"Ma'am puwede na po kayong pumasok." Sinundan ni Bianca ang Police officer na pumasok sa isang silid kung saan puwedeng bisitahin ang mga nakakulong. Apat na mesa na ang okupado, ang tatlo ay mga inmates na dinadalaw ng kanilang mga pamilya. Napatingin siya sa pinakadulo, nakaupo doon ang pakay niya. Kanina pa pala siya nito pinagmamasdan. Nakangisi ang babae. Ginantian ni Bianca nang matamis na ngiti ang ngisi ng babae habang naglalakad siya patungo rito. Umupo siya sa harap nito. "Chloe, kamusta ka?" Tumagilid ang mukha ng babae. "Bianca. Tignan mo nga naman, dinadalaw ako ng kaibigan ni Kirsten. Mabuti naman ako rito, ang babait nga ng mga kasama ko sa selda eh." "Maganda kung ganoon, siguro ngayon dapat mo nang sanayin ang sarili mong makihalubilo sa kanila." "Hindi na kailangan.

