Chapter 4: Welcome Back

1998 Words
Kirsten's POV 5 years Later Mataas na ang sikat ng araw. Alas nueve na ng umaga, araw ng Lunes. Napahinga ako ng malalim. Kahit isang oras pa lamang na nabuksan ang boutique ay medyo marami nang mga costumers ang nagsidatingan. Pati ang assistant kong si Mariel ay halos wala ring pahinga sa pag-aassist sa mga costumers na nagsisidatingan. SilverLine. Dating Carnation's Botique na pag-aari ng yumaong si Carnacion Del Fleur pero ngayon ay pag-aari ko na. Five years ago, sa Paris, nakilala ko ang middle-aged na babaeng beterano sa mundo ng fashion and designing. Tita Naci taught me everything about fashion. Palibhasa ay hilig ko ang designing at may kinalaman din ito sa kinukuha kong course nang mga panahong iyon kaya madali kong natutunan ang mga bagay na dapat matutunan. Tita Naci and I became so close that during that time of loneliness and longing for a family, the old woman became my shoulder to cry on. Nagkaroon naman ng mutual relationship dahil itinuring niya rin akong anak. Biyuda kasi ito at isa pa, hindi biniyayaan ng kakayahang magkaanak. Kaya naman nagulat ako nang sobra nang malaman kong sa akin niya ipinamana ang boutique nang mamatay ito last year. Tinapos ko ang pag-aaral sa Paris nang taon ding iyon at makalipas ng isang buwan ay lumipad ako pabalik dito sa Pilipinas. Naging busy ako sa mga sumunod na buwan. Wala pa akong masyadong alam sa business na iyon ni Tita Naci kaya nangapa pa ako ng ilang buwan bago ko iyon nakabisado. Hindi naman ako superhuman kaya kumuha ako ng assistant. Naagaw ng bagong dating na costumer ang atensyon ko. May kasunod itong yaya dala-dala ang sa tingin ko ay two-year old na batang lalaki. Hindi ko masyadong napansin ang babae dahil natuon ang pansin ko sa batang lalaki. Napangiti ako dahil mukha itong bibo. Until such moment, someone's face blinked in my mind. Si Phil! Kamukha ng bata si Ice! Napasinghap ako. Hindi kaya... Nilinga ko ang sa tingin ko ay ina ng bata para mapasinghap muli nang mahagilap ng pangin ko ang mukha ni Bianca. Parang nasense din nito ang pagtitig ko rito kaya napatingin din siya sa akin. Ngayon, dalawa na kaming napasinghap. "Kirsten!?" Nanlaki ang mga mata niya. "Oh it's you!" Lumapit sa akin si Bianca. Ang gulat kanina sa mukha nito ay napalitan ng kasiyahan. "Still as stunning as before!" Salubong ko sa kanya na ang kasiglahan sa boses ko ay hindi maitago. Napatawa siya sa sinabi ko. "Oh thank you. Hindi ka pa rin nagbabago." Nakatawang irap nito. "That cute little boy?" Baling ko sa batang buhat ng yaya. "Oh I forgot. This is Jack, my son. Anak namin ni Phil." Nakangiting pakilala ni Bianca. "So, kamusta na?" Matapos kong halikan sa pisngi si Jack ay saka ko binalingan si Bianca. Nagpakawala ako ng hangin. "Afterall those times na akala ko katapusan ko na, luckily, I survived." Napatingin ako sa kawalan atsaka ngumiti. "Nakilala ko si Tita Naci, dating may ari ng botique na ito. We became family but unfortunately she died about a year ago. Sa akin niya ipinagkatiwala ang botique." "Oh." Tanging nasabi ni Bianca. "Kayo? Si Phil at miss Amelia? Kamusta na? Simula nang maging busy ako sa pag-aaral sa Paris bihira na ang commumication ko sa mag-ina hanggang sa tuluyan nang nawala. Nahiya na rin kasi ako at isa pa, gusto ko ring makalimutan yung kahihiyang inabot ko sa kasal mo." Napangiwi ako. Si Bianca naman ay apologetic ang ngiti. "Although nasabi ko na sa iyo ng ilang beses, uulit ulitin kong sasabihin. I'm so sorry. Sorry for all the pain we've brought to you. Selfishness mang maituturing but still, I'll thank you for what you did. Utang ko sa yo ang lahat. Kung hindi dahil sa'yo, naipakasal na ako sa taong hindi ko mahal." "Bianca, may utang din ako kay Phil. Kina miss Amelia. They bacame a family to me when mama died. Pinag-aaral nila ako at pinatira ng libre kaya naman naisip ko, it was the time to pay for their kindness. Nga lang, hindi ko inakalang ganon kasakit ang lahat. Mapapalayo ako sa mga itinuturing ko nang pamilya at syempre naaawa rin ako sa sarili ko dahil nakaramdam ako ng pag-iisa sa mga panahong iyon." Naramdaman ko ang mainit na yakap ni Bianca. Palagay ko ay malaking tinik ang nabunot sa dibdib ko dahil sa comfort na hatid niyon. Bumitiw siya at saka ako nginitian. "Oh wait, bago pa tayo mag-iyakan dito." May kinuha si Bianca sa bag nito. An invitation card. May disenyo itong spiderman. "Second birthday ni Jack sa Miyerkules. Hindi ko muna sasabihin kina mama at Phil na nakita kita para masurpresa sila. I hope makapunta ka." "Talaga? I'm coming. My gosh, finally makikita ko na rin sila." Umabot hanggang mata ang ngiti ko. Matagal nang nakaalis si Bianca at Jack pero hindi pa rin ako makapaniwalang nakita ko na sila sa wakas. Sabik na rin akong makita sina Phil. Napangiti ako. Pilit kong kinapa sa dibdib ko ang damdaming nabuo para kay Phil noon ngunit narealize ko, wala na. Matagal na ring panahon ang lumipas kaya sa tingin ko, masyadong naibuhos sa pag-aaral at trabaho ang atensyon ko kaya't sa pagdaan ng maraming panahon ay unti-unti itong nawala. Nakahinga ako ng maluwag. Palagay ko ay malaking batong nakadagan ang nataggal sa dibdib ko. HOME. Yan ang unang salitang pumasok sa isip ko nang matanaw ko ang bahay na huli kong nakita five years ago. Some nostalgic memories came down rushing in my mind. Napapikit ako para harangin ang luhang nagbabadyang pumatak. Ganoong-ganoon pa rin ang hitsura ng bahay. Ang garden na ngayon ay napapalamutian ng mga lobo ay hitik na hitik pa rin sa mga bulaklak. Parang hindi nagsawa si miss Amelia na mag-alaga ng mga bulaklak sa nakalipas na limang taon. Slowly, my feet paced towards the green gate. Nagdoorbell ako at ilang saglit pa ay nagbukas ito. Sumungaw sa harapan ko si manang Belinda, ang katulong na kasabayan ni mama noong namasukan kina miss Amelia. "Sino po sila-" Nanlaki ang mga mata niya. Pinaghalong gulat at pagkasorpresa. "Kirsten!" "Ako nga po. Kamusta na po kayo?" "Naku heto at tumatanda ng tumatanda. Kamusta kang bata ka, naku pumasok ka nga. Alam ba ni maam Amelia na darating ka?" Iginiya ako ng matanda papasok ng gate. Bumungad sa akin ang napakagandang landscape garden ng mansion. Ito lang yata ang nagbago roon. "Hindi nga po eh. Gusto ko po silang masorpresa." "Tiyak iyan hija!" Naagaw ng pansin ng middle-aged but stunningly beautiful woman ang pagdating ko. Naka-above the knee black dress siya at napapalamutian ng magarang jewelry items. Walang duda, si miss Amelia iyon. "Miss Amelia!" Napasinghap siya at saka nabuo sa mukha ang kasiyahan. Nagkalapit kami at saka nagyakpan ng mahigpit. Pagkuwan ay bimitaw siya ngunit hawak pa rin ang kamay ko. Natanaw ko mula sa pool-side ang paparating na si Phil at Bianca dala ang kanilang anak na si Jack. "Kirsten?! Ikaw nga ba?" Hindi pa rin nakakabawi si Miss Amelia sa pagkagulat. "Ako nga po." "Hija, it's been years! Look at you. No offense meant but you looked matured and more beautiful now than yesterday." Sinuyod niya ang kabuoan ko. Napatawa ako. "Nagkaroon po kasi ng sense of fashion ang buhay ko simula nang mag-aral ako ng designing sa Paris." "Ah oo nga pala. Kamusta na?" "May boutique po ako sa San Juan. As for now, doon ko po kinukuha ang source of living ko." "Oh. I'm so proud of you hija." Niyakap ulit ako ni Miss Amelia. "Ladies. The day is too young for drama." Anang papalapit na si Phil na ang pagkakangiti ay umabot sa tenga. Malaki ang pinagbago niya. Mas gumuwapo ito lalo ngayon. Well, fatherhood suited him. Sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap. Dati lang, bumibilis ang t***k ng puso ko 'pag niyayakap ako ni Phil. But what I felt in his embrace right now was like what a sister felt to his brother. Wala na talaga. Kung pag-ibig man talaga ang nabuo sa puso ko five years ago, then I'm thankful to God I've learned to surpass it. "How are you sissy?" Aniya pagkabitaw ko sa kanya. Napangiti ako. Some nostalgic memory suddenly appeared in my mind dahil sa madalas na tawag niyang iyon sa akin noon. "Heto, maganda pa rin." Halakhak ang naging sukli niya sa sagot kong iyon. Inaya na ako nina Bianca pagkaraan ng ilang sandaling kamustahan. Dinala nila ako sa mga bisita at ipinakilala. Marami ang nasorpresa. Hindi alam ng pamilya ni Bianca na nageexist ako sa pamilya ni Phil. "Hindi ka na nila makikilala dahil malaki na ang pinagbago mo." Bulong sa akin ni Bianca bago ako ipinakilala sa mga magulang nito. "Ma, this is Kirsten. Kirsten Seth Marquez. Siya iyong may ari nung botique na pinagbilhan ko ng dress na suot niyo ngayon." Si Bianca sa mama niyang si tita Rosy. Kababata ni Phil at kabarkada ni Bianca noong college ang pakilala nila sa akin. "Oh really?! I heard sarili mong design lahat ng nakadisplay sa boutique hija." Baling sa akin ni tita Rosy. "Tama po kayo tita. Infact, that dress you're wearing right now was an Eiffel Tower-inspired design." Naging matanong ang ginang. Siguro ay naging interesado ito sa uri ng trabaho ko. Until such moment, lihim akong pinagpawisan ng malamig sa sumunod niyang tanong. "Nagkita na ba tayo?" Kumunot ang noo nito at parang pilit na hinahagilap sa isip nito kung saan nga ba niya ako nakita. "Kanina pa kasi ako napapaiisip. You look familiar." Napatingin ako kay Bianca. Nahalata ko rin ang pagiging uneasy niya. Ang kuya niyang si Bernard ay tahimik lang sa likod ni tita Rosy na ang mukha ay hindi mabasa. Ang asawa nitong si Tito George ay napakunot din ng noo. Lihim akong kinabahan. I wasn't prepared for this though I expected this moment to come. "M-ma, natural, kabarkada namin siya noong college. Palagi kaya siya sa bahay noon. 'Di niyo lang napapansin kasi palagi kayong busy." Si Bianca ang sumalo sa akin. Sa tingin ko naman ay bumenta iyon dahil parang convinced na napatango sina tita at tito. But with Bernard, I don't know. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin mabasa ang mukha niya. Hanggang sa hindi ko namalayan ang oras. Natapos ang birthday party kinahapunan. Sinikap kong gawing easy ang sarili ko sa kabila ng lahat. Hindi ko hinayaang maispoil ang araw na iyon just for the sake of Jack na itinuring ko nang pamangkin. Natawa pa nga ako sa sarili ko dahil ang akin yata ang pinakamalaking regalo kay Jack. Hindi halatang excited. Nagpaalam na ako makalipas ang ilang sandali. "Tita Amelia, I really have to go. Gagabihin ako sa daan. Phil." Baling ko kay tita Amelia at Phil. Kanina, sinabihan ako ng ginang na 'tita' na lang ang itawag ko sa kanya tutal naman daw ay parang pamangkin na niya ako. Actually, noon pa niya sinabing ganoon ang itawag ko sa kanya ngunit ako lang talaga ang pasaway. May feelings pa kasi ako noon kay Phil kaya sabi ko sa batang isip ko, parang pinsan ang dating kapag iyon ang tawag ko sa mama niya. "Sigurado ka ba hija, hindi ka na magpapalipas ng gabi dito?" Panghihinayang ang nahimigan ko sa boses ni tita. "May naiwan po akong trabaho sa boutique at kailangan kong maubutan ang oras ng pagsasara." "Gano'n ba? Oh siya, but maybe in some other time?" "Ofcourse tita, babalik ako sa libreng araw ko at pangako, papasyal kita sa Palawan. Libre ko." Napuno ng kagalakan ang mukha ni tita Amelia. Pagkatapos ng ilang sandaling pagpapaalam sa mga tao roon at kay Phil ay sumakay na ako sa kotse ko at saka pinaandar iyon. Nakita ko pa mula sa side-mirror sina Phil na kumakaway. Nakangiting napabuntong-hininga na lang ako. Medyo napagod din dahil sa ilang parlor games na sinalihan ko, but it's worth it. Lalo na dahil nakasama ko na ulit sina Phil. Afterall, this had become a long day for me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD