Prince
My forehead creased and eyes narrowed once he mentioned his name. I stared closely at him to see that he wasn’t lying. “Ishmael Alcantara?” Binuo ko ang kanyang pangalan upang mas klaro.
Habang tumatango ay napabuntonghininga siya at inabot pabalik ang aking cellphone.
Bahagyang nanlaki ang aking mga mata. Mabilis kong binawi ang cellphone saka nagkumahog sa pagtayo. Hindi ko alam kung ako biglang kinabahan. Damang-dama ko ang naghuhuramentadong puso. I had the slightest urge to walk away for no reason at all.
Maybe it was because of his intimidating and strong aura. I didn’t expect him to look dark and dangerously serious. Kung iisipin mo pa ang apelyido niya ay talaga namang magdadalawang-isip kang manatili sa harapan niya. Nang maisip ko nga lang na kanina ko pa siya hinihintay, pinigilan ko ang sarili sa pag-alis.
“Ikaw nga…” wala sa sarili kong sabi nang makumpirmang siya nga si Ishmael.
Once again, he heavily sighed as he stood up and towered over me. Ipinasok niya sa loob ng bulsa ang kanyang kamay habang mataman akong tinitingnan.
“Yes,” he said. “Ikaw si Aryah, ‘di ba?”
Agad naman akong tumango. Inangat ko pa ang aking I.D. para ipakita sa kanya ang pangalan ko na mabilis niya lamang sinilip.
“Kanina pa kita hinihintay sa library. Umalis na ako dahil magsasara na sila,” sabi ko dahil baka isipin niyang tinatakbuhan ko siya at wala akong balak gawin ang aking trabaho. “Nabasa mo ba ang mga texts ko?”
He nodded. “I did.”
“Nabasa mo?” ulit ko.
Muli naman siyang tumango.
“Bakit hindi ka nag-reply?” tanong ko, medyo naguguluhan at naiinis dahil ang hirap niyang kausap. It was so hard to read his mind and try to figure him out. Para siyang puzzle na unti-unti kong binubuo. “Halos tatlong oras na ako naghihintay. May klase ka pa ba hanggang seven?”
“Wala na,” tipid niyang sagot at parang ayaw ipaliwanag sa akin kung bakit hindi siya nakarating sa usapan.
Napakunot ang aking noo. “Kung gano’n, bakit nga hindi ka nag-reply?”
I didn’t want to sound too demanding, but he was already testing my patience by beating around the bush. Gusto kong sabihin niya na sa akin ang lahat dahil nasayang na ang tatlong oras ko para sa araw na ‘yon. Ayoko nang mag-aksaya pang muli ng oras para lang hulaan ang mga gusto niyang sabihin.
“I didn’t reply because I had no plans to meet you at first. It was my mom who arranged this; not me,” he finally said his reason after being so difficult.
Akala ko nga lang ay maliliwanagan ako ngunit hindi ko maiwasang mas lalong mainis nang malaman ang kanyang dahilan. Is he telling me that he deliberately wasted my time? Puwede niya namang sabihin na ayaw niya!
“Sana sinabi mo na lang sa text na wala kang balak pumunta para hindi na ako naghintay sa ‘yo. Hindi ako katulad mo na mayaman sa oras. Madami pa akong mga kailangang gawin,” iritado at dire-diretso kong sabi. Wala na akong pakialam kung sino man siya. He did me wrong and I wanted him to know that. “Pakisabi na lang kay Sir Gozon na ayaw mo naman pala magpatulong para hindi na ulit maaksaya ang oras ko. Salamat.”
Dala ng galit ay hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagsasalita. Mabilis ko siyang tinalikuran at naglakad palayo. Mahigpit kong hawak-hawak ang cellphone na nasira. Nararamdaman kong unti-unting nag-iinit ang aking mga mata. Inis na inis ako na gusto ko na lang umiyak para mawala ‘yon, pero pinigilan ko ang sarili.
My heavy footsteps echoed as I quickly descended the stairs, wanting to get away as fast as I could. Hindi nagtagal ay narinig ko rin ang mga yapak niyang nakasunod sa akin. Mas lalo kong binilisan ang pagbaba nang dahil doon.
“Aryah, wait!” I heard Ishmael’s voice call for me while I raced down.
Dahil mas mahaba ang kanyang mga biyas kaysa sa akin, mas mabilis niya akong naabutan at nahabol. Pagkatapak na pagkatapak ko sa unang palapag ay hinawakan ni Ishmael ang aking braso. Agad niya rin akong binitiwan nang maiharap ako sa kanya.
“Bakit?” masungit kong tanong.
“Look. I’m really sorry,” he apologized as he sighed. “Let me make it up to you. Let me drive you home.”
“Hindi na kailangan pero salamat,” agad kong pagtanggi saka muli siyang tinalikuran.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa labas ng campus. Hindi ko na siya nilingon pa o tiningnan kung nakasunod pa rin siya sa akin. Dumiretso na lang ako sa sakayan ng tricycle kung saan ako madalas sumasakay pauwi.
“Javier! Javier! Isa pa!” Nakuha ng isang tricycle driver ang aking atensyon nang isigaw niya ang lugar kung saan ako nakatira. Mayroong isang babaeng estudyante rin ng SCC na nasa loob na ng tricycle kaya agad akong lumapit.
“Javier po,” sabi ko.
“Sakay na,” maligalig niyang sabi.
Mabilis na akong sumakay roon para hindi na maghintay pa. Hangga’t maaari ay ayokong bumabiyahe ng special dahil doble ang pamasaheng babayaran. Medyo may kalayuan ang Javier sa SCC kaya nasa trenta rin ang binabayad ko sa pamasahe at isang biyahe lang ‘yon. Sa isang araw ay sisenta rin ang nagagastos ko pagpasok at pauwi.
Nang paalis na ang tricycle at umayos ako ng upo sa loob ay nahagip ng tingin ko si Ishmael. Nakatayo siya malapit sa gate at pinapanood ang pag-alis ng tricycle na aking sinasakyan. Napakunot na lamang ang noo ko saka dumiretso ng tingin.
Naging mabilis lamang ang biyahe pauwi dahil wala na masyadong sasakyan sa daan. Nauna akong bumaba sa babaeng kasabay ko sa tricycle. Sa labas pa lamang ay naririnig ko na ang tawanan nina Tito at Tita na paniguradong nanonood ng paborito nilang teleserye.
Saglit akong nanatili sa labas upang ihanda ang sarili. Coming home always felt like entering the battlefield for me. I needed to take time outside before I go for a fight and defend myself from them. Kahit na mas gusto kong magtagal sa labas, ayaw kong mag-aksaya pa ng oras.
With a deep and heavy exhale, I finally braved myself to step inside the house. Napalingon sa akin sina Tito at Tita pagkapasok na pagkapasok ko. Nawala ang ngiti sa kanilang mga labi at agad napasimangot. They were making it so obvious that my presence could spoil their moods so quickly.
“Bakit ngayon ka lang? Gabi na, ah,” mariing sabi ni Tito Ricky.
“May trabaho lang po sa school,” sagot ko naman.
“Puntahan mo ang pinsan mo sa kuwarto. Gawin mo yung assignment at hindi maayos ang pakiramdam,” utos niya.
Na naman?
Gusto kong sabihin ‘yon pero hindi ko itinuloy. It wasn’t the first or second time it happened. Kapag sinabi niyang hindi maganda ang pakiramdam ni Naomi, ibig sabihin ay tinatamad lamang siyang gumawa ng assignment niya. Ilang beses nang nangyari ‘yon. I was already used to that, but I wasn’t in the mood after what happened.
“Kailangan na po ba agad ‘yon bukas?” nag-aalangan kong tanong kay Tito Ricky.
“Aba, natural!” sagot niya, tunog iritado. “Bakit? Huwag mo sabihing hindi mo magagawa?”
Napabuntonghininga ako at napakahawak nang mahigpit sa strap ng bag upang kalmahin ang sarili. Kinagat ko rin ang aking ibabang labi para hindi makapagsalita ng ikakalala ng sitwasyon.
“Ginabi ka na nga ng uwi at hindi nakapagluto ng hapunan. Baka gusto mong kami na rin ang maghugas ng mga pinagkainan?” sunod-sunod niyang sabi. “Nakakalimutan mo ata ang mga responsibilidad mo sa bahay, Aryah.”
“Hindi po. Gagawin ko na po,” sabi ko na lang upang hindi na magtuloy-tuloy pa ang galit niya. “Magpapalit lang po ako ng damit,” paalam ko saka mabilis na nagtungo sa aking kuwarto.
I swallowed hard as I leaned my back on the door after getting inside my room. Tumingala ako sa kisame upang muling pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo. But before I went off, I quickly reminded myself that I didn’t have time to break down and cry. Kapag nagtagal pa ako sa loob ng kuwarto ay paniguradong madami na naman silang sasabihin. I had no choice but to move on quickly and get on with my life.
Pagkatapos kong magpalit ng damit ay pumunta na ako sa kuwarto ni Naomi. She was on her phone, wearing a smile while probably chatting with her friends. It didn’t seem like she wasn’t feeling well. Halatang mas gusto niya lang makipag-usap sa mga kaklase kaysa gawin ang assignment o manood ng kung ano-ano at hindi ko siya masisi roon.
Although I was two years older, I wasn’t in the right position to call her out and reprimand her. Ibabalik niya lang din sa akin ‘yon kapag nagkataon. I was once like her—or even worse. Sana nga lang ay hindi niya maranasan ang mga naranasan ko para lang matuto. In the glimpse of an eye, I lost everything I had. And since then, I had been trying to take them back but they were already too far from my reach.
“Naomi,” tawag ko sa aking pinsan.
Napasimangot naman siya saka nag-angat ng tingin sa akin mula sa cellphone. “Bakit, Ate?”
“Alin ba rito ang gagawin ko?”
“‘Yong reflection paper lang sa UTS,” sagot niya at tumayo upang lumapit.
Pinakita niya sa akin kung ano ang gagawan ng reflection paper. Binuksan niya ang kanyang laptop dahil do’n ko kailangang gawin. The paper should be typewritten. Nakalagay rin sa instructions na dapat ay 2-full pages ang reflection.
Ayon lamang ang ginawa ko sa loob ng isa at kalahating oras. Nang matapos ay agad din akong lumabas sa kanyang kuwarto. Wala na sa sala sina Tito at Tita kaya dumiretso na ako sa kusina para kumain bago maghugas ng mga pinagkainan.
I ate what was left, even though it wouldn’t be able to fill me. And after doing the house chores, I finally had the time to be alone inside my room and do my own thing. Binuksan ko ang bag upang kuhanin ang binder notebook at napatigil ako nang makita ang cellphone.
My lips parted as I remembered how it got broken. Kahit sira na ay maingat ko ‘yong inilabas mula sa bag. Napaupo ako sa aking kama at tinitigan ang screen na may basag. I pressed on the lock button to open the phone. Dahil walang basag at kita pa ang ibabaw ng screen ay bumungad sa akin ang notification ng isang mensahe galing kay Ishmael.
Naningkit ang aking mga mata habang unti-unting napupuno ulit ng iritasyon ang aking sistema. Wala na sana akong balak na basahin pa ang kanyang mensahe, pero hindi ko maiwasan ang maging kuryoso. Kaya naman kahit iritado sa kanya ay binuksan ko na ang cellphone at inilapit sa mukha ko ang screen upang mabasa ‘yon nang maayos.
From: Ishmael Alcantara
I’m sorry. I’ll make it up to you. Good night.
Napanguso ako nang mabasa ang text niya. Agad ko rin ‘yong pinatay at tinabi upang i-charge. I had no idea how much it would cost to repair the screen, but I bet it would be cheaper than buying a new one. Kahit na outdated na ang cellphone ay wala naman ‘yong ibang problema bukod sa sira ng screen kaya hindi ko pa kailangang bumili ng bago. Hanggang sa puwede pang gamitin ay hindi kailangang palitan.
The next morning, I woke up at five in the morning to do house chores, cook breakfast, and prepare for school. Maaga akong umalis para sumaglit sa library bago ang klase. Kahit alas nwebe pa ang klase ko ay umalis na ako ng alas sais y media. Mag-aalas syete pa lang nang nakarating ako sa SCC. Hindi pa bukas no’n ang library kaya inisip ko kung saan muna ako tatambay habang naghihintay.
In the midst of making a decision, my eyes widened when I caught a familiar man standing near the guard house. I stopped walking as I watched Ishmael talking to the security guard I often exchanged greetings with every morning. Bago ko siya makilala ay hindi ko siya napapansin sa campus kaya naman hindi ko inaakalang siya ang unang bubungad sa akin pagkapasok. It wasn’t like I was trying to avoid him, but I certainly did not wish to see him at the same time.
As I was planning to sneak into the campus without getting seen, I got immediately busted when Ishmael suddenly turned his way to me. He stood up straight and the smile on his face slowly faded. Nag-iwas naman ako agad ng tingin sa kanya at akmang didire-diretso na lang papasok, ngunit nagulat ako nang makita siyang naglalakad palapit sa akin.
“Aryah!”
Kinagat ko ang aking ibabang labi at mariing pumikit. Huminto ako sa gilid ng gate, kung saan hindi kami masyadong mapapansin, bago siya hinarap. Kahit na gusto kong magpatuloy sa paglalakad at huwag siyang pansinin, natatakot akong makuha namin ang atensyon ng ibang mga estudyante.
Looking at him under the bright sunlight, Ishmael lost a bit of that dark aura surrounding him last night. I also confirmed that his well-sculpted face wasn’t just an illusion made by his shadow. He was really blessed with perfect facial proportion. He looked even better during the day.
Based on his physical looks, he could easily pass as a heartthrob. I finally understood why his name was often being spoken by most girls around campus. There was no doubt he’d get all their attention.
His hair was styled in a slightly messy way, with some strands of his hair all over the place. Nakasuot siya ng gray na plain t-shirt at nakatupi ng dalawang beses ang kanyang mga manggas. Ang kanyang sapatos ay galing sa isang kilalang brand na nasisiguradong kong mahal. Nakasabit din ang isang strap ng kanyang backpack sa kanang balikat. One look at him and you could tell that he came from a wealthy family. He also knew how to carry himself well and with pride.
He’s the prince of Santa Catalina.
Once I got a better look of him, I slowly lifted my eyes back to his face. I found him already staring back at me when I did. His lips were also half open as if he was ready to speak.
“Can I talk to you for a minute?” he asked eventually after a brief moment of silence.