Hindi sila makapaniwala sa biglaang desisyon ko, samu't saring pagalit ang mga sinabi sa akin ni Mama at mga masasakit na salita naman para kay Sameer ngunit hindi nito nabago ang naging desisyon ko. Matapos nang lahat ng nangyari, nararapat lamang siguro ako na magdesisyon ako para sa aking sarili... hindi ko naman inaagad ang pagpapakasal o ang pagaasawa, ang nais ko lang ay bigyang pagkakataon nila si Sameer. Lumaki akong kontrolado ng iba ang desisyon maging sa buhay ko, bawal ang ganito, ang ganiyan, at dapat ganito. Gusto ko naman maranasan makapagdesisyon na para sa akin, iyung tunay kong ikaliligaya. Hindi na rin naman ako bata, nasa tamang edad na ako at ang tanging gusto ko lang maramdaman ang suporta ng mga tao sa paligid ko, sa gusto ko mangyari sa aking buhay. Alam ko na a

