Hindi ko man siya tingnan ay alam kong natulala siya at nagulat sa sinabi ko dahil hindi niya kailan man inaasahan darating kami sa puntong ganito na ako ang unang aamin. "You... love... me?" Tila nabingi na naman siya. Tumango ako kahit nangingibabaw sa akin ang hiya at sabi nga ni Papa ay mas mabuti magpaka-totoo sa sarili, para sa huli walang pagsisisihan na nasabi mo ang iyong tunay na nararamdaman. Ako man ang kusang umamin, mas gusto ko na ito dahil ibig sabihin walang pumilit, hindi pilit, dahil ito ang kagustuhan ng puso kong maramdaman sa taong aking ginugusto. "Oo... Samee—" Ganoon na lang ang pag-sunggab niya ng halik sa akin at sa pagkakataong ito naging mapusok ang kanyang halik ngunit nagawa ko pa rin pumikit upang damhin ang malalambot niyang mga labi. Inangkla ko ang

