Chapter 3: Goodbye

2092 Words
Tahimik lang na pinagmamasdan ni Kirsten ang bawat punong nadaraanan nila ni Phil. Ngayon ang pinakatatakutan niyang pangyayari. Isasagawa niya na mamaya ang plano. Mula sa bayan ng San Alfonso ay bumiyahe sila patungo sa Maynila dahil doon gaganapin ang kasal nina Bianca at Hunter. Hindi niya na namalayang nakatulog siya. Pagkagising niya ay nasa biyahe pa rin sila ngunit ayon kay Phil, humigit-kumulang isang oras na lamang ay nasa simbahan na sila. Alas otso ang oras ng kasal pero alas seis-trenta pa lamang kaya kahit papaano ay may kaunting panahon pa siya para mag-ayos ng sarili. Ilang sandali pa ay narating na nila ang simbahan. Alas siete-kuwarenta ang eksaktong oras. Ipinarada ni Phil ang kotse sa likod ng simbahan. Kakaunti pa lang ang mga tao. Marahil mamaya lamang ay dadagsain na ang simbahan. Hindi nga siya nagkamali dahil ilang minuto lang ay sunod-sunod na ang datingan ng mga tao. Sampung minuto bago mag-alas otso ay nakahanda na siya. Ang umbok niyang tiyan ay aakalain mong may laman talagang sanggol. Pinasadya nila ang tahi ng unan para kapag inilagay niya na iyon sa kanyang tiyan ay magmumukha talagang may lamang sanggol iyon. "Kirsten sigurado ka na ba talaga? You still have five minutes para umurong. Baka nagdadalawang-isip ka pa." Nag-aalala si Phil. Halatang kabado ito. "No Phil. It's now or never. Hindi na ako pwedeng umurong. Kung hindi ko pa gagawin ito, malamang na huli na ang lahat. Makakaya mo bang makita si Bianca sa piling ng ibang lalaki?" Pangungumbinsi ni Kirsten kay Phil. Nakita niya ang sakit sa mga mata at ang takot sa mukha ni Phil. Ilang saglit itong natigilan bago siya nito kinabig at saka niyakap ng mahigpit. For a while, she chose to forget all the problems. Tila namanhid ang katawan niya. Kakat'wang sa saglit na yakap na iyon ay parang nahimasmasan si Kirsten. "Nandito lang ako sa kotse, hihintayin kita. Tandaan mo kapag maipit ka man sa gitna ng mga tao, tawagan mo lang ako at sasaklolohan kita." Si Phil pagkatapos siyang yakapin. Ngumiti siya ng pilit bilang pagtugon. Bumaba na siya ng kotse pagkatapos. White maternal dress ang suot niya. Sa kabila ng umbok niyang tiyan ay hindi nawala ang sense ng fashion sa suot niyang damit. Kung hindi lang sa maumbok na tiyan niya ay aakalaing rumarampa siya ngayon sa runway. Isang araw bago sila bumiyahe ay nagpunta muna sila sa sa isang kilalang salon sa kanilang bayan upang magpaayos. As in all over. Kahit na ang mabalbong binti niya ay hindi pinalampas ng bading na makeover artist. Kaya ang kinalabasan, hindi nalalayo sa mga dating ka-date ni Hunter Fontanilla. Kahit na si Phil, noong makita siya ay saglit na napatanga. Well, somehow, it gained her so much confidence for her to do this. Atleast, kahit papaano ay mapapaniwalaan ng mga tao na dating ka-affair nga siya ni Hunter. Humugot siya ng malalim na hininga bago binagtas ang daan papunta sa simbahan. Maraming tao nang makapasok siya. Hindi na mapigilan ang puso niya sa pagtibok ng mabilis. Parang dumadagundong iyon kasabay ng parang mga dagang nagtatakbuhan sa loob ng kanyang tiyan. Abala ang bawat isa. Ang iba ay nag-uusap, ang mga media ay walang tigil sa paglilibot at pag-iinterview sa mga kilalang personalidad. Inilibot niya ang kanyang paningin at marahas na napasinghap nang mahagilap ng mga mata niya si Hunter Fontanilla. Stood there like a king in his luxurious three-piece suit. Nakikipag-usap ito sa isang senador na marahil ay isa sa mga wedding sponsors. Nag-alis siya ng bara sa lalamunan. Palagay niya ay nanlambot ang mga tuhod niya. Agad siyang naghanap ng mauupuan. Kapag hindi pa siya makaupo, malamang na hindi na kakayanin ng nanlalambot na tuhod niya ang kanyang bigat. Pagkaupo ay inilibot niya ang paningin sa paligid. Napapalamutian ng mga bulaklak at tela ang mga upuan. Black and gold ang motif ng kasal. Sa isang bahagi ng puso niya, there was a sudden pain na biglang kumurot sa kanyang puso. Bata pa lamang siya ay nangarap na siya ng isang engrandeng kasal na kagaya nito. In that dream, she was the bride and Phil was the groom. It's just sad that now, she was doing the opposite thing. Tinutulungan niya si Bianca at Phil na magkabalikan. Sampung minuto pa ang hinintay niya at lahat ng mga tao ay nasa kani-kanilang mga lugar na. Halos sabay-sabay silang napalingon sa pagbukas ng pintuan ng simbahan upang matunghayan ang napakagandang bride na si Bianca dela Torre. Pumailanlang ang wedding march song sa loob ng simabahan. Sa pakiwari niya ay tila iyon funeral bell at ilang sandali na lang ay hahatulan na siya ng kamatayan. Kasama ni Bianca ang mga magulang nito na ngayon niya lang personal na makita. Tinitigan niyang mabuti ang mga mata ni Bianca. There was an unpredictable emotion like somewhat nervousness. Of course! Last night ay ipinaalam nila rito ang kanyang balak. Magkahalong galak at takot ang naramadaman ni Bianca nang malaman nito iyon. Through video call, sinabi niyang suportado nito ang plano nila though she was afraid of whatever will be its effect to her life and to her family's. Saglit na napadaan ang paningin nito sa kanya. Relief at nerbiyos ang nakita niya sa mga matang iyon. Agad din itong nagbawi. Dumiretso sa harapan ang tingin ng lahat nang malapit na sa harap ng altar ang bride. Nang ipaubaya na ng ama ni Bianca ang anak kay Hunter ay agad na kinuha ng huli si Bianca at saka iginiya sa harap ng pari. Unti-unting bumangon ang kaba sa dibdib niya nang magsimula nang magsalita ang pari. Ilang mabilis na pagtibok mula sa dibdib niya at maraming minutong paghihintay bago sabihin ng pari ang mga katagang... "Mayroon ba sa inyo ang tumututol sa kasal?" Katahimikan ang bumalot sa loob ng simbahan. Kahit malayo, alam niyang sa kanya nakatingin si Bianca. At isinusumpa niya, sa mga panahong iyon ay walang tigil sa pagtibok ng mabigat ang kanyang puso. Bigla siyang nakadama ng pagdadalawang isip sa mga oras na iyon. Napakaraming tao kung sakali ang makakasaksi. Umusal siya ng panalangin sa itaas at saka nagbilang ng sampu. Isa... Dalawa... Tatlo... Apat... Lima... Anim... Pito... Hindi na natapos ang pagbibilang. "Kung gayon ituloy ang seremonya." Pagpapatuloy ng pari. Nagulat siya. Hindi pa rin siya hinihiwalayan ng tingin ni Bianca. At ang pari, patuloy na sa pagsasalita. Humugot siya ng malalim na paghinga at saka buong tapang na tumayo. Naagaw niya ang atensyon ng karamihan. Kabilang na si Hunter. "Sandali!" Lakas loob siyang nagpunta sa gitna sa tapat kanyang inuupuan. Narinig niya ang bulungan ng mga tao sa paligid. Ang pari ay napahinto at nagulat. Si Bianca ay napapikit. Matinding lakas ng loob ang kinailangan niya upang maibigkas ang mga susunod na sasabihin. All eyes on her. "Hindi maaring ituloy ang kasal!" Mas lalo pang lumakas ang bulungan. Ang ibang kapamilya ni Bianca ay napatayo na kabilang ang mga magulang nito. And oh dear! Kung patalim lang ang tingin sa kanya ni Hunter sa mga oras na ito, malamang na patay na siya. "Ang sanggol na nasa sinapupunan ko ay anak ni Hunter Fontanilla." Napasinghap ang halos lahat ng tao sa kanilang narinig. Si Bianca ay tuluyan nang humagulhol. Parte iyon ng plano. "Kaya nararapat lang na h'wag matuloy ang kasal para sa magiging anak namin." Maraming mga nagkislapang flash ng camera sa direksiyon niya at pati na rin sa direksiyon nina Hunter. Nagkakagulo na sa harap. May ilang lalaking inaawat ang sa tingin niya'y kapatid ni Bianca na sinugod ng suntok si Hunter. Lahat ng camera ay agad na tinutukan ang mga nagkakaguluhang pamilya ng dalawang panig. Sinamantala niya ang pagkakataon at lumabas ng simbahan. May ilang mga reporter na nakasunod sa kanya kaya nag-iba siya ng direksiyon. Mahirap nang masabit. Dumaan siya sa tennis court at saka lumusot sa mga halamanan patawid sa kabilang kalye. Nang matagumapay silang mailigaw ang mga iyon matapos niyang magtago sa mayayabong na mga halaman ay saka niya tinawagan si Phil para sunduin siya sa pinagtataguan. Nang wala nang tao ay saka siya lumabas ng kaunti upang sumilip ngunit nabangga siya ng isang katawan pagpihit niya. Napatingala siya and she almost died when she saw the brown eyes, burnt with fire because of anger. It was Hunter! "Who are you!?" Galit na tanong ni Hunter habang hawak ng mahigpit ang mga braso niya. Sa hitsura nito ngayon, although still handsome, ay papasa nang pangkontrabida. Mukhang papatay ito ng tao ngayon! At malas niya dahil hindi niya inaasahang magaganap ang kinatatakutan niyang mangyari. Sa gitna ng takot at kaba, pinilit siyang humagilap sa isip ng maaaring gawin upang makatakas. "Nasasaktan ako..." Wala sa sariling usal niya. Tila bakal ang mga kamay nitong nakahawak sa magkabilang braso niya. "Sasaktan talaga kita kung hindi mo sasabihin kung sino ka at kung bakit mo sinira ang kasal! Don't fool me. Heaven knows, sa tanang buhay ko ay hindi pa kita nakikita kaya imposibleng ako ang ama ng nasa sinapupunan mo." Salubong ang kilay na sabi nito. Hinintay siya nitong magsalita ngunit parang nilamon ng kaba ang boses niya. "O baka naman modus mo 'to. Isa ka bang sindikato ha? Ilang milyon ang kailangan mo?" Mas lalo pang humigpit ang hawak nito sa mga braso niya kaya mas lalo siyang napadaing sa sakit. Sa palagay niya ay bumaon na ang mga daliri nito sa malambot niyang balat. Hindi na niya nakayanan kaya nagpupumiglas siya hanggang sa tuluyan siyang nakawala ngunit napasubsob naman sa lupa. Nagpanggap siyang sumakit ang tiyan. Nakita niyang napalitan ng pag-aalala at gulat ang kaninang galit sa mukha ng lalakia. "Aray! Ang tiyan ko." "M-miss are you okay? W-wait I'll bring you to the hospital." Tumalikod ito at sa palagay niya ay kukuha ng sasakyan kaya sinamantala niya na ang pagkakataon. Agad siyang tumayo at saka mabilis na tinakbo ang kurbadang daan. Saktong paparating ang sasakyan ni Phil kaya agad niya iyong pinara at saka mabilis na pumasok. "Bilis Phil! Maabutan na tayo!" Hindi na nag-aksaya ng panahon si Phil at saka mabilis na pinasibad ang sasakyan. Nang sa palagay nila ay nakalayo na sila at hindi na maabutan ay saka naging normal ang takbo ng sasakyan. Mataman siyang tinignan ni Phil. "Are you alright?" Anitong napatingin sa braso niya. Namuo roon ang dugo at bakat ng kamay ni Hunter. "What did that bastard do to you?"Tiim bagang na tanong nito. "This is nothing Phil. Normal lang na gawin niya sa akin to, sinira ko ang kasal niya. Hey, what's more important now is you and Bianca will finally be together." Pilit niyang pinasigla ang tinig kahit pakiramdam niya ay bibigay na ang katawan niya. Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Phil. Maya-maya ay pilit itong ngumiti sa kanya. "Thank you."Anito. Mapait na ngiti ang naging sukli ni Kirsten. Tapos na. Kaba at lungkot ang nararamdaman niya. Kaba dahil hindi niya maiwasang makaramdam ng takot kay Hunter. Paano kung ipahanap siya nito? He's damn rich so it's not impossible. Lungkot din dahil alam niyang doon na nagtatapos ang ugnayan nila ni Phil. Nakaready na ang maleta, passport at iba pang mga magagamit niya sa paglipad papuntang Paris. "I know this will be hard for you. But I know na makakaya mo. You'll call and reach me still please." Nakita niya ang lungkot sa mukha ni Phil. Dahil doon ay munting mga luha ang namuo sa mga mata niya. "Of course Phil. But leave me a promise please." Nakangiti niyang sabi kahit na ang luha sa mga mata niya ay malalaglag na. "Anything for my heroine." Bahagyang napangiti si Phil. "Promise me that you and Bianca will be happy together." Unti-unti nang tumulo ang mga luha niya sa pinagsamang sakit at lungkot. "I promise." Narating nila ang airport. Thirty minutes siyang maaga sa flight. Hinatid siya ni Phil sa loob. Hinarap siya ni Phil bago siya tuluyang umalis. "I'll miss you Kirsten. I really wish this is not happening." Pula na rin ang mata ni Phil dahil sa banta ng mga luha. "I'll video call everyday don't worry. Mag-iingat kayo ni miss Amelia. Siguraduhin mong hindi masasayang ang natapos ko. Win Bianca back." This time, isang genuine na ngiti ang ibinigay niya kay Phil. Sa mga oras na iyon, tanggap niya na ang katotohanan. Si Bianca ang mahal ni Phil. Si Phil at Bianca pa rin sa huli. Pasasaan ba at matututunan niya ring makalimutan ang damdamin para kay Phil. Hanggang sa makasakay siya sa eroplano ay wala pa ring tigil ang luha niya sa pagtulo. Mula sa bintana ay natanaw niya ang paliit na paliit nang airport sa ibaba. Goodbye Phil
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD