Chapter 17 -Mannix- Kinabukasan ay maaga akong gumising para pumunta sa beach dahil umaasa akong makikita ko roon ang mga bata, at gagamitin ko ang pagkakataong ito para makausap ang mga bata at ng madala nila ako sa kanilang ina. Sinabi sa akin lahat ni detective, ang lahat-lahat ng importmasyon na nalaman nito. Pero mali ako sa hinalang may asawa na si Kristine, dahil dalagang ina ito at halos siya lang ang bumubuhay sa mga anak nitong, posisbleng anak ko rin. Oras talaga na mapatunayan ko ang lahat ng hinala ko ay kukunin ko ang mga ito at muli kong ibabahay si Kristine at aayusin ano man ang nasira sa aming dalawa. Alam kong mahihirapan akong kombinsihin si Kristine na muli kaming magbalikan pero, naisip kong gagamitin ko ang mga bata kaya natitiyak kong papayag na rin ito. Kilal

