HAD A DREAM OF MY EX-WIFE

1471 Words
Chapter 4 -Mannix- Nasa Japan ako ngayon dahil sa isa na namang business trip meron kasi akong bagong hotel na pinatatayo dito kaya kailangan kong makita. Halos buong araw din akong nasa meeting dahil sa gusto kong matapos ngayon ang kailangan kong tapusin dahil babalik ko ng bansa dahil sa malapit na rin ang birthday ni Mommy at gusto nitong kompleto kaming lahat ng mga anak at apo nito. Sa totoo lang ay ako nalang ang walang anak sa aming magkakapatid. Hindi rin ako makahanap ng babaeng gustong pakasalan dahil sa alam kong hanggang ngayon ay mahal ko pa ri si Kristine, pero mukhang masaya na ito at hindi na rin ako nito kailangan pa. Nasa loob ako ng sasakyan pabalik ng office ko dito sa Japan ng tumunog ang phone ko at si Francis ang caller, pinsan ko ito sa mother side bihira lang din akmi mag-usap pero close ko naman ito dahil sa lahat hindi rin ito nakikialam sa away ng kanilang pamilya. “What?” Tanong ko dito sa walang buhay na boses. “Cousin where are you now?” Tanong nito pero sa boses na parang excited. “Japan” Simpleng sagot ko pa rin dito. “What the hell is it like I'm talking to a dead person? Give life to your answer.” Sagot nito sa akin at saka sinabayan pa ng tawa. “What do you really need?” Sagot ko dito sa naiinis na boses. “You know you're really worthless to talk to. If it's not dead, it's angry. I now know why your ex-wife left you because you were cold and had no life together.” Sagot nito at basta na lang pinatay ang tawag nito. Nagtataka pa ako kung paano nito nalamang may asawa at hiwalay na ako. Private wedding lang ang meron kami ni Kristine noon at ang alam ko ay hindi ito inimbitahan ni Mommy dahil sa ayaw pa nito noon makakita ng mga dating kamag-anak. Napahilot na lang ako sa aking kilay dahil na rin sa marami akong iniisip na mga bagay-bagay. Idag-dag pa ang tungkol kay Kristine at sa mga anak nito maging kung bakit ito nahihirapan ngayon. Ilang araw ko na rin itong naiisip at mula ng makita ko ito ay kung ano-anong mga bagay ang hindi mawala sa pag-iisip ko. Nakarating ako sa office ng hindi ko namamalayan dahil na rin ganito ang nagagawa sakin ni Kristine sa tuwing tumatakbo ito sa aking isipan. “Lance, I just want to sleep my head hurts.” Salita ko dito at saka sinarado ang pintuan ng office, tulad ng dati ay nakadouble lang ito kaya ala kong makakapagpahinga ako. Narinig ko namang itong sumagot at saka yumuko sa ng isara ko na ang pintuan. Hinubad ko ang suot kong coat at isinampay sa lalagyan nito at saka ako nahiga sa mahabang couch para matulog muna dahil talagang masama na ang pakiramdam ko. Nakatulog agad ko dahil dal ana rin ng pagod at talagang kailangan ito ng katawan ko ngayon ang pahinga. Pero nasa kalagitnaan na ako ng aking pagtulog ng makita ko sa aking unita ang mukha ng Kristine ang dati kong asawa at naka ngiti pa ito sa akin, hinaplos ko ang maganda nitong mukha at hinalikan naman ako nito ng pino at banayad. Napangiti pa ako dahil alam kong nasa piling ko ito ngayon kaya naman hinagkan ko ito ng at muling ipinadama dito ang pagmamahal na hindi naman nawala sa puso ko. Pinakatitigan ko ito at napapangiti ako ng hindi ko maintindihan, ang alam ko ay masaya na lang ako dahil sa alam kong nasa tabi ko lang ito tulad ng dati. Malaki ang kasalanan ko dito ngunit hindi ko na rin alam kung paano ako babawi sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Mahal ko ito kahit na nagawa nitong pagtaksilan ang isang tulad ko, galit si Mommy noon dahil sa hindi ko nagawang paniwalaan ang asawa ko pero masakit kasi sa akin na makita ang iyong asawa na nasa kandungan ng ibang lalaki. Sinabi naman ni Kritine na hindi niya alam kung paano sila nagkasama ng lalaki nguni’t hindi ako naniwala nito, kayan naman nagfile agada ko ng annulment para mapawalang bisa agad ang kasal namin. Pero pagkaraang ng ilang taon ay hinahanap ko ang presensya nito sa loob ng sarili naming bahay, mag-isa lang akong nakatira sa dati naming bahay mula ng umalis ito ay nawalan na rin akong magkaroon ng piling para sa ibang babae kahit na madalas ay ako ang tampulan ng biruan sa gitnang inuman ay hindi ko nalang din ito pinapansin pa. Alam kong tama ang mga ito maling nagdesisyon agada ko na makipaghiwalay sa asawa ko ng hindi naririnig ang side nito. Para naman akong nakalutang sa ere dahil sa nakikita at nahahawakan ko si Kristine ngayon, kung panaginip sana ay hindi na ako magising dahil sa meron pa akong gustong sabihin dito na alam kong dapat ay matagal ko ng ginawa nang sag anon ay hindi na rin ito nawala pa sa buhay ko ng mahabang panahon. Pero ng magsasalita na sana ako ng bigla itong nawawala lumalabo ang hugis ng mukha nito na parang kinakain ng usok. Hinahabol ko pa ito pero hindi ko maabot dahil sa mabilis nitong pagkaalis sa tabi ko naglaho na ito at usok na lang ang nakikita ko. Sinisigaw ko pa ang pangalan nito pero sadyang wala na ito, hanggang sa isang ring sa phone ang narinig ko at nahulog pa ako sa aking pagkakahiga. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa isiping binabangunot ako, hindi ko akalain na makikita ko ito sa panaginip ko. Ganito ako dati noong nangliligaw pa ako sa kanya madalas ko siyang mapanaginipan at aalis na lang ng parang pula. Napatingin pa ako sa phone na nasa ibabaw ng mesa at nakita kong si Daddy ang tumatawag. “Yes! Daddy” Sagot ko dito. “Your mommy asks what time you're coming back to the country, because we have dinner tomorrow night at the Tecsons' house and your mommy doesn't want you to be late.?” Salita nito sa kanilang linya. Napakamot naman ako sa aking batok dahil sa nakakapressure talaga si Mommy kapag may gusto itong gawin o iutos sa amin. “Alright Daddy, I'll try not to be late tomorrow night.” Pagod kong sagot dito. At saka ibinababa ang tawag ang tawag nito. Balak ko pa sa ng bumalik muna ng New York City dahil sa nagbabakasakali pa akong muli kong makikita si Kristine pero mukhang matatagalan ulit bago ko ito masilayan. Napabuntong hiniga pa ako bago ko tinawagan si Lance para ayusin ang pagbalik ko ng bansa. Kinabukasan ay maaaga akong bumalik ng bansa dahil sa kailangan kong maabutan si Mommy sa bahay, ang gusto nito ay sabay-sabay kaming pupunta sa isang bahay na nagimbita sa amin, ito ang isang ugali ni Mommy na sobrang nakakainis. Pagkababa ko ng aking kotse ay nakita kong nakaready na rin ang lahat kaya wala na akong choice kung di ayusin ang sarili at saka lumapit dito na masama ang tingin. “Come on, we're going to be late for dinner.” Sambit nito ng makalapit ako at saka hinalikan ko ito sa kanyang pisngi. At pagkatapos ay pumasok na sa isang bulletproof na kotse nagtataka pa ako dahil sa tatlo lang kami sa kotse at wala ang mga kakambal ko. Tinignan ko si Daddy para magtanong nguni’t umiwas lang ito sa akin, mukhang may mangyayari ng hindi ko nalalaman. Alam kong kapag ganito ang nangyayari ay meron gagawin si Mommy na nito din ang nakakaalam. Halos kalahating oras kaming nasa beyahe at wala akong imikan sa loob ng kotse hanggang si Mommy na ang unang magsalita na kinalaki ng aking mata. “Mannix, I want you to be kind the only daughter of the Tecson. I don't want any problems with our new business. You probably know that family, they are good in the field of different types of alcohol, so I want to join their company. Is it clear to you Mannix what I mean?” Salita nito sa akin sa determinadong boses at kapag ganito na si Mommy walang pwdeng kumontra kahit na si Daddy pa. Napabuntong hininga nalang ako at saka ako tumango dito, mukhang may idea na ako sa kung anong palno ni Mommy ngayon. Hindi ko kilala ang nag-iisang anak na babae ng mga Tecson, pero kilala ko ang ama nitong si Fredo Tecson. Isa itong dating pulis at alam kong matapat rin ito sa batas kaya naman ganap itong General ng magretire na ito sa kanyang serbisyo. Wala akong alam tungkol sa pamilyang ito pero kilala ang mga ito sa business nilang alak maging sa ibang bansa. Ang dapat kong paghandaan ay ang sinabi ni Mommy na maging mabait ako sa anak nitong babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD