OSWALD
“Sir, naka ready na raw po ang mga isusukat ninyong suit para sa mga scheduled meeting nyo this month, yun po ang sabi ni Mr. Gorgia.” Napatingin ako kay Winny ng banggitin nito ang pangalan ng designer ng mga office suit na sinusuot ko. Last time we see each other, we ended up in my condo ng wala sa oras.
We just tried our chemistry but we discover that everything between us is just a pure body intimacy. That is. Napahawak ako sa ilalim ng baba ko gamit ang isa kong hintuturo.
“Okay, tell her that I’ll be there in just an hour.” Bilin ko kay Winny na may kakaiba na namang ngiti sa labi nito. She’s been my loyal secretary for so many years at alam nito ang ilang kalokohan ko when it comes to women. Minsan nga ay ito pa ang inuutusan kong umorder ng mga bulaklak para ibigay sa mga ito.
“Noted po sir, magpapaseserve na rin po ba ako sa isang restaurant para sa lunch nyo ni Ms. Gorgia?” Nangisi nitong tanong sa akin. Matalino talaga ito at sinusuportahan nito ang mga kalokohan ko sa babae.
“Yeah, buti at pinaalala mo na rin ang bagay na’yan.”
“Ako pa ba sir, alam ko na ang mga galawan mo sa mga girls.” Pilya pa nitong sabi na nagpatawa sa akin. She’s like my youngest sister that I never had in my life. Kaya siguro ganoon na lang kagaan ang loob ko sa kanya bilang secretary ko. Pati ang pagiging ayaw nito kay Demir ay vocal nitong sinasabi sa akin.
“Sir, yun favorite secretary nyo nga po po pala may pinagkakalat na namang chismis sa ibang empleyado dito.” Sumbong pa nito sa akin. Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Winny tungkol kay Demir.
“Like what?” Curious kong tanong sa kanya.
“Na may relasyon daw po kayong dalawa at siya ang magiging future Mrs. Oswald Sobel.” Nakanguso nitong sumbong sa akin. Napasandal na lang ang likod ko sa swivel chair na kinauupuan ko. That woman made my day instantly irritating.
“Hayaan muna siya na paniwalaan ang mga bagay na imposibleng mangyari Winny. So, if I were you, don’t stress your self just for a woman like her.” Bilin ko kay Winny. Natawa rin ito dahil sa sinabi kong iyon sa kanya.
“Sinabi nyo po sir eh, sige po ako na po ang bahala sa kakainan nyo ngayong lunch ni Ms. Gorgia.” And she blinked her eyes na parang alam na nito ang mga susunod pang mangyayari sa pagkikita namin ni Gorgia.
“Oswald…” Humalik sa pisngi ko si Gorgia ng makarating na ako sa mismong shop nito. Nakita kong nakahanda na ang mga damit na dinisenyo at tinahi nito para sa akin.
“Gorgia, you look gorgeous as ever.” Bati ko sa kanya na ikinangiti nito.
“Bolero ka talaga kahit kailan.” Balik naman nitong sabi sa akin. “What do you want? Coffee or juice?” tanong niya sa akin pagkatapos naming maupo sa mahabang couch na malapit sa working table nito.
“Coffee please.”
“Okay, wait. I’ll just order drinks, saglit lang naman yun.”
“How are you?” Hindi ko nakalimutang itanong sa kanya.
“Moving on?” Nakangiti nitong sagot sa akin na alam kong ang nangyari sa aming dalawa ang sinasabi nito.
“I told you, makakahanap ka rin ng lalakeng para sayo, your kindness ang endless beauty Gorgia.”
“Whatever, malay mo magdilang anghel ka.” Natatawa nitong biro sa akin na alam ko namang mangyayari.
“Believe me, one of these days makakahanap ka rin ng lalakeng bagay sayo Gorgia.” At iniabot nito ang isang basong kape na inorder nito.
“And you…kailan ka naman maghahanap ng the one, aber? You’re also not getting any younger, Oswald.”
Humigop ako saglit ng kape at saka ko pinaikot-ikot ang laman nito sa kamay ko habang nakadikwartro ako sa tabi niya.
“I also don’t know yet Gorgia. Kung darating siya, mas mainam kung hindi naman…I can live peacefully alone with my life.”
“Sira! Alam mong pangarap ng mga magulang mo abroad na magkaroon ka ng asawa at pamilya, mga anak in the future hindi ba? So if I were you, sisimulan ko na siyang hanapin before its getting too late.”
Napatawa ako sa huli nitong sinabi, talagang everything are in the proper places sa mga buhay naming dalawa…except sa mga lovelife namin.
“Ummm nga pala, yun isusuot mo sa pageant next week…iyon ang una mong isukat para magawa ko na agad kung may ipaiiba ka pa.” Paalala nito sa akin ng tumayo ako para isa-isahin ang mga three piece suit na naka hanger sa harap namin. At nagsimula akong mag fit ng mga damit na tahi nito at sarili pa mismo nitong disensyo ang lahat ng mga iyon.
ALEXA
“Alexa, did you see it?” Napahinto ako sa mga sinusukat kong damit na galing ng Manila at pinadala ng isa sa mga sikat na designer na kaibigan ni Papa.
“Alin?” tanong ko kay Jennifer na katitig ng mariin sa cellphone nito at hindi kumukurap.
“Ito oh…” At inabot niya sa akin ang cellphone nito at doon ko nakita ang pagmumukha ni Chantal na isa pala sa finalist ng Miss Grand Philippines.
“Sumali pala ang babaeng ito sa Miss Grand Philippines ngayon taon?” I smirked and gave her a deep stare with the pictures on the phone na puro mukha ni Chantal ang nakikita ko. Hindi ko akalaing magkakalakas ng loob ang babaeng ito na tumungtong sa Manila para sumali sa pageant na’yun. Dahil kung ang sarili lang nitong kakayahan ay paniguradong hindi ito magkakalakas ng loob na umalis ng Bicol. Someone is helping her, at malamang na si Cherry ito na kapatid ni Edison.
“Kontakin mo si Kiray, luluwas kamu kami ng Manila at ipaghanda niya ako ng mga gamit na kailangan ko. Sasali ako sa pageant na’yan at tatalunin ko ulit si Chantal by hook or by crook.”
“What? Totoo ba yang balak mo girl? Sasali ka talaga sa pageant na’yun?”
“Yes, Didn’t I look serious?” Mataray kong tanong kay Jennifer.
“A-ahhh, hindi naman sa ganun friend. Okay sige, ako na ang bahala kay Kiray at sure na sasama sa atin ang isang yun.”
“Do what I say, kailan na makaalis na tayo papuntang Manila as soon as possible.” Muli kong utos sa kanya. At mabilis ngang tinawagan ni Jennifer si Kiray para makaalis agad kami at makasali ako Ms. Grand Philippines kung saan isa si Chantal sa mga finalist.