CHAPTER SEVENTY-FIVE

1949 Words

Lulan ako ng sasakyan ni Sameer habang ang driver ng pampamilyang sasakyan namin na naghatid sa akin kanina kasalukuyan lang nakasunod sa amin. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin namin na ngayon siya haharap sa pamilya ko, na ngayon kami haharap sa kanila at ganoon na lang ang labis na kaba ko. Naramdaman kong hinawakan ni Sameer ang kamay ko at pinisil, batid niya na kaya namin ito. Bumaling ako sa kanya at pinakatitigan siya. "Sigurado ka bang ngayon ka na haharap sa kanila? Makakaya mo na?" "Kailan ko ba hindi kinaya?" tanong niya habang nasa daan ang tingin. "Pumunta ka sa akin kaya nararapat lang din na ako ang mag-hatid sa iyo pauwi. Oras na rin para harapin sila, hindi na dapat pinatatagal." Hindi ko talaga lubos maisip na magkakaroon ako ng nobyo na ganito kalakas ang lo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD