Chapter 8- Top 50

1222 Words
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sunod-sunod na katok mula sa pinto ng aking kuwarto. Nang sipatin ko ang alarm clock sa side table ay hindi naman ako na late ng gising at maaga pa. Dali-dali akong bumangon para tunguhin ang pinto at nabungaran ko agad ang nakangiting ai Cherry. Para itong masayang-masaya base sa hitsura nito. Nilakihan ko ang bukas ng pinto para makapasok ito. "Cherry..." tawag ko sa kanya na tuloy-tuloy pumasok sa loob ng kuwarto hindi alintana ang pagtawag ko sa kanya. Nang lingunin ko siya ay may hawak itong isang puting sobre kaya bigla akong naalarma at kinabahan. Ito na kaya ang resulta ng screening na pinagdaan ko para sa pageant? Napahawi ako sa sarili kong buhok para palisin ang mabilis na kabang bumundol sa dibdib ko sa kaalamang baka ito nga ang sulat na nanggaling committee ng Ms. Grand Philippines at malalaman na rin sa wakas kung nakapasok ako o hind isa top 50. "Chantal, this is it!" nakangiting hiyaw ni Cherry sa akin na iwinawagayway pa ang sobre sa hangin. Tama nga ako sa hinala ko. Biglang inabot sa akin ni Cherry ang sobre at napatingin ako sa kanya bigla. "Open it, para malaman natin ang resulta at tiyak kong kasama ka sa mga finalist para sa pre-pageant ng Ms. Grand Philippines!" Excited na pahayag ni Cherry sa akin na hindi ko alam kung matutuwa ba ako oh mas lalo lang akong dapat na kabahan? Paano kung hindi pala ako nakapasa sa screening ? "Cherry, ikaw na lang ang magbukas." Kabado kong sabi sa kanya at umupo muna ako sa dulo ng kama para doon kumuha ng lakas. Ano man ang kalabasan ng ginawa ko ay tatanggapin ko lang ng buong puso, at least ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para hindi madisappoint si Cherry at ang pamilya nito. "Are you sure na ako na lang ang magbubukas?" tanong niya sa akin saka ako tumango ng walang ano-ano. At sinimulan ng baklasin ni Cherry ang pagkakadikit ng takip ng sobre. Halos hindi ako humihinga habang binubuksan ni Cherry ang sobre. Samantalang ito naman ay hindi rin maipinta ang excitement ng unti-unti ay bunubuksan na nito ang puting sobreng hawak. Napatingin ako kay Cherry matapos nitong iladlad ang laman ng sobre at walang emosyon ang mukha nito ng lumingon ito sa akin. Hindi siguro nito nagustuhan ang nabasa kaya ganoon na lang itsura nito. Tanggap ko naman ang lahat. Na sa bawat laban ay may natatalo at nanalo, ang kaibihan nga lang sa sitwasyon ko ngayon ay hindi pa ako lumalaban sa mismong pageant pero talo na. Nagbaba ako ng tingin at parang hindi ko kayang makita ang lungkot sa mukha ni Cherry kaya ganoon na lang ang gulat ko ng magtitili ito sa harap ko na kulang na lang ay magtatalon ito sa tuwa. "Chantal! Sabi ko sayo eh, makakasama ka sa top 50." Narinig kong sabi ko Cherry na hindi pa nag sink agad sa akin dahil ang buong akala ko ay hindi talaga ako napili sa screening. Napangiti rin ako dahil sa naging reaksyon ni Cherry at talagang sobrang saya nito. Daig pa nito ang nanalo sa lotto sa sobrang saya at paghiyaw matapos naming malaman na kasama ako sa finalist ng Ms. Grand Philippines. "A-anong sinabi mo Cherry?" "Chantal, kasama ka sa top 50 at next na ang pre-pageant nyo!" Hinawakan pa ako sa balikat ni Cherry para yugyugin at magising sa katotohanan. "T-talaga ba...? Ang buong akala ko kasi ay hindi ako nakasama at ang lungkot ng hitsura mo," naiiyak kong sabi sa kanya. "Ikaw naman, ginawa ko lang iyon para lalo kang ma-excite sa resulta." Natatawa nitong biro sa akin. Hindi ako makapaniwala na naisahan ako ni Cherry sa totoong resulta ng screening at kitang-kita ko kasi sa mukha nito ang lungkot at disappointment. Buti na lang at binigyan ako ng pagkakataon na mapatunayan ang kakayahan ko sa harap ng maraming tao "Ikaw talaga," kunwari ay may tampo kong sabi sa kanya. "Nevermind. Ang kailangan nating gawin ay paghandaan naman natin ang pre-pageant mo next week at talagang malakas ang hinala ko na ikaw ang mananalo sa pagent na iyon!" may halong saya at tili sa boses na sabi sa akin ni Cherry na ikinatuwa ko naman. Paano na kaya ang panggastos ko sa mga kakailanganin ko para sa contest? Bigla akong natahimik saglit. "What's wrong Chantal? Hindi ka ba masaya na kasama ka sa top 50?" bigla ay tanong ni Cherry sa akin ng makita nito na natahimik ako sa kabila ng kasayahan namin. "Cherry kasi..." Hindi ko masabi ang tunay kong nararamdaman at naiisip sa kanya. Nahihiya kasi ako. May sampung libo akong nakatabi galing sa premyo na nakuha ko sa huling pageant na sinalihan ko sa Bicol, pero sa tingin ko ay hindi sasapat iyon para tustusan ang magiging gastos ko sa pre-pagent at sa buong duration ng contest. "Huwag mong isipin na inaalala mo pa rin ang mga gastos para sa pageant? Hindi ba sinabi ko naman sayo na wala kang dapat na intindihin. Nakausap ko na si Kuya Edison at payag siyang sponsoran ka sa lahat ng gastusin mo." Totoong nagulat ako sa binalita ni Cherry at wala akong kaalam-alam na kinausap na pala nito si Kuya Edison para sa mga gastusin ko. Diretso akong napatingin sa kanya at inaarok ko kung totoo ang binalita niya sa akin. Nakakahiya man na tanggapin ang tulong nilang magkapatid pero kung iyon na lang ang tanging paraan para makasali ako sa pagent na iyon ay tatanggapin ko ng buong puso. "Cherry, nakakahiya naman kay Kuya Edison." Alanganin kong sagot sa kanya na hindi pa rin ako makapaniwala sa binalita nito sa akin. "Sus, wala lang iyon kay Kuya Edison nuh. Marami kayang pera iyon, kulang na lang talaga ay mapapangasawa." Pabiro nitong sagot sa akin na ikinangiti ko naman. Nagpahaging na naman ito tungkol sa pag-aasawa ng kapatid nito. Naalala ko tuloy ang sinabi niya kay Jerick last time. "Ikaw talaga, palagi mo na lang niloloko ang kapatid mo." "Nagsasabi naman ako ng totoo Chantal, nasa marrying age na si Kuya Edison pero wala pa rin siyang pinapakilalang girlfriend man lang sa amin nila Daddy, puro na lang kasi siya trabaho. May ilang babae na nalilink sa kanya kaya lang ay hindi naman nagtatagal at ayun, hindi ko pa man nalalaman na sila na pala ng girl abe hiwalay na agad. Susme!" Mataray nitong kuwento sa akin na ikinatawa ko naman. Napaka prangka talaga nitong tao at kahit ano pa ang masabi ay wala talaga itong preno dahil totoo naman ang mga sinasabi nito kaya ganoon. Napailing na lang ako dahil sa tinuran ni Cherry tungkol sa Kuya Edison nito. Para talagang mga aso't pusa ang mga ito kapag nagbabangayan. "Cherry, kung naririnig ka ni Kuya Edison mo ngayon, malamang nagbabangayan naman kayong dalawa." Pakli ko. "I'm just telling the truth, Chantal. Ganoon si Kuya Edison sa mga babae, and how I wish na makatagpo na siya ng babaeng makakatapat niya." Tumawa ito ng pagdaka. "Malay mo...nasa paligid-ligid lang pala ang babaeng nararapat sa kanya." Kinindatan pa niya ako pagkatapos iyong sabihin. Napangiti na lang ko ng alanganin dahil sa sinabi niya. Parang may gusto itong patungkulan na hindi ko naman maintindihan, nagkibit balikat na lang ako sa kanya na parang sinasang-ayunan ko ang huli nitong sinabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD