Author's POV
Hunter Fontanilla. The man of every woman's dream. One of the country's most succesful young businessmen. Nasa kanya na ang lahat. Wealth, atrractive personality, women—but not family. Sa kanyang pagkakaalala, ninakaw ng isang babae ang sana ay pagkakataong magkaroon siya ng isang pamilya.
Mula sa pagkakasandal sa swivel chair ng kanyang opisina ay napatuwid siya ng pagkakaupo. Muli ay napatiim-bagang siya. Naalala niya pa ang huling pagkikita nila ng babaeng iyon noong araw mismo ng kasal niya. He can't help himself but to curse the woman in his mind. Ninakaw nito ang pangarap niyang magka pamilya. Five years na ang ninakaw nitong panahon. Kung sana ay nalaman niya lang na matatakasan siya ng babaeng iyon noon, di sana ay sinakal na niya ito.
Naagaw ng pansin niya ang kapapasok lang sa glass door ng kanyang opisina. Napakunot noo siya. It was Flynn, ang kaibigan niyang secret agent. Dalawa lang ang maaari nitong rason sa pagpunta. Una, dahil sa personal na rason. Pangalawa, may impormasyon na ito tungkol sa babaeng ipinapahanap niya. Kung sakali mang iyong pangalawa ang rason nito, hinding-hindi na niya papalagpasin ang pagkakataong paghigantian ang babaeng iyon. Matitikman nito ang hinahanap nitong gulo. Nagkamali ito ng binagga. Not him. Not Hunter Fontanilla.
"What's with that face?" Amused na sinuri siya ng tingin ni Flynn. "Don't tell me, ayaw mo akong makita? Sayang. May 'magandang balita' pa naman ako."
Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha nang marinig niyang banggitin nito ang 'magandang balita'. He could sense it. Malapit na ring magtagpo ang landas nila ng babaeng iyon. At last.
"Come on. Don't kill me with your suspense. Tell me, what is it?"
"Agad-agad? 'Di mo man lang ba ako papaupuin?" Kwelang biro nito. Flynn was the joker-type, while he, the serious and reserved type. Kaya naman, nawawalang pasensiyang inilahad niya ang kamay sa direksiyon ng leather chair na nasa harap niya.
"So?" Inip na sabi niya makaraang hindi pa rin ito gumagalaw sa kinakaupuan.
"You know what? Masyado kang seryoso. Kaya tumatanda kang binata eh. Mamaya, mamatay kang hindi man lang nakakapagtampisaw sa ulan."
Napatigil siya sa sinabi ng kaibigan. What he said was a bit of a fact. Malungkot ang childhood niya. Lumaki siya sa bahay na pinamumunuan ng istriktong heneral at perfectionist na guro. His father was a general. Namatay ito nang magkaroon ng komplikasyon sa baga ten years ago. Ang kanyang mama naman ay isang principal sa paaralang pinag-aralan niya noong nasa elementarya pa lamang siya.
Having those kind of parents was never an easy one. Lumaki siyang hindi man lang nakapaglaro ng larong kalye, nakakain ng pagkaing-kalye, at hindi rin niya naranasang magkaroon ng kalaro. Mag-isang anak lang siya. Hindi naman siya makalabas ng bahay noong kabataan niya dahil naroon lang siyang nakakulong at kaharap ang mga nagkakapalang mga libro. Kahit ayaw niya, sinunod niya ang gusto ng mga magulang.
Palaging siya ang top sa klase at kapag bumagsak man siya ng kahit isang puntos sa kanyang grado o magkamali ng isang puntos sa mga exam o quiz ay katakot-takot na sermon ang aabutin niya sa mga magulang and worse, sinturon ng ama ang magiging kalaban niya. Kaya siguro ganito siyang lumaki. Napakasersyoso niya sa lahat ng pagkakataon at parang wala nang oras sa mga bagay na walang kinalaman sa pera.
Pero noong maging ganap siyang businessman, there was this woman who turned his world upside down. Bianca, the woman who made his life colorful. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon, he never thinked twice. Palugi noon ang kompanya ng pamilya ng babae at nangangailangan ng investor sa katauhan niya. Kapalit ng ginawa niya, ay ang kamay ng babaeng mahal niya. Matutupad na rin sana sa wakas ang pangarap niya ngunit hinadlangan ito ng kung sinumang babaeng nagpanggap na babae niya. Muli ay nag-igting ang mga panga niya.
"Ano na?" Pagkaraan ng ilang sandali ay untag niya sa kaibigan.
"Tsk tsk tsk." Napapailing na inilabas nito sa attache case nito ang isang envelope. "Pero infairness a, maganda yong babae. At sexy."
"Tch. Lahat naman maganda sa'yo eh." Pag-ismid siya sa sinabi ng kaibigan. Natawa ito sa sinabi niya.
"Totoo pare. Ito oh, tignan mo." Iniabot nito sa kanya ang isang litrato. Napailing na lang siya nang nakita niyang nakangisi itong inaabangan ang magiging reaksiyon niya.
Ibinaling niya sa litrato ang paningin. Candid shot ito of course. Ang setting ng kuha ay pababa ito ng sasakyan. He looked for the other photograph. Marami ang photograph at hindi lang iilan. Ang sumunod na shot ay close up. Kitang kita niya ang magandang mukha ng babae. Hindi nakitingin sa camera ang babae dahil nga candid shot iyon pero makikita pa rin sa mga mata nito ang innocence at ang tila nakatagong misteryo sa mga ito. The smile was attractive, showing the magnificent white teeth and the sweetness beneath those red lips. Napabuntong-hininga siya. Bakit hindi niya napansin ang mga bagay na iyon five years ago? Napasingkit ang mga mata niya. Parang kakaibang paghihiganti na yata ang gusto niyang gawin sa babae. A playful smile appered in his lips.
"Woah! What's with that smile? Don't tell me, you've fallen in love with that photograph in just a short period of time?" Kantiyaw ng kaibigan na siyang nagpapawi sa ngiting iyon.
"Shut up. Now, the information?" Pag-iiba niya ng usapan. Napapailing na naglabas nito ang isang information sheet sa envelope.
"Kirsten Seth Marquez. Fashion designer. She left Paris one year ago after finishing her studies. Pagbalik niya, pinamahalaan niya ang boutique na naiwan ni Carnacion Del Fleur—"
"You mean Naci?" May halong gulat na sabi niya. Ang tinutukoy niya ay ang nagdesign ng wedding gown ni Bianca three years ago.
"Mismo."
"But why? I-I mean how?" Naguguluhan niyang tanong.
"Naci died at ipinamana niya diyan kay Kirsten ang boutique."
"What?! Bakit, kaano-ano ba ni Naci yang babaeng yan?"
"Base sa aking investigation, naging magkaibigan ang dalawa dahil naging instructor ni Kirsten si Naci sa Paris."
Napatango na lang siya sa sinabi ng kaibigan. Napaisip siya. Hindi siya nakuntento sa sinabi ni Flynn. There might be a hidden relationship between Naci and that woman. Si Naci ang nagdesign ng wedding gown ni Bianca. More or less, alam ni Naci ang information sa kasal nila ni Bianca. On the other hand, Kirsten, siya ang sumira sa kasal niya. At ayon sa napag-alaman niya ngayon, magkaibigan ang dalawa. So ano bang malay niya kung magkakutsaba ang dalawa? Patay na si Naci. Pero wala siyang pakialam. Kung ano man ang lihim ng dalawa, gagawin niya ang lahat malaman lang kung ano iyon. At hindi siya si Hunter Fontanilla para manahimik na lang. He will make them pay. Vengeance. He smiled at the thought.
Nag-usap pa sila ni Flynn ng ilang sandali.
"And wait..." Napaangat ang ulo niya kay Flynn. "May anniversary party ang Alfonte Textile Company na gaganapin sa Tagaytay. And guess what? Nasa guest lists si Kirsten. Ang kompanyang iyon ang nagsusupply ng mga tela sa botique ni Kirsten. And this is the good news, kaibigan ko ang president ng kompanya."
Napangiti siya. Tinawagan niya ang secretary at ipina-cancel ang lahat ng appointment niya sa araw na iyon. May mahalaga siyang gagawin. Humanda na ang dapat singilin.
Kirsten's Point Of View
"Mr. Vicente." Nakangiting sabi ko sa lalaking nasa late fifties na nasa harapan ko. Paupo ako sa inuupuan namin ni Mariel nang harangin ako nito. Ito ang president ng kompanyang pinagkukunan ko ng mga tela para sa botique. Dating kaibigan ni tita Naci at dati rin nitong pinagkukunan ng mga tela.
"Kirsten. You're stunningly beautiful tonight." Anitong sinuyod ang kabuoan ko ng tingin. Anniversary party ng Alfonte Textile Company ngayong gabi at sa kauna-unahang pagkakataon, ako ang um-attend para sa botique sa halip na si Tita Naci.
"Thanks for the compliment Mr. Vicente." Nakangiti pa ring ganti ko sa papuri niya.
Narinig ko ang pagtikhim ng isang lalaki sa tabi ni Mr. Vicente. Saka ko lang nalamang may kasama pala ito. Akala ko ay nag-iisa lamang ito. Binalingan ko ng tingin ang lalaki at pagkatapos ay si Mr. Vicente.
"I would like you to meet Flynn Pavico. He's my friend at kanina pa siya tanong nang tanong tungkol sa'yo." Si Mr. Vicente.
"Nice to meet you gorgeous lady." Nakakahawa ang ngiting nakapaskil sa mukha ng ayon kay Mr. Vicente ay Flynn ang pangalan.
"It's nice to meet you too Flynn." Buong tamis ang ngiting sabi ko sa kanya.
"O pano ba 'yan, maiwan ko muna kayo at kailangan kong i-intertain ang iba pang guests." Pagpapaalam ni Mr. Vicente.
"See you around." Habol ni Flynn dito. Nang makalayo si Mr. Vicente ay saka siya hinarap ng lalaki. "Where's your table?"
Itinuro ko ang table namin ni Mariel. May kausap din itong babae na sa pagkakatanda ko ay emplayado ng kompanya.
"Would you mind kung dumito ka muna sa table ko? Mag-isa lang kasi ako at kailangan ko ng makakausap. Alam mo naman, puro matatanda ang nasa paligid." Biro nito na ikinatawa ko. Sa tingin ko, makakasundo ko siya kaya wala akong dahilan para tumanggi pa.
"So are you working for Alfonte's? Or..." Anito makaraang makaupo kami pareho. Gentleman ito dahil inalalayan ako nitong makaupo. O kaya nama'y natural na iyon sa mga lalaki? I don't know.
"No. Sila ang nagsusupply ng mga telang ginagamit ko sa botique."
"Oh, so you own a botique huh?" Amused na sabi nito.
"Actually, pamana lang sa akin ang botique."
Doon nagsimula ang sa palagay ko'y talambuhay na kuwentuhan. Masaya itong kakuwentuhan. Palagi na ay may dala itong kuwento kaya naman hindi ito nawawalan ng bala. Madalas ay tumatawa ako sa mga ikinukwento niya. Kagaya na lamang ng isang karanasan nito sa Palawan.
Minsan daw ay nasa isang bakasyon ito somewhere in Palawan. Kasama nito ang girlfriend at nagdate daw sa isang retaurant. Feel na feel na raw nila ang ambiance, music ng violin at mga pagkain nang ibigay na ng waiter ang bill. But unfortunately, naiwan nito ang wallet sa hotel na tinutuluyan. Akala raw nito, sa mga pelikula lang nito napapanood ang mga ganoong eksena na pagkatapos ay paghuhugasin siya ng plato. Iniwan daw siya ng girlfriend dahil sa kahihiyan. Nang makita raw nito ang relos sa pulsuhan upang sana ay ipambayad na lang ay huli na ang lahat. Nahugasan na niyang lahat ang ga-bundok na mga pinggan.
Wala kaming ginawa sa buong magdamag kundi magkuwentuhan lang. Nakuntento na kami sa champagne tutal naman ay hindi iyon nakalalasing. May kung ilang beses din akong isinayaw ng lalaki. Palabiro ito kaya sa halip na mailang ako sa higpit ng pagkakahawak nito sa bewang ko ay naging kumportable ako. Hanggang sa huli, napagtanto kong nakapalagayang loob ko na si Flynn. Kaya naman, wala nang rason pa para tumanggi nang ayain ako nito bukas ng gabi upang magmusic bar na malapit sa Hotel na tinutuluyan namin ni Mariel. Yayayain ko rin si Mariel tutal naman ay isang linggo ang pinlano namin para magbakasyon.
Kinabukasan ay namasyal kami ni Mariel. Nagmalling kami para mamili ng maisusuot mamaya. Sa tingin ko kasi ay wala akong dalang damit na akma para sa music bar. You know me, I have a fashion sense kaya naman sagot ko si Mariel para sa pagpili ng damit at iba pang accesories. Madali rin akong nakapili ng akin.
Pagsapit ng gabi ay sinundo kami ni Flynn. Kapansin-pansin ang kakaibang tinging iniuukol ni Flynn kay Mariel. Kagabi ay hindi ko na naipakilala ang lalaki kay Mariel dahil may tumawag ditong kaibigan sa cellphone at may emergency raw. Napangiti ako. Mukhang may may maghuhugas na naman ng pinggan sa restaurant sa mga susunod na araw.