Broken Heart "Marunong ka bang magmaneho niyan?" medyo kabado kong tanong nang sinubukang sumamay ni Ishmael sa motor. "Pumara na lang kaya tayo ng iba?" Dahil sanay akong nakikita siyang puro kotse lamang ang gamit na sasakyan, pakiramdam ko ay hindi naman siya marunong gumamit ng motor. Ayaw kong maaksidente kaming dalawa. Mas mabuting maghintay na lang kami ng tricycle sa kanto para makasigurado. Ishmael turned to me and tilted his head on one side. "You are thinking lowly of me..." sabi niya at tunog nagtatampo. "Hindi naman sa gano'n," agap ko at humakbang palapit sa kanya. "Ayoko lang na maaksidente tayong dalawa." A smile touched his lips as he leaned forward, moving his body closer to me. "You don't have to worry abou that. I know how to drive a motorcycle." "Kaya mo?" Tuman

