Nakalabas na si Kirsten sa ospital kinabukasan. Sa bahay mismo niya sana gutong tumuloy na kaya lamang ay nagpumilit sina Phil at Tita Amelia na sa mansion muna siya ng mga ito tumuloy tutal naman daw at wala siyang kasama sa kanyang bahay. Mas mainam daw na doon muna siya para mabantayan siya habang hindi pa tuluyang gumagaling. Namiss daw siya ng mga ito at maging siya naman sa mga ito kaya isa ring pagkakataon iyon upang makamusta nila ang isa't isa. Nagkaroon din ng oras si Kirsten upang mas makilala ang itinuturing niya nang pamangkin na si Jack, ang anak ni Bianca at Phil. May kakulitan at kadaldalan ang bata, bagay na ikinatuwa niya dahil napatatawa siya nito. Kahit papano ay nakalimutan niya ng panandalian ang problema. Malambing din si Jack dahil yakap ito ng yakap sa kanya at hi

