Chapter 5
-Mannix-
Pasado alas otso ng gabi ng dumating kami sa mansion ng mga Tecson at ang mag-asawang Tecson ang sumalubong sa amin. Nagbeso sila Mommy at Mrs. Marissa Tecson sila Daddy naman at Mr. Dante Tecson ay ng kamayan at saka kami dinala sa garden na mukhang napaset pa sila para sa dinner meeting na ito. Magaganda ang ayos ng mesa maging ang nakahandang mga pagkain ay sadyang pinaghandaan rin pero ang mga banko ay sakto lang sa anim na tao. Mukha kami lang talaga ang imbitado ng mga ito, pero napalingon ako sa aking paligid dahil sa wala pa dito ang anak nilang babae. Napansin naman ako ng Ginang kaya nagsalita ito sa masayang boses.
“If Kristel is what you are looking for, she is still in her room because she really prepared for your arrival.” Sambit ng Ginang at saka kami inaya sa kanya-kanya naming upuan. Pasimple akong tumango dito at baliwalang naupo na rin sa aking bangko katabi ni Mommy. Kumuha naman ako ng wine para sana amuyin ng may matanaw akong isang babaeng papalapit sa amin at makikita talaga dito ang ganda nito at pagiging simple. Nakita naman ng lahat ang pagiging tulala ko kaya naman siniko ako ni Mommy at palihim namang natawa ang ina ng dalaga na ngayon ay nasa aming harapan na.
“Kristel, I would like to introduce you my daughter to the De Lana Family. Mr. Mrs. De Lana and their son Mannix De lana.” Magalang na pagpapakilala ng kanyang ama, tumayo naman kami ng pamilya ko at nakipagkilala sa dalaga. Nang nasa aking tapat na ito ay para akong nawala sa aking sarili, hindi dahil sa maganda ito kung hindi dahil sa kamukha nito si Kristine sa pag-aayos lalo na ang buhok nitong nakatirintas sa likod. Nakikita ko dito ang dati kong asawa kaya naman nawawalan ako ng gustong sabihin dito.
“Hi, nice to meet you Mr. Mannix De Lana.” Salita nito sa malambing na boses. Napangiwi naman ako dahil mabuti na lang at hindi sila magkaboses, dahil kapag naging ganoon ay isipin kong si Kristine ang kausap ko ngayon.
“Hello, I am honored to meet the only daughter of Tecson Corporation” Sagot ko dito habang pinagmamasdan ang buong mukha nito. Buong gabi akong napapatingin sa dalagang katapat ko dahil kung pagmamasdan ay para silang kambal ni Kristine, pero aaminin kong may angking ganda ang aking dating asawa. At sa pagkakataong yon ay naiisip ko ito at ang masasayang araw naming dalawa, sumagi na rin sa isip ko ano kaya kami ngayon kung pinaniwalaan ko ito sa kung anong nangyari ng gabing iyon. Naku kaya ang relasyon namin ngayon, mag-asawa pa kaya kami. Kaya ko kayang tanggapin ang magiging anak nito sa lalaking nakatabi nito noong gabing yon o talagang magaganap pa rin ang paghihiwalayan naming dalawa. Napabalik lang ako sa katinuan ko ng hawakan ni Mommy ang kamay ko at tumingin sa akin na may pagtataka.
“You were dumbfounded earlier; Kristel is asking you if you can go for a walk tomorrow at our shoe factory.” Sambit ni Mommy at saka tumingin pa kay Kristel na ngayon ay maganda ang ngiti sa akin. Napatingin naman ako sa dalaga at saka napatango ng wala ako sa aking sarili. Sa tuwing titingin kasi ako sa mat anito ay si Kristine ang nakikita ko kaya naman para akong hinihigop nito sa kung ano ang nais nitong isagot ko. Natapos ang dinner meeting ng gabing yon, pero hinabol pa ako ni Kristel para kausapin para sa magiging lakad naming bukas.
“What time will you pick me up? I also want to know what time to get ready, the truth is that I'm a little slow at getting myself ready so I want to know the time of my future walks.” Naka ngiti nitong tanong sa akin ng pasakay na ako ng aking kotse. Tinignan ko lang ito at saka ako tumingin sa likod nito ng makita ko ang mga magulang nitong nakatanaw sa aming dalawa.
“I'm not sure about the time because I have a lot to fix in my office. But just get ready and I'll call you.” Walang ganang sagot ko dito at saka na ako sumakay sa sasakyan ko at umalis sa lugar na yon, piling ko kung hindi pa ako aalis at may masamang mangyayari sa akin. Nang gabing yon sa condo ako umuwi dahil ayokong makita muna si Mommy, naiinis kasi ako dahil alam kong inirereto ako nito sa dalagang si Kristel. Pero buo pa ang plano kong makausap si Kristine para, nakakaramdam kasi ako ngayon ng konsensya dahil sa mga nasabi at nagawa ko noon dito.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok ng office ko, Nguni’t nagulat ako ng makita ko si Kristel na nasa may lobby ng aking building at mukhang kanina pa ito naghihintay sa akin. Masaya ang ngiti nito ng makita ko, lumapit ito at saka biglang humalik sa aking pisngi na ikinagulat ko. Nagtinginan pa ang mga tauhan ko kaya naman tinigna ko lang ng masama ang dalaga, napayuko naman ito at amkikita dito na nahihiya ito sa kanyang ginawa.
“Sorry, I'm just excited to see you again.” Sambit nito sa nahihiyang boses at napapakamot pa ito sa kanyang ulo. Napatitig na naman ako dito dahil sa ginawa nitong pagkamot sa ulo, dahil ganon din si Kristine sa tuwing nahihiya ito ay nakayuko itong kumakabot sa kanyang ulo at ngingiti sa akin ng pilit, para hindi na rin ako mainis sa kung ano ang nagawa nitong kasalanan. Napailing naman ako dahil sa isipin si Kristine ang aking kaharap.
“Follow me to my office now” Mautoridada kong utos dito. Pagkapasok ko naman sa office ko ay naroroon si Maxwell at Mahde, kunot noo namang nakatingin ang dalawa sa babaeng nasa aking tabi. Tumingin din sa akin ang dalawa ngun’t umiling lang ako dahil sa naiinis ako ngayong araw.
“What's the problem with you two and you're here again?” Tanong ko dito at saka ako umupo sa swivel chair ko at sinimulan ang aking trabaho. Si Kristel naman ay naupo sa isang coach na naroroon at saka ngumiti sa mga kakambal ko na nagtatanong ang mga tingin.
“You are the only daughter of Tecson Corporation, right?” Tanong ni Mahde sa babae.
“Yes, why…?” Balik na tanong naman si Kristel kay Mahde.
“Is it really true that you look like her? The only difference between the two of you is your voice, but if you look closely, you look alike.” Paniniguradong sagot naman ni Maxwell dito.
“Who do you say I look like?” Paliwalang tanong naman ni Kristel sa dalawa kong kakambal, nagkatinginan pa kaming tatlo pero tumango lang ako sa mga ito para rin matigil na ang namumuong usapan.
“Mannix's ex-wife.” Simpleng sagot naman ni Mahde dito.
“Really, I look like your ex-wife Mannix?” Tanong naman sa akin ni Kristel, hindi ko ito tinignan at nagpanggap akong busy sa harap ng computer ko. Ayokong pag-usapan ng ganito ang aking dating asawa kayan naman nanahimik lang ako.
“He doesn't want to talk about the girl he loves so much.” Walang buhay na sambit ni Maxwell at saka ito nag-ayos ng kanyang coat, maging si Mahde ay nag-ayos na rin at ilang sandali pa ay umalis na ang dalawa ng hindi man lang nagpapaalam sa akin. Pero nagpaalam ang mga ito kay Kristel at nakita kong tumango lang ang dalaga sa mga ito.
“What are you doing here I told you I'll just call you when I'm not busy with my work, right?” Seryosong tanong ko dito at saka muling humarap sa computer ko.
“Sorry, if I came here without a word. They just forced me, Daddy, to come see you so that you won't forget me.” Sagot nito na ikinalingon ko dito, dahil ang sinabi nito sa akin ay madalas ko rin marinig kay Kristine noon, tuwing may date kami ay aantayin ako nito sa loob ng office ko hanggang sa makatulog na rin ito ng kakahintay sa akin. Naguguluhan ako sa mga nangyayari ngayon, bakit nagagawa ni Kristel ang mga bagay na kay Kristine ko lang nakikita at naririnig. Napahilamos naman ako sa aking mukha dahil sa hindi ko malaman kung napaglalaruan ba ako ng kung sino lang at iniisip kong si Kristel ay si Kristine.