Bad Luck
“Aryah! Buksan mo ‘tong pintuan!” Dinig kong sigaw ng aking yaya mula sa labas ng kuwarto. “Anong oras na at hindi ka pa kumakain! Papagalitan ako ng mama mo kapag—”
Hindi pa niya natatapos ang sinasabi niya ay mabilis kong sinuot ang headphones upang hindi ko siya marinig. In an instant, the sound of the cartoon series I was watching drowned her voice. I felt relieved as I was done with her naggings. Naisip kong sana ay kanina ko pa ‘yon ginawa. Sinabi ko nang ayaw kong kumain at wala akong gana, pero pinipilit niya pa rin ako.
I was mad at everyone, especially my parents, that I didn’t want to listen to anyone. At the back of my mind, I was aware of what I did wrong but I wouldn’t dare admit that to myself.
Bumagsak ako sa tatlong subject no’ng second quarter kaya naman pinarusahan ako nina mama at papa. Hindi na nila ako sinasama tuwing umaalis silang dalawa at ang gusto lang nila ay mag-aral ako nang mag-aral. They even hid my gadgets and other sources of entertainment just so I could focus. I felt like a princess being locked up alone in a single room on top of a tower. It felt so frustrating and suffocating that I ended up rebelling against them. I did all the things they didn't want me to.
“Tingin mo ba pinupulot lang namin ng papa mo ang pinangpapa-aral sa ‘yo?” Namumula na ang mukha ni mama at parang naiiyak habang pinapangaralan ako. “Hindi mo alam kung ga’nong kahirap magpatakbo ng negosyo, Aryah! Hirap na hirap kami ng papa mo, pero sinasayang mo lang lahat!”
I didn’t dare say anything and just cried while they scolded me. Pagkatapos noon, akala ko’y babalik din sa dati agad, ngunit hindi ako pinapansin ni mama. Kahit si papa ay hindi na ako magawang pinagbigyan. Natatakot siyang baka madamay rin siya sa galit. Kaya naman kahit nangako sila sa aking isasama ako pagpunta sa kabilang bayan, iniwan pa rin nila ako. That gave me an opportunity to take my gadgets back from their room, though.
Magmula umaga, wala akong ginawa kung hindi ang maglaro o manood. Kung ayaw nila akong pansinin, ganoon din ang gagawin ko sa kanila. Kinulong ko lamang ang sarili ko sa loob ng aking kuwarto habang naglalaro ng games sa tablet, nanonood ng cartoons, at kumakain ng junk foods hanggang sa nakatulugan ko na.
“Aryah! Aryah! Gumising ka!”
“Ano po ba?!” iritado kong daing nang naramdaman ko ang pag-alog nila sa aking balikat upang magising.
Magtatalukbong na sana ako ng kumot nang biglang may humila no’n sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang bumangon. When my eyes locked with my uncle, which were filled with tears, I was shocked and fully disarmed. Napaawang ang aking mga labi habang titig na titig sa kanya. Katabi niya ang aking yaya at si Tita. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nawala agad ang aking antok.
Akala ko ay ang yaya ko ang gumigising sa akin. I wasn’t able to differentiate his voice at first while half unconscious.
“Tito...” Namamaos ang aking boses. “B-bakit po?”
Sa aking pagtanong ay mas lalong bumuhos ang kanyang luha habang umiigting ang panga. “Habang nag-iinarte ka diyan, ang mama’t papa mo…” Iyak niya habang hirap sa paghinga at pagsasalita. Hindi niya maituloy ang sinasabi. Para bang pinipigilan niyang magalit.
Naramdaman ko ang malakas na pagkabog ng puso sa aking dibdib. Nanuyo rin ang aking lalamunan habang hinihintay ang kanyang sunod na sasabihin, ngunit hindi na ako nakarinig pa ng susunod na salita galing sa kanya. Isinama na lang nila ako sa punerarya kung nasaan ang natitirang labi ng aking mga magulang.
Nanginginig ang aking buong katawan habang nakatingin sa kanila na halos hindi ko makilala dahil sa nangyari. Kasabay pa no’n ay ang paglabo ng aking paningin dahil sa patuloy na pagbuhos ng luha. Hindi ko magawang lumapit, lalo na’t hindi kami pinapapasok sa loob. Naisip kong mas maayos na ‘yon dahil baka hindi ko kayanin.
“Kayo po ba ang pamilya?” tanong ng isang opisyal na lumabas galing sa loob ng silid.
“Kapatid ako ng babaeng nasa loob…” Nanginginig ang boses ni Tito Ricky kahit na sinusubukang magpakatatag. “Ito ang anak nila…” Sabay turo niya sa akin.
Nalipat naman agad sa akin ang tingin ng lalaki. Kaysa kay Tito lumapit ay sa akin siya tumuloy. Maingat niyang inabot sa akin ang gamit na nasa loob ng ziplock. It has my mother’s necklace and my father’s wrist watch.
With my trembling hands, I slowly received the recovered items from their bodies. Napaawang ang aking mga labi at agad na kumawala ang pinipigilang hikbi. And when I finally couldn’t hold myself back, I flopped straight on the floor and pressed their belongings on my chest.
“Mama… Papa…” I cried out helplessly, knowing that there was no way to turn back time. “Sorry po! Sorry po! Sorry po...”
Feeling the heaviness in my chest, I quickly pushed myself up on the bed as I felt like drowning. Sakto namang tumunog na ang ang aking alarm dahil sa pagpatak ng alas-singko. Hindi pa sumisikat ang araw. Gusto ko pa sanang matulog at manatili sa kama ngunit madami pa akong kailangang gawin. I didn’t have the luxury of time unlike other people. Kaya naman bago ako hilahin pa ulit ng antok, mabilis akong bumangon. Hindi ko na rin kayang ipagpatuloy pa ang pagtulog matapos ang panaginip.
Isang malalim na paghinga ang ginawa ko at paulit-ulit na ginawa ‘yon hanggang sa gumaang ang pakiramdam. I already experienced that feeling countless times that I knew exactly how to calm myself down. Once I was completely relaxed, I finally dropped my feet on the floor. Papikit-pikit pa ang aking mga mata habang naglalakad papunta sa banyo. Itinali ko ang aking buhok bago naghilamos at nag-toothbrush upang mas lalong magising.
While staring at my reflection in the mirror, I reached for my mother’s necklace on my neck and held the ‘R’ pendant which was the first letter of her name. I couldn’t help but recall what happened years ago by constantly being reminded through those nightmares.
Noong gabing iniwanan ako mama at papa sa bahay bilang parusa, dumaan sila sa aming factory para tingnan ang naging operasyon nang araw na ‘yon. All of a sudden, there was a fire outbreak and they were trapped inside the office. It was too late when the firemen arrived to stop the fire from spreading. Aside from losing our family’s main source of income, I also lost my parents and the lives of other workers who worked overtime that day. Isa ‘yong kilalang trahedya sa buong Santa Catalina na hinding-hindi makakalimutan ng karamihan—lalong-lalo na ako. Sigurado akong habang buhay ‘yong nakatanim sa aking puso’t isipan, gaya ng mga pamilyang naiwan ng mga pumawing manggagawa.
Mariin kong kinuyom ang aking kamao at muling huminga nang malalim bago nagpasyang lumabas na ng munting kuwarto. Dumiretso ako sa kusina kung saan ako nagsimulang magluto ng umagahan. Hindi nagtagal ay lumabas mula sa kuwarto si Tito Ricky.
“Aryah, itimpla mo ‘ko ng kape,” agad niyang utos sa akin bago pumunta sa pintuan upang kuhanin ang dyaryo para sa araw na ‘yon.
Walang salita kong sinunod ang utos niya habang siya’y nakaupo sa sala at nagbabasa. Nang natimpla ko na ay maingat ko ‘yong inilapag sa lamesa sa kanyang harapan at saka nagpatuloy sa pagluluto ng umagahan. Bago pa nagising sina Tita Hannah at Naomi, naihain ko na ang lahat sa hapag. Kumuha rin ako ng sarili kong porsyon na kinain sa loob ng kuwarto.
I wasn’t allowed to join them for a meal. They only treated me as a house servant who was responsible for doing all house chores. Ang tanging bayad nila sa akin ay ang pagtira sa kanilang bahay at pagkain sa araw-araw. Kasama na rin doon ay ang karapatan ko na mag-aral.
“Sana hindi ka na lang naging anak nina ate! Wala kang kuwenta!”
His words were still resounding inside my ears years after. Ayon ang sinabi niya sa akin nang namatay sina mama at papa. He blamed me for their death and the fall of our rising business, saying that I only brought bad luck to the family.
Noong una, hindi ko alam kung saan nanggaling ang akusasyon niyang ‘yon. Naisip kong naghahanap lang siya ng pagbubuntungan ng sama ng loob. Ako ang napili niya dahil sa naabutan niyang kaganapan sa bahay. But after thinking about his accusations, I eventually started to believe it was also my fault.
Naging masama akong bata. Naging bastos ako sa aking mga magulang at ibang mga nakakatanda. I was a spoiled brat. I took things for granted. It was the greatest karma life gave me for being such a bad kid. I took everything for granted that I ended up with nothing. He took my parents from me because I don’t deserve them. Kaya naman naisip kong tama lang na maghirap ako pagkatapos no’n. I learned the hard way to value my education and every single thing I owned.
I started studying so much that I almost stuck my nose to my books all the time. I worked hard for everything that I wanted to have. I believed that I finally became the person my parents wanted me to be. Sayang nga lang at huli na ang lahat… Sayang at hindi nila makikita kung gaano ako nagbago.
Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako muli sa kuwarto upang ilagay ang pinagkainan sa lababo. Dahil hindi pa tapos sila tapos kumain ay naligo muna ako bago naghugas ng mga pinggan at nag-ayos papasok sa klase.
Nang nakarating ako sa campus ay agad akong nakaramdam ng kaunting ginhawa at sumilay ang tipid na ngiti sa aking mga labi. It was the only place where I felt like I could stand on my own. It was somewhere I felt validated and appreciated. Most students and faculty members treated me as a person who deserved to be respected.
I was already in fourth year college. Nagawa kong ipagpatuloy ang pag-aaral dahil sa mga scholarship na nakuha ko at sa pagtatrabaho bilang student assistant sa kolehiyo. Hindi naging madali pero kinaya ko. Just one year left and I’m finally free!
“Magandang umaga, Ma’am Aryah!” masiglang bati sa akin ng security guard sa main gate ng campus.
“Magandang umaga din po, Sir,” tahimik kong bati pabalik.
Lagi niya akong binabati na parang nakasanayan niya na. Naging parte na ‘yon ng kanyang araw tuwing mayroong pasok at ang pagbati pabalik sa kanya ay naging parte rin ng akin.
Gaya ng bilin sa akin ni Professor Quintos, dahil maaga pa ay dumiretso ako sa faculty. Maaga siya laging pumapasok kaya agad ko siyang namataang nakaupo sa kanyang lamesa.
Tahimik pa sa loob at wala pang gaanong tao, ngunit kahit na ganoon ay sinubukan kong hindi gumawa ng ingay habang papalapit sa kanya. Binati ko rin ang ibang mga propesor na masasalubong ko ng tingin.
“Aryah…” Salubong sa akin ni Professor Quintos nang nakita na ako.
I politely smiled at her. “Good morning po.”
Agad siyang napangiti at hinawakan ang kamay ko. She was wearing that motherly smile while looking at me.
Simula nang siya ang na-assign sa aking head nang natanggap ako bilang student assistant, mabait na siya sa akin at halos ituring na akong parang sarili niyang anak. Kalaunan ay napag-alaman kong naging matalik silang magkaibigan ni mama at iyon ang dahilan kung bakit nakapalagayan ko rin siya ng loob.
“Kumain ka na ba ng umagahan?” marahang tanong niya sa akin.
“Opo. Kumain na po ako bago umalis ng bahay.”
“Mabuti kung gano’n.” Tumango-tango siya. “Nga pala, pinapunta kita dito kasi meron nang nakuha si Sir Gozon na magtutuloy ng mga gawain mo. Ibigay mo na lang sa akin ‘yong mga kailangan mamaya at ako na ang mag-aabot.”
Bahagyang napakunot ang aking noo nang nawala sa isipan ko kung ano ang dapat kong gawin. Mukhang nakita naman ‘yon agad ni Professor Quintos kaya muli niyang pinaalala sa akin.
“Mamaya na ang unang pagkikita ninyo ni Ishmael,” sabi niya at saka binitiwan ang aking kamay. Binuksan niya ang drawer upang kuhanin mula roon ang isang sticky note. “Ayan ang number niya. Nasabi na ni Sir Gozon kay Ishmael kung anong oras at saan kayo magkikita. I-remind mo na lang din daw si Ishmael dahil baka makalimutan.”
Nag-aalangan kong kinuha mula kay Professor Quintos ang sticky note. Bukod sa numero ni Ishmael ay nakasulat din doon kung saan kami magkikita at pati na rin ang oras. Pagkatapos ‘yon ng huli kong klase at hindi na kami lalayo dahil sa library lang din ang meeting place.
Natutuwa akong nasunod talaga ang gusto ko at ayon sa schedule ko ang napiling oras. Kaya naman muli akong nag-angat ng tingin kay Professor Quintos para tumango at ngumiti.
“Ayos na ba sa ‘yo ‘yan?” tanong ni Professor Quintos.
“Ayos na ayos po,” agad kong sagot. “I-text ko na lang po kayo mamayang lunch break para ibigay yung mga worksheets.”
“Oh sige at hihintayin ko. Pumasok ka na sa klase.”
Isang ngiti ang ginawad ko bago tuluyang naglakad palabas ng faculty. Muli kong binasa ang nakasulat sa note at napanguso. Nang naisip ang magiging epekto no’n at ang pagbabago sa aking nakasanayang gawain, napabuntonghininga na lamang ako saka nilagay sa bulsa ng pantalon ang papel.
“Kailangan mong mag-ipon, Aryah…” mahinang bulong ko sa sarili habang nakapikit nang mariin. “Konting tiis na lang.”