Chapter 38 - Farewell

2227 Words

Nanatiling nakamulat ang mga mata ni Kirsten. Tila nanghina ang kanyang mga tuhod kung kayat kusang umangat ang kanyang mga kamay sa balikat ni Hunter. Kita niya ang mata nitong mariing nakapikit. Ayaw man niyang isipin ngunit ramdam niya sa halik nito ang pananabik at pangungulila. Tulad din ng kung paano isinisigaw ng kanyang puso nang mga sandaling iyon ang pagmamahal niya sa lalakeng ito. Nang gumalaw ang labi ni Hunter ay kusang pumikit ang kanyang mga mata. Ninamnam niya ang halik nitong labis niyang pinananabikan. Nang mga sandaling iyon, handa na niya muling ibigay kay Hunter ang lahat sa kanya. Kung hindi lang sana bumukas ang pinto at iniluwa no’n si Dorothy. Kusang bumitaw si Kirsten kay Hunter. Tila siya isang batang nahuling nagnakaw ng candy. Ngunit bakit ganoon kasakit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD