"I miss you so bad..." sinimsim niya ako at nanatiling yakap ako. Naramdaman ko ang bibig at ilong niyang nasa bandang leeg ko at tila pinapamilyar ang amoy ko. Gusto ko sanang sabihin na... I miss him too. "May dalawang oras lang ako, Sameer," batid kong hindi ako p'wedeng magtagal dahilan para bumitaw na siya sa akin. "Come." Hinawakan niya ang kamay ko at dinala niya ako sa condo niya. "You shocked me," saad niya batid niyang hindi niya ako inaasahan pupuntahan siya hanggang sa makapasok na kami sa loob ng condo niya. Malawak ang condo na tinutuluyan niya, para na ngang isang malaking bahay at siya lang ang nakatira. Ano pa bang aasahan ko hindi naman ito sanay sa mga maliliit na espasyo. Naupo ako sa mahabang sofa at tinabihan niya ako habang mga mata niya'y hindi niya iniaalis sa

