Chapter 18 -Mannix- Nalocate ni Mommy kung nasaan si Mahde pero hindi namin pwdeng puntahan agad dahil maaaring mapahamak ang kakambal ko, sa sobrang galit ni Daddy nagawa n'yang barilin ang lahat ng taong nahuli nila ng maambush si Mahde. Nakita ko sa mata ni Daddy ang galit at sama ng loob dahil sa wala siyang magawa para makuha at maibalik ang kanyang sariling anak. Napapaisip tuloy ako na hindi iyon malabong mangyari din sa akin at mga anak ko. Maraming kalaban ang aming pamilya at alam kong hindi titigil ang mga ito hanggang hindi kami nauubos. Pero magkaganoon man siguraduhin kong may magagawa ako para sa mga anak ko at hindi ko hahayaan na mailayo ang mga ito sa buhay ko. Malalas ang pagbukas sara ng pintuan at pumasok si Maxwell at nagmamadaling pumasok sa kuwarto, napabangon n

