Chapter 2

2299 Words
Stranger For the rest of the day, I attended my classes and stood in as a substitute professor for my field study. It was a pretty normal schedule for me until the last class ended. “Aryah.” Nilingon ko si Liezel na lumapit sa akin pagkatapos ng klase. “May klase ka pa ba mamaya? Naisip ko sanang puwedeng pag-usapan na natin ‘yong sa project kung wala ka ng gagawin.” Papayag na sana ako nang maisip kong may kailangan nga pala akong gawin. Muntik ko na namang makalimutan. Gusto ko nang matapos agad ang mga kailangang gawin para sa acads. Ayokong natatambakan ng gawain. Unlike other people my age, I didn’t have a lot of time to spare. Once I got home, I had another pile of responsibilities waiting to be fulfilled. “Pasensya na, Liezel. May kailangan kasi akong gawin sa trabaho,” nahihiya kong pagtanggi. “Puwedeng bukas na lang pagkatapos ng klase? Last class mo din ang Effective Com, ‘di ba?” Tipid siyang ngumiti sa akin at tumango. “Oo. Sige. Gano’n na lang nga.” “Thank you. Mag-iisip na lang ako ng mga puwede nating topic mamaya para hindi tayo mahirapan.” Matapos naming magkasundo ni Liezel ay agad akong lumabas ng classroom. Kinuha mo mula sa bag ang cellphone para i-text si Ishmael bilang paalala sa aming meeting. To: Ishmael Alcantara Hi! This is Aryah. Papunta na ako sa library. See you.  Isang pormal at simpleng mensahe lamang ang ipinadala ko sa kanya. Bago ako dumiretso sa library, kung saan kami magkikita, ay dumaan muna ako sa faculty para puntahan si Professor Quintos. Mabuti na lang ay naabutan ko siyang walang klase at nandoon lamang sa kanyang lamesa. “Oh, Aryah!” gulat niyang sabi nang makita ako. Agad niyang hininto ang ginagawa upang ibigay ang buong atensyon sa akin. “Bakit? May kailangan ka ba?” “Dumaan lang po ako para ibigay ‘to.” Inabot ko sa kanya ang plastic envelope kung saan nakalagay ang mga tatrabahuhin ng papalit sa akin. “Hindi ko po kasi nadala kaninang lunch. May inasikaso lang po.” “Ay oo nga pala! Muntik ko na ding makalimutan.” Kinuha niya mula sa akin ang envelope saka ngumiti. “Sige! Ako na ang bahala dito. Ibibigay ko na lang kay Sir Gozon mamaya.” Tipid akong ngumiti. “Sige po. Mauuna na po ako.” “Papunta ka na ba sa meeting ninyo ni Ishmael?” pahabol niyang tanong bago ako tuluyang umalis. “Opo.” She smiled, looking a little guilty, and held my hand. “Nagtanong-tanong ako sa mga ibang propesor na naging estudyante si Ishmael. Kahit hindi nakikisama sa klase, tahimik lang naman daw at parang merong sariling buhay.” Napaawang ang aking mga labi sa mga sinabi niya. Alam kong parang tunay na anak na talaga ang turing niya sa akin. I didn’t expect that she would ask around the faculty about Ishmael for me. Hindi ko na rin kasi masyadong iniisip ang bagay na ‘yon. Kung hindi kami magkakasundo, ayos lang. Hindi naman kasama sa trabaho ko ang makipagkaibigan sa kanya. I just had to do my job well and get that paycheck. “Kapag may naging problema ka sa kanya, huwag kang mahiyang magsabi agad sa akin. Makikipag-usap ako kay Sir Gozon at maghahanap ako ng puwedeng pumalit sa ‘yo,” dagdag niya. Bahagya naman akong tumawa. Marahan kong pinisil pabalik ang kanyang mga kamay upang hindi siya masyadong mag-alala sa akin. “Huwag na po kayong mag-alala, Ma’am. Kaya ko na po ang sarili ko.” Ever since my parents died, I had been taking care of myself. I learned the hard way on how to live independently. I didn’t think it would be so worrisome to deal with someone like Ishmael. Pagkatapos kong mapanatag ng loob ni Professor Quintos ay agad niya na rin akong pinakawalan bago pa ako mahuli sa usapang oras ng pagkikita namin ni Ishmael. Nang makarating ko sa library ay agad akong naghanap ng magandang puwesto. Nakita kong bakante ang madalas kong inuupuan kaya agad akong naupo roon. To: Ishmael Alcantara Nandito na ko sa library. Nakaupo ako malapit sa bintana at nakasuot ng white na t-shirt. Text ka lang kapag hindi mo ko nakita. Pagka-send ko ng text ay muli kong itinabi ang aking cellphone sa loob ng bag. Since I had nothing to do while waiting, I decided to start with my agenda for that night and thought about the topics we could work on. I also did a brief research and made an outline just to present my ideas clearly to my partner. Suwerte akong kaming dalawa ni Liezel ang nabunot na magka-partner sa draw lots dahil alam kong responsable siya. Ayokong magmukhang masama pero hindi siya katulad ng iba na pabigat. When it comes to academic work, I could be very sensitive. Kaya mas gusto ko kapag by individual ang mga assignments at projects. Mas nagiging kumplikado ang mga bagay-bagay para sa akin kapag may mga kagrupo. Madalas ay pinagmumulan pa ng mga sama ng loob. Habang nalilibang sa ginagawa ay nawala na sa isip ko si Ishmael. Napatingin na lamang ako sa cellphone at nalaman ang oras. Napakunot ang aking noo nang makitang halos mag-iisang oras na ang nakalipas ngunit wala pa rin siya. To: Ishmael Alcantara Hi ulit. Nasaan ka na? Tapos na ba ang klase mo? Nandito pa din ako sa library. Reply ka naman kapag nabasa mo to. Habang kagat-kagat ang ibabang labi ay mabilis akong nagtipa ng mensahe para sa kanya at agad na sinend ‘yon. Hindi ako pala-text kaya hindi rin ako kumportable sa pagte-text sa kanya. Dagdag pa na mahaba ang naging mensahe ko. Pakiramdam ko’y para akong hayok sa atensyon niya. To fight off the embarrassment, I reminded myself that it was for my job and tried to be as optimistic as I could. Nawala na nga lang ang interes ko sa ginagawa. Itinabi ko na ang binder na nakalatag sa lamesa at pati na rin ang mga ballpen. Nilibot ko ng tingin ang library pagkatapos magligpit. Iilan na lang ang mga kapwa kong estudyanteng nasa loob. Parang hindi lalagpas sa sampung daliri ko ang bilang namin. Madalas ay maraming mga estudyanteng nandito sa library lalo na tuwing tanghali. Some were finishing their assignments or projects at the last minute, a few were studying, but the majority just wanted to kill time away from the heat of the day. Pero dahil malapit nang magsara ang library at uwian na rin ng karamihan, hindi na ako nagtakang walang katao-tao. Napabuntonghininga naman ako nang makalipas ang iilang minuto at hindi pa rin dumadating si Ishmael. I should be on my way home already, but I was still sitting alone, waiting for him to arrive. Dahil hindi pa siya nagre-reply ay ayaw kong umalis. Baka lobat lang siya at walang pantext o pantawag sa akin. Paano kung bigla siyang dumating dito at wala na ako? More than I was afraid of offending an Alcantara, I was afraid of losing my job and the opportunity to earn more which were very crucial to my future. Kaya naman para hindi ako mainip, tumayo ako dala-dala ang aking cellphone. Naghanap ako ng puwedeng basahin na libro. Instead of grabbing an educational reading material, I went for a fiction book to keep myself entertained. I wasn’t fond of reading novels but whenever I had the slightest spare time, I would try reading a chapter or two. Niregaluhan ako dati noon ni Professor Quintos. It was a book with a mystery genre. Maganda naman siya, ngunit dahil kulang nga ako sa oras ay inabot din ako ng ilang buwan bago matapos ‘yon. Pagkabalik ko sa lamesa ay inilibot kong muli ang tingin sa library habang paupo. Mas kumonti ang mga estudyanteng kasama ko. I checked my phone again only to see that I still had not received any reply from him. Gusto ko siyang tawagan pero ayaw kong basta-basta na lamang tatawag. Kung magte-text man ako sa kanya para magpaalam, hindi ko rin alam kung mababasa niya. While I was conflicted, I decided to just avert my attention on the book I grabbed from the shelf and started reading it. Nasa pangalawang chapter pa nga lang ako nang lumapit sa akin ang librarian na si Mrs. Rosete. She was wearing a gentle and apologetic smile while looking at me. Kilala namin ang isa’t isa dahil na-assign na ako sa library noong first year at baguhan pa lamang ako bilang student assistant. “Aryah, hihiramin mo ba ‘yang libro?” marahan niyang tanong sa akin. “Hindi po.” Umiling ako at nahihiyang ngumiti dahil napansin kong tulak-tulak niya na ang cart kung saan nilalagay ang mga librong basta na lamang iniwan sa lamesa ng ibang mga estudyante. “Magliligpit na po ba kayo?” “Oo sana. Mag-aalas syete na rin kasi at malapit nang magsara ang library.” Muli akong napatingin sa aking cellphone para tingnan ang eksaktong oras. It was ten minutes before seven. Wala pa ring paramdam si Ishmael kaya naman nagdesisyon na akong tumigil sa paghihintay sa kanya. “Tulungan ko na po kayong mag-ayos,” pagpi-prisinta ko at agad na tumayo, dala-dala ang kinuhang libro. “Nako! Ayos lang ba sa ‘yo? Kaya ko naman at nandyan din si Ma’am Celine,” nahihiya niyang sabi sa akin. Ngumiti naman ako at tumango. “Ayos lang po. Ilang beses ko na rin po ‘yang ginawa dati.” Tuwang-tuwa si Mrs. Rosete sa ginawa kong pagtulong. While we were putting the books back on the shelf, she couldn’t help but reminisce back when I was still working at the library after class. Ipinakilala niya rin ako kay Ma’am Celine na kaka-hire lang last year. Siya ang pumalit sa assistant librarian na pu-Maynila na upang doon makipagsapalaran. Pagkatapos naming ayusin ang mga libro ay nauna na akong umuwi kina Mrs. Rosete at Ma’am Celine. Habang palabas sa library ay muli akong nagtipa ng mensahe para kay Ishmael. To: Ishmael Alcantara Hi. Si Aryah ulit to. Pauwi na ako dahil sarado na ang library. Pakisabi na lang kay Sir Gozon kung kailan tayo magkikita o pwede ka ding magtext sakin. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko nang maipadala ang mensahe. To be honest, I was slightly worried. He wasn’t responding to my text and he didn’t show up to our meeting. I didn’t want to think negatively, but I couldn't help it due to my anxiety. Nang dahil sa naiisip ay napatigil ako sa hallway. Ngumuso ako at nagdesisyon na sabihin kay Professor Quintos ang hindi pagsipot ni Ishmael. Maybe she could ask Sir Gozon. Gusto kong makasiguradong ayos lang siya. “Are you Aryah Santana?” Halos mapatalon ako at nabitiwan ko pa ang aking cellphone nang biglang may nagsalita. The sound of my phone crashing on the tiled floor rang through the hollow and dimmed hallway. My heart banged against my chest at the same time it fell. Napasinghap naman ako at agad na yumuko upang pulutin ‘yon. I moved closer to the part of the hallway illuminated by the streams of moonlight. Parang nalaglag ang puso ko nang makita kong may basag ‘yon. The lower part of the screen was covered by the huge crack with black outlines. “Pa’no na ‘to?” naiiyak kong bulong sa sarili nang makitang pati ang LCD ay mukhang apektado. It was something I bought for myself during first year college. Pagkakuha ko ng unang sahod bilang student assistant ay bumili na ako ng cellphone. I was able to survive high school without any gadgets, pero sa tingin ko ay importanteng mayroon na akong magagamit sa kolehiyo. “I’m sorry,” the stranger said under his breath. “Can I check?” Muli akong nag-angat ng tingin sa lalaking tumawag sa akin kanina. Hindi ko makita nang maayos ang kanyang mukha dahil medyo madilim. But the moment he crouched to meet my gaze, the soft light shone on his face and I wasn’t able to stop myself from getting mesmerized. He has a deep set of eyes and thick eyebrows. His long lashes fluttered like a feather when he looked down to check my phone. His full shaped lips parted as he sighed. I couldn’t tell if it was just an illusion created by the shadow on his face, but even his nose and jaw were perfectly defined. Everything about him looked so captivating that you'd find yourself getting drawn to him. Even if it wasn't something you usually do, you couldn't help but observe him closely. “Mukhang may sira ang LCD. We should get this checked,” he said, then looked up to me. “If you want, I can accompany you to the repair shop. Hindi nga lang ngayon dahil sarado na. I’ll pay for the expenses since it’s my fault.” He seemed genuine and responsible with the way he wanted to solve the problem as fast as he could. I had to say that I admire him for that. Hindi ko nga lang maalis sa isipan ko kung bakit niya ako tinawag kanina. Mayroon akong hula pero gusto kong makasigurado. “Ikaw si...” Sa lahat ng mga sinabi niya sa akin ay ‘yon lamang ang lumabas mula sa aking mga labi. Agad din akong tumahimik upang hayaan siyang magtuloy. For a fleeting moment, he stopped moving and his eyes shifted quickly. It seemed to me as if he hesitated introducing himself to me at first, like he was trying to get away from something. But then, he eventually collected himself and stared straight into my eyes. “Ishmael…” he said in a hoarse voice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD