Chapter 7- Pamamasyal

1430 Words
Chantal Almost one week na rin simula ng ganapin ang screening para sa pageant na sinalihan ko. Medyo nahihiya na rin ako sa pamilya ni Cherry lalo sa mga magulang nito. Hindi naman ako nababagot sa bahay, kung minsan ay sinasama ako ni Cherry sa mga lakad nito at nililibre ako palagi sa mga gastusin. Katulad na lang noong nakaraan na minsan kaming namasyal sa Taguig. "Cherry, pasensya ka na at ikaw palagi ang taya." Reklamo ko sa kanya. "Anong taya?" Hindi agad nito na gets ang gusto kong sabihin kaya napayuko at napangiti ng manipis. "Ito." Itinaas ko ang baso ng frappe na binili niya para sa akin. "Ah, yan ba. Ano ka ba okay lang yun nuh. What are friends are for, hindi ba?" Nakangiti nitong biro sa akin at hinawakan pa niya ako sa braso pagkatapos. "Libre na nga ang accomodation ko dito sa Manila , transfortation at pati food." Biro ko ulit sa kanya. "Don't mention it okay? Gusto ko na matupad ang mga pangarap mo bilang kaibigan mo Chantal, kaya gagawin ko lahat para matulungan ka." Hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang kabutihang pinapakita sa akin ni Cherry kahit pa matalik ko siyang kaibigan. Minsan na lang ako makakatagpo ng katulad niya kaya masasabi kong suwerte ako dahil nasa tabi ko siya palagi at doon ko biglang naisip si Tiya Isabel sa Bicol. "Kumusta nga pala si Tiya Isabel mo sa Bicol? Tinatawagan ka ba niya?" Para namang nabasa ni Cherry ang nasa isip ko kaya biglang akong napalingon sa kanya ng marinig ko na banggitin niya ang pangalan ni Tiya Isabel. "Mmmm, oo kagabi lang ay magkausap kami." Pagbabalita ko sa kanya. Namissed daw ako ni Tiya Isabel kaya niya ako tinawagan. Ako naman ay hindi makatawag ng madalas sa kanya at gusto kong may ma achieve muna ako dito sa Manila na maikukuwento ko sa kanya bago ko siya tawagan. Hindi ko rin nakakalimutan ang bilin niya sa akin na mag-aral ako sa kolehiyo at iyon lang ang tanging gusto niyang makamtam ko para kahit paano ay magkaroon ako ng maayos na buhay sa hinaharap. "Ano ang sabi niya?" "Ayon, nakikibalita kung ano na raw ang nangyari sa sinalihan kong pagent. Sinabi ko na lang sa kanya na wala pang result ang screening. Tapos sa huli ay mag-iingat daw ako palagi." "Ang bait ni Tiya Isabel nuh, hindi na rin siya nagkapamilya para alagaan ka Chantal." Naalala pa ni Cherry ang kuwento ni Tiya Isabel kung bakit mas pinili nitong hindi na lang magkapamilya ng sarili simula ng napunta ako sa poder niya. Ito na lahat ang gumawa ng responsibilidad ng aking magulang simula pagkabata ko kaya mahirap din para sa akin na mapalayo sa kanya habang pinipilit kong abutin ang aking mga pangarap. "Tama ka, kaya siguro hindi rin ako mapakali kapag hindi ako nakakatawag sa kanya kasi ay wala naman siyang madalas na makasama sa bahay lalo na at may mga pasok sa ekswelahan ang mga pinsan ko." Malungkot kong sagot kay Cherry. Naramdaman ko bigla ang pagka miss kay Tiya Isabel. "Hindi bale friend, kapag nasungkit mo ang korona...magiging masaya si Tiya Isabel para sa iyo at makakabawi ka na rin sa kanya sa mga panahong hindi mo siya kasama." Masayang sabi ni Cherry sa akin at pinalakas nito muli ang loob ko. "Tama ka Cherry, at kung sakali makapasok ako sa pagent at manalo gagamitin ko ang perang makukuha ko para makapag-aral ulit ng college." Second year college na ako sa kursong Tourism ng mahinto ako dahil hindi na rin namin kaya ni Tiya Isabel ang gastusin lalo na at kailangan din namin ng pera pang gastos sa araw-araw. “…iyon kasi ang gustong mangyari ni Tiya Isabel, ang ipagpatuloy ko ang pag-aaral ko.” "Mainam ang plano mo na yan Chantal. Dapat nga na ipagpatuloy mo ang pg-aaral mo para mas malayo pa ang marating mo." Pagsang-ayon ni Cherry sa sinabi ko. Si Cherry ay ilang taon nang nakagraduate ng college kaya nasabi nitong mas mainam kung tatapusin ko ang kolehiyo gaya ng bilin sa akin ni Tiya Isabel. Kahit mag working student ako habang nag-aaral para kahit paunti-unti ay ma take ko ang units na kailangan ko para makagraduate ay willing kong gawin, para kay Tiya Isabel. Masaya kaming nagmimiryenda ni Cherry ng may isang lalakeng bigla na lang lumapit sa aming dalawa. Napatingin ako sa isang matangkad at mukhang may kayang lalake na nasa harapan namin ngayon. “Hi…” Bati nito sa aming dalawa ni Cherry. “Oh, Jerick…nandyan ka na pala.” Napangiti si Cherry ng makita nito ang lalakeng lumapit sa amin. Alam kong may kikitain itong tao ngayon kaya nagpasama ito sa akin pero hindi nito nabanggit na lalake pala ang hinihintay namin. “Sorry, I’m late.” Hinging paumanhin nito sa amin ni Cherry, hindi nito pinuputol ang tingin sa akin na agad na napansin ni Cherry. Sunod akong tiningnan ni Cherry para ipakilala sa akin ang lalakeng tinawag nitong Jerick kanina. “Ammmm, Chantal, this is Jerick…my officemate. Jerick, this is Chantal, my friend.” Kung kanina ay pasulyap-sulyap lang ang ginagawa nitong tingin sa akin ngayon iba na, diretso niya akong tinitigan sa mga mata. “Hi.” Nakangiti nitong bati sa akin. Wala naman akong nagawa kung hindi ang ngitian lang ito at batiin din sa huli. “Hello…” At tinanggap ko ang kamay nitong nakalahad ngayon sa harap ko. Nakita ko na nakatingin din sa amin si Cherry at sa reaksyon ko habang nagpapakilala ang kaibigan niya sa akin. Medyo nagtagal ang pagkakahawak niya sa kamay ko at humingi pa ako ng saklolo kay Cherry sa pamamagitan ng pagtingin ko sa gawi niya para sana mamagitan sa amin ni Jerick. “Ummmm, Jerick…baka naman daw gusto mong bitawan na ang kamay ni Chantal.” Nakangiti nitong sambit sa kaibigan nito. “Oh, I’m sorry. Na startruck lang ako sa ganda ng kaibigan mo.” Nakangiti rin nitong sabi kay Cherry. “Ikaw ah, wala sa usapan natin na malolove at first sight ka sa kaibigan ko. Ang usapan lang natin ay gusto mo ng kausap ngayon at hindi ang takutin ang kaibigan ko.” Pabiro pang sabi ni Cherry na hindi ko naman maintindihan at wala itong nabanggit sa akin na tungkol sa kaibigan nito na kikitain naming ngayon. “Hindi lang ako makapaniwala na may kaibigan kang sobrang ganda, Cherry.” Imbis na mapangiti ay napangiwi na lang ako sa sinabi nito. Hindi pa rin ako masanay-sanay kapag may mga nagsasabi sa akin na may maganda akong mukha. Para sa akin, nasa iyo naman kung gusto mong maging maganda ka sa paningin ibang ng tao at hindi mo kailangang maglagay ng anumang kolorete, basta at maging totoo ka lang sa taong kaharap mo. Makikita at makikita ng mga tao ang tunay mong ganda na hindi lang nakabase sa hitsura mo kung hindi sa laman ng iyong kalooban. “Tsssk! Bolero. Pero ito ah, huwag ka ng magtangka at hindi na available si Cherry.” Napatingin ako sa sinabi ni Cherry at nakita kong kumindat ito ng patago sa akin kaya alam kong baka nagbibiro lang ito ng sabihin nito kay Jerick ang bagay na’yun. “Really? M-may boyfriend na siya?” Malungkot na tanong nito habang titig na titig sa akin. “Yes.” Diretsong sagot ni Cherry kay Jerick. “Ouchhhh,” Pabiro nitomg sabi at biglang natawa si Cherry sa reaksyon nito. “Lagot ka kay Kuya Edison kapag kinulit mo Chantal.” Mayamaya ay dugtong ni Cherry sa una nitong sinabi. “S-si…Edison ang boyfriend ni Chantal?” Hindi makapaniwalang tanong ni Jerick kay Cherry. At ito muli ang sumagot. “Oo, kaya off limit na si Chantal..mas mainam na humanap ka na lang iba mong magugustuhan, at si Chantal ay hindi na puwede.” Naguluhan ako sa sinabi ni Cherry. Hindi ko alam kung biro pa rin ba ang sinasabi nito tungkol ka Kuya Edison o papaano? “Hays, sayang naman.” Muli akong napangiwi sa reaksyon ni Jerick at paniwalang-paniwala talaga ito sa mga sinabi ni Cherry dito. “Umorder ka na lang Jerick ng pagkain natin.” Walang ano-anong utos ni Cherry sa kaibigan nito. At bantulot ngang tumayo si Jerick para umorder ng pagkain namin. Ako naman ay nanatiling tahimik at hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi ni Cherry tungkol sa Kuya Edison nito o isa lamang itong biro? Hindi ko naman matanong si Cherry tugkol dun at kasama pa namin si Jerick ng mga oras na’yun, siguro sa ibang pagkakataon na lang. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD