Nilibot ng tingin ni Kirsten ang paligid ng kuwarto. Every corner was filled with memory. Memory of her and Hunter. They used to cuddle on that king-sized bed. They used to caress each other while their bodies were dripping under the shower. They used to watch the stars each night at the terrace. Saan man niya idako ang paningin ay nakikita niya ang sarili at si Hunter. Pero ngayon ay tila kay layo na ng lalake. Tila hindi na niya ito maabot. Pinahid niya ang luhang kusang pumatak mula sa kanyang mga mata. Bumuntonghininga siya. Isang linggo lang ang kailangan niya. Pagkatapos ng isang linggo, dalawang bagay lamang ang inaasahan niyang mangyayari. She would win Hunter back, or she would have to say goodbye. Inilatag niya ang traveling bag sa kama. Inalis niyang lahat ng laman niyon at s

