"H-Hunter." Hindi na napigilan ni Kirsten ang mapaiyak nang marinig ang boses ni Hunter. Gusto niya itong makita at yakapin nang mahigpit. Kagaya noong mga panahong maayos pa ang lahat. Gusto niya itong halikan. Nasasabik siyang matikmang muli ang matamis nitong halik. Ngunit alam niyang hindi maaari. Hindi maaari dahil kahit anong gustuhin niya ay makikialam ang tadhana at pilit silang pinaglalayo. Siguro nga ay hindi sila para sa isa't isa. "Kirsten I-I want you to know that -" Naibaba ni Kirsten ang linya nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa sina Phil at Tita Amelia. Nagkatinginan sila ni Bianca. Palihim na kinuha ni Bianca ang hawak niyang cellphone. Pinatay nito iyon atsaka isinilid sa drawer na katabi ng kama. Tinignan siya ni Bianca na tila sinasabihan siyang h'wag na lang m

