'di ba nga sabi mo lang ngayon mahal mo ako?" Nang-iinsulto ang tono ng boses niya. Lumaylay ang balikat ko. Oh dear! Wala na akong kawala. Talagang parusa ang gagawin sa akin ng lalaking ito. "But don't expect me to perform my obligation to you as your husband. Dahil iba ang gusto kong gawin sa'yo. Expect everyday of your life to be worst as hell with me. Sisiguraduhin kong mararanasan mo ang lahat ng sakit gaya nang naranasan ko nang iwan ako ng babaeng mahal ko." Mariing aniya at saka lumabas ng kuwarto. Naiwan akong nakatanga at nakatitig sa pintuang nilabasan ni Hunter. Oh God. Please help me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD