Nanlalaki ang mga mata ni Jihaan na hawak ang pregnancy test kit habang nakaupo sa toilet at hindi niya maipaliwanag ang mararamdaman. Naroon ang kaba ngunit nangingibabaw ang saya, hindi niya akalain mabilis silang makakabuo ni Sameer ngunit ang problema paano niya sasabihin sa mga magulang niya na siya'y buntis na? Alam niyang planado na nila ito ni Sameer upang makuha ang basbas ng pamilya niya at nang makapagpakasal sila ngunit siyang tunay na nakakakaba pala. Siguradong magagalit ang kanyang Mama at Papa dahil nauna na ang honey moon kaysa sa kasal... hindi na kasi sila nakapagpigil pa. Mamaya ay pupunta rito sa bahay si Sameer upang dito maghapunan, kahit hindi pa ito ganoon katanggap ng ina at kapatid niya, kahit papaano pinatutunguhan nila ito ng maayos sa tuwing pumaparito. N
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


